LANGUAGE 1 Comparing and Contrasting (school-related topics) QUARTER 2 WEEK 6 DAY 1
Masdan ang dalawang larawan .
Ano ang napansin ninyo sa dalawang larawan ? Paano ninyo ilalarawan ang una at pangalawang larawan ?
Sa araw na ito kayo ay inaasahang matututunan ang mga salitang nagpapakita ng pagkakapareho o pagkakaiba . Makapagbabahagi ng mga ideya tungkol sa paaralan gamit ang mga salitang natutuhan .
Basahin natin ng malakas at malinaw . pare- pareho / pareho mas magkasing
Mahalagang gumamit ng salitang “mas” upang maipakita ang kaibahan ng mga ideya . Ang “ magkasing ” at “ pareho o pare- pareho ” ay ginagamit naman upang maipakita ang pagkakatulad ng mga ideya
Paghambingin ang dalawang silid , ang silid-aralan at silid-aklatan . Gamitin ang pareho at mas.
Ano- anong mga salita ang ginamit mo sa paghahambing ?
Pag- aralan ang bagong aralin .
LANGUAGE 1 Comparing and Contrasting (school-related topics) QUARTER 2 WEEK 6 DAY 2
Gumawa ng pangungusap ng paghahambing gamit ang larawan .
Ngayong araw kayo ay inaasahang maipagpatuloy ang pag-aaral sa mga salitang nagpapakita ng pagkakapareho o pagkakaiba . Makapagbabahagi rin ng mga ideya tungkol sa paaralan gamit ang mga salitang natutuhan .
Basahin natin ng malakas at malinaw . pare- pareho / pareho mas magkasing
Tukuyin ang mga tiyak na linya mula sa pangungusap sa mga larawan na gumamit ng mga salitang naghahambing . Pare- pareho ng kulay ang mga silid sa paaralan Mas malaki ang conference hall kaysa sa mga silid-aralan Mas maraming aklat sa silid-aklatan kaysa sa silid - aralan Pareho ang antas ng kalinisan ng kantina at knilika
Magbahagi sa kayo klase ng iba’t ibang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga silid sa ating paaralan ?
Gamitin ang mga salitang natutunan upang ipahayag ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga pares ng larawan . Batay sa haba Batay sa bigat
Batay sa lakas ng tunog Batay sa tangkad
Anong mga salita ang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga ideya ?
Paghambingin ang mga silid-aralang nasa larawan gamit ang mga natutuhang salita .
Pag- aralan ang pagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga ideya .
LANGUAGE 1 Printed vs Digital Texts QUARTER 2 WEEK 6 DAY 3
Maaari bang magbahagi ng mga salitang nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba na inyong natutuhan ?
Magbahagi kayo ng mga nakikita ninyo sa tuwing kayo ay papasok ng paaralan .
Nakakita na ba kayo nito ? Saan? Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin nito ? Ano ang ginagawa ninyo kapag nakikita ninyo ang ganitong karatula ?
Ngayong araw kayo ay inaasahang matututunan ang mga simbolo , karatula , at icons na nakikita natin sa loob at labas ng paaralan . Matutuhan din ang kahulugan at kahalagahan ng mga ito.
Basahin natin ng malakas at malinaw . bawal tumawid pasukan at labasan (entrance/exit) pambabae at Panlalaking Palikuran tumahimik (maintain silence) magtapon ng basura sa tamang tapunan ( nabubulok /di- nabubulok / nareresiklo )
Ang “ environmental print ” ay tumutukoy sa mga salitang , numero , o larawan na makikita natin sa ating kapaligiran . Ito ay bahagi ng ating araw-araw na buhay, tulad ng mga karatula sa kalsada , label ng pagkain , at pangalan ng mga tindahan .
Alin sa mga sumusunod na mga simbolo , karatula , at icons ang nakikita ninyo sa labas ng ating paaralan ?
Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng mga ito?
Pangkatang Gawain Gumuhit ng mga environmental prints o simbolo , karatula , at icons na karaniwang makikita ninyo sa lugar na nakatalaga sa inyong pangkat . Pangkat 1 – silid-aralan Pangkat 2 – silid-aklatan Pangkat 3 – palikuran Pangkat 4 – gulayan sa paaralan
Presentasyon
Paano tayo natutulungan ang mga mag- aaral ng mga environmental prints? Ano ang halaga ng mga ito?
Environmental P rints 1. Bawal pumitas ng bulaklak . 2 . Bawal mag- ingay . 3 . Bawal tumawid dito .
4 . Dito itapon ang basura . 5. Paaralan
Tukuyin ang ibig sabihin ng mga sumusunod na environmental prints.
Pag- aralan ang iba ' t ibang environmental prints.
LANGUAGE 1 Books vs Magazines QUARTER 2 WEEK 6 DAY 4
Kung mayroon kayong gustong malaman , saan kayo pwedeng sumangguni para malaman ang sagot sa inyong tanong ?
Ano ang pag-kakaiba ng aklat at computer? Mayroon ba silang pagkakatulad ? Ano ito?
Ngayong araw kayo ay inaasahang malalaman kung paano naiiba ang digital texts sa mga librong binabasa natin. Mapag-aaralan din ang iba’t ibang simbolong ginagamit sa mga digital texts.
Ano ang digital texts?
Ang digital texts ay mga babasahin na makikita sa mga electronic devices tulad ng computer, tablet, at cellphone. Hindi ito tulad ng mga libro o papel na hawak natin. Nababasa natin ang digital texts gamit ang screen.
Isa sa mga klase ng digital texts ay tinatawag na ebook . Ito ay libro na mababasa sa computer o tablet. Kinakailangan may internet koneksyon upang magawang i -access ang mga digital texts.
Pumunta sa Website
Pumunta sa Search Bar at i -type o i -click ang gusto mong kwento . Sa palagay ninyo tungkol saan ang kwento ?
Narito sa pahina ang mga icon at simbolo . Arrow sa kanan - upang pumunta sa susunod na pahina
Kaliwang arrow - upang bumalