Sariling Pananampalataya at Pananampalataya sa Diyos
Size: 1.17 MB
Language: none
Added: Sep 01, 2025
Slides: 33 pages
Slide Content
TEACHER MAIDA STA. MARIA VALUES EDUCATION QUARTER 1 PANANAMPALATAYA SA DIYOS: LAKAS SA PAGHARAP SA MGA HAMON SA BUHAY
Mga Layunin Natutukoy ang mahalagang papel ng sariling pananampalataya sa Diyos sa buhay Naipaliliwanag na ang sariling pananampalataya sa diyos ay nakatutulong sa pagkakaroon ng pag-asa , katatagan , at lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon at pag-iwas sa mga tukso sa buhay Nailalapat ang sariling pananampalataya sa Diyos sa lahat ng oras lalo na sa mga mapaghamong sitwasyon ( halimbawa : positibong pananaw sa kabila ng kahirapan
Sariling Pananampalataya sa Diyos
Pagninilay -Reflection Tumutukoy sa isang malalim na pag-iisip tungkol sa isang bagay
Pananampalataya -Faith Paniniwala ng may kapanatagan sa mga bagay na hinihintay , pagtitiwala sa mga bagay kahit hindi nakikita
Panalangin-Prayer Palagiang pakikipag-ugnayan sa Diyos
Suliranin -Problem Isang bagay na nagpapakita ng hamon , balakid , o kawalan ng katiyakan na kailangang tugunan o malampasan
Pananampalataya Ito ay ang buong pagtitiwala o kumpiyansa sa isang tao o bagay. Mahalagang bagay na nagpapatibay sa atin sa pagharap ng iba’t ibang sitwasyon sa buhay . Paniniwala sa isang mas mataas na kapangyarihan o isang particular na relihiyon . Pagkakaroon ng ispiritwal na ugnayan sa makapangyarihang Diyos
Pananampalataya Hebreo 11:1-3 Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan , at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita . Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya . Dahil sa pananampalataya , nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng salita ng Diyos , at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita .
Pananampalataya Ayon sa Hebreo 11:1-3 Ang pananampalataya ay makatuwirang debosyon , hindi ito pagsunod ng walang pag-iisip . Ito ay ang sining ng paghawak sa mga bagay na minsang tinanggap ng iyong kalooban at kalagayan . Dahil magbabago ang kalooban , anuman ang pananaw ng iyong dahilan o isipan .
Pananampalataya Paniniwala sa sarili o sa sariling kakayahan at sa kapwa Hindi lamang ito tungkol sa relihiyon , kungdi pati rin sa pagtitiwala sa sarili at sa mga kapwa natin Kapag mayroon tayong pananmpalataya sa sarili , mas nagiging determinado tayo na harapin ang mga hamon at magtatagumpay .
Ang Kahalagahan ng Pananampalataya Nagbibigay ng layunin at direksiyon Nakatutulong sa pagbuo ng pasya at pagharap sa pagsubok Nagbibigay ng kaaliwan at pag-asa sa mabibigat na sitwasyon
Mga Uri ng Pananampalataya 1. Pananampalataya sa tao - maaring sa ating kapuwa at sarili hal . Nagtitiwala ka sa doctor na mag- oopera sa’yo 2. Relihiyosong Pananampalataya - ito ang pananampalataya sa Maylalang hal . Kristyanismo , Islam 3. Pananampalataya sa Diyos - paniniwala at pagtitiwala sa Diyos na lumalalim dahil sa mga karanasan sa buhay at patuloy na pag-diyalogo sa Diyos sa panalangin
Pananampalatayang Kristiyano Pangunahing turo ni Kristo ay makikita sa Mateo 22:37-47 “ Ibigin mo ang Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip .” “ Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili ”
Pananampalataya Pagkakaroon ng buong pagtitiwala at pananalig na matutupad ang ating mga inaasahan kahit ito ay imposible Nagbibigay pag-asa Katatagan Lakas ng loob Dahil sa ating pananampalataya , tayo ay nananatiling puno ng pag-asa , naniniwalang malalagpasan din ang mga suliranin , at magiging maayos din ang lahat.
Pag- asa mula sa Pananampalataya Naiiwasan ang mga negatibong kaisipan at naniniwalang sa pamamagitan ng pagsisiskap at pananampalataya , makakayanan niya ang lahat.
Katatagan mula sa Pananampalataya Dahil sa ating pananampalataya , nagiging matatag tayo sa mga tukso o maling gawain Dahil sa ating pananampalataya
Lakas ng loob mula sa Pananampalataya Ang pananampalataya , nagbibigay ng lakas ng loob upang harapin nang may tapang at determinasyon ang mga mahihirap na sitwasyon .
