MAKABANSA 1 Mga Tungkulin ng Magulang sa Pamilya QUARTER 2 WEEK 5 DAY 1
Gawin ito kasama ang inyong kapareha . Anong gawain ang inyong ginawa tuwing Sabado at Linggo kasama ang iyong pamilya ? Ano ang inyong naramdaman habang ginagawa ang gawain kasama ang inyong pamilya ?
Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang mga tungkulin ng magulang sa pamilya .
Basahin ng malakas at malinas . Tungkulin Tungkulin - mga bagay na inaasahang gawin ng isang kasapi ng pamilya o komunidad . Tungkulin ng magulang ang maging mabuting huwaran sa mga anak . Ang pagtulong sa kapwa ay isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng tao .
Tungkol saan ang kuwentong ating binasa ? Sino- sino ang mga tauhan sa kuwentong binasa ? Ano ang tungkulin ng ng mga magulang sa kuwentong binasa ?
Ano kaya ang mangyayari sakaling hindi maisagawa ng mga magulang ang kaniyang tungkulin ? Paano kapag hindi nakapaghanda ng pagkain si nanay , ano ang iyong gagawin ? Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing ginagawa ng ating mga magulang ang kanilang tungkulin ?
Ano ang ibig sabihin ng tungkulin ? Ano- ano ang mga tungkulin ng mga magulang sa pamilya ? Paano ninyo mapapakita na Pinapahalagahan ninyo sila ?
Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X) naman kung mali . _____1. Tungkulin ng magulang na mahalin ang mga anak . _____2. Tungkulin ng magulang na magtrabaho upang mabigay ang kailangan ng pamilya . _____3. Tungkulin ng magulang na ipakita ang mga pag - aaway sa mga anak . _____4. Tungkulin ng magulang na ipasok sa paaralan ang mga anak . _____5. Tungkulin ng magulang na hindi patulungin sa bahay ang mga anak .
Gumawa ng talaan ng tungkulin ng inyong mga magulang sa tahanan .
MAKABANSA 1 Mga Tungkulin ng Anak sa Pamilya QUARTER 2 WEEK 5 DAY 2
Ano ang napag-aralan natin kahapon ? Ano ang tungkulin ? Ano- ano ang tungkulin ng mga magulang ?
Ngayong araw na ito, tatalakayin natin ang mga tungkulin ng anak sa pamilya .
Basahin ng malakas at malinas . Tungkulin
1. Ano ang buod ng kwento ? 2. Ano ang ginawa ni Kuya sa kuwento ? 3. Ano ang ginawa ni Ate sa kuwento ? 4. Ano naman ang ginagawa ng bunso sa kuwento ?
Kasama ang inyong kapares ay pag-usapan ninyo ang sumusunod na tanong . 1. Ano ang inyong mga gawain sa pamilya ? 2. Paano ka nakatutulong sa mga kasapi ng inyong pamilya ?
PANGKATANG GAWAIN Pagsasadula Pangkat 1
Pangkat 2
Pangkat 3
Alin sa mga larawan ang inyo ding ginagawa sa pamilya o tahanan ? Ano pa ang mga tungkulin ng isang anak sa pamilya ?
Isulat ang Tama o Mali. _____1. Tungkulin ng anak na mag- aral ng mabuti . _____2. Tungkulin ng anak na makipag -away sa mga kapatid . _____3. Tungkulin ng anak na maging matulungin sa mga gawaing bahay . _____4. Tungkulin ng anak na magtrabaho upang may pambili ng pagkain . _____5. Tungkulin ng anak na sundin ang kaniyang mga magulang .
Ano- ano ang mga gawain ninyo sa inyong tahanan . Gumawa ng talaan nito .
MAKABANSA 1 Mga Tungkulin ng Iba Pang Kasapi ng Pamilya QUARTER 2 WEEK 5 DAY 3
Pagsasadula Pangkat 1 Maghugas ngpinggan . Maligo araw-araw Pangkat 2 Matulog ng 8 oras kada - araw . Yakapin ang mga magulang para mapakita ang pagmamahal. Pangkat 3 Mag- aral ng Mabuti. Magmano bilang pagbibigay respeto sa magulang .
Sa araw na ito, tatalakayin natin ang mga tungkulin ng iba pang kasapi ng pamilya .
Sino pa kaya ang iba pang kasapi ng pamilya na wala sa tsart ? Lolo Lola Tiyahin Tiyuhin Pinsan
Sa palagay ninyo ano kaya ang nangyayari sa larawan ? May ganito din ba kayong karanasan ? Ano ang mararamdaman ninyo kung kayo ang bata sa larawan ?
Sa mga pamilyang kailangan lumayo ang mga magulang upang magtrabaho , sa panahong wala ang nanay o tatay ng mg bata/ anak sa pamilya , sino-sino ang maaaring gumabay sa kanila ?
Ano ang halaga nina lolo, lola , tiya , tiyo at mga pinsan ?
Ngayon ay bibigyan ko ng pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng kwento tungkol sa ibang kasapi ng inyong pamilya tulad ng inyong lolo, lola , tiyo , tiya , pinsan at iba pa. Ikwento ninyo kung ano ang nagiging tungkulin nila sa pamilya .
Gumuhit ng dalawang iba pang kasapi ng inyong pamilya bukod sa inyong nanay , tatay at mga kapatid . Pagkatapos ay ibabahagi ninyo sa inyong kapares ang karanasan ninyo dito na hindi ninyo malilimutan .
Sino- sino ang iba pang kasapi ng ating pamilya maliban sa tatay , nanay at mga kapatid ? Ano ang papel o tungkulin nila sa pamilya ?
Gumuhit ng larawan ng inyong pamilya kasama ang iba pang kasapi tulad ng lolo, lola , tiya , tiyo , at mga pinsan .
MAKABANSA 1 Papel at Tungkulin ng mga Kasapi ng Pamilya QUARTER 2 WEEK 5 DAY 4
https://youtu.be/2-gxZrpH-Hs?si=5zIAciNeHjmRGKCe
Tungkol saan ang kwentong napanood ninyo ? Ano ang masasabi ninyo sa bawat kasapi ng pamilyang napanood ninyo ? Bakit mahalaga ang pagtutulungan ?
Ngayon kayo ay guguhit ng larawan na nagpapakita ng mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya .
Arte Ko, Hula Ny ' o Mapapaligsahan ang dalwang grupo sa paghula ng iaarte ng mga naatasang umarte . 1. Nagliligpit ng mga laruan 2. Nagmamaneho 3. Nagtatanim 4. Nangingisda 5. Nagluluto 6. Naghuhugas ng pingkainan 7. Nagwawalis 8. Naglalaba
Gumuhit ng halimbawa ng kanilang tungkulin sa inyong pamilya .
Ibabahagi ninyo ang inyong gawa , kung tungkol saan ang iginuhit na larawan .
1. Ano ang mga magkakatulad na gawain ng iba’t ibang mga kasapi ng mag- aaral ? 2. Ano ang iyong mararamdaman kung sakali na hindi magawa ng kasapi ng pamilya ang kaniyang tungkulin ? Halimbawa : Hindi na magluluto ng masustansyang pagkain si nanay .
Bilang kasapi ng pamilya , ano ang iyong mga sisimulang gawin ?