Pagninilay Aling pagkakataon sa iyong buhay ang natulungan ka ng iyong pananampalataya ? Paano mo mapapatibay ang iyong pananampalataya sa pang- araw - araw na buhay ?
Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa Panahon ng Suliranin Nagbibigay kahulugan at nagbibigay lakas Nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon Nagpapanatili ng katatagan Naghahatid ng kapayapaan Isang lihim na sandata na maari nating gamitin upang maharap ang mga pagsubok
Mga Suliranin Karaniwang Kinakaharap ng Isang Mag- aaral Peer pressure Family issues Academic stress Bullying Social media influence
Paglalapat ng Pananampalataya Kapag Nakararanas ng Peer Pressure manalangin para humingi ng lakas na tumanggi , alalahanin na nais ng Diyos na gumawa ka ng mga pasyang alinsunod sa kanyang mga aral at utos , Humanap ng suporta mula sa mapagkakatiwalaang nakatatanda magbasa ng bibliya 1 Corinto 15:33 Huwag kayong paloloko . “ Ang masasamang kasama ay nakkasira ng mabuting pagkatao .”
Paglalapat ng Pananampalataya Kapag Nakararanas ng Family Problem manalangin para sa lakas at pag-asa Magtiwala sa plano ng Diyos Patuloy na ipakita ang pagmamahal at suporta sa pamilya Mga Awit 34: 18 Tinutulungan niya , mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa
Paglalapat ng Pananampalataya Kapag Nakararanas ng Academic Stress manalangin para sa karunungan at focus Alalahaning utos ng Diyos ang pag-abot sa karunungan Tandaan na gawin ang iyong makakaya at hayaan ang diyos na gumawa sa iba 1 Pedro 5:7 Ipagkatiwala Ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo .
Paglalapat ng Pananampalataya Kapag Nakararanas ng Bullying manalangin para sa tapang at proteksyon Magtiwala na nakikita ng Diyos ang iyong sakit at bibigyan ka niya ng lakas na tiisin ito Humingi ng tulong sa mga nakatatanda at tandaan ang iyong halaga sa paningin ng Diyos Deuteronomio 31:6 Kayo’y magpakalakas at magpakatapang , huwag kayong matakot , ni mangilabot sa kanila : sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo ; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya .
Paglalapat ng Pananampalataya Kapag Nakararanas ng Social Media Influence manalangin para sa karunungan at tamang desisyon Tandaan ang tunay mong halaga sa mata ng Diyos Limitahan ang oras sa social media Roma 12:2 Huwag kayo makiayon sa takbo ng mundong ito . Sa halip , hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan Ninyo ang kanyang kalooban . Sa gayon , magagawa Ninyo kung ano ang Mabuti, kalugud-lugud at ganap na kalooban ng Diyos .
Buhay na Pananampalataya Sa mga sitwasyong ating pinag-usapan , pansinin na ang tamang paglalapat ng pananampalataya ay laging may kasamang pagkilos o paggawa . Santiago 2:17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa .
Pananalig sa Diyos (Faith in God) Ito ay nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa ating buhay . Ito ay nangangahulugang pagtitiwala at paniniwala sa Diyos na may plano para sa atin at sa lahat ng aspeto ng ating buhay .
Kahalagahan ng Pananalig sa Diyos Nagbibigay ng lakas sa panahon ng pagsubok Nagiging gabay sa tamang pagpapasya Nagpapalakas ng pag-asa para sa kinabukasan Nagpapatibay ng relasyon sa Diyos at sa ibang tao
Lagom ng Pagkatuto Mahalaga at Mabuti na ang isang tao ay may pananampalatayo hindi lang sa Diyos kungdi pati rin sa kaniyang kapuwa at sa kanyang sarili . Ang pananampalataya sa Diyos ay maaaring masalamin sa pakikitungo sa kapuwa , sa kapaligiran , at sa sarili .
Lagom ng Pagkatuto Kapag may hindi mabubuting nagaganap sa buhay , ang isang taong may pananampalataya ay handing tumugon upang , hindi man mabigyang-solusyon ang suliranin ay maharap ito nang may katatagan , lakas ng loob , at pagmamahal .
Listahan ng Aking Pinaniniwalaan Magsulat ng 10 pangungusap na nagsisimula sa “ Naniniwala ako … Halimbawa : Naniniwala ako na ang Diyos ay di ako pababayaan Naniniwala ako na mahal ako ng Diyos Naniniwala ako na ang edukasyon ay
Salamat sa pakikinig ! Tandaan huwag mawawalan ng pag-asa , laging manampalataya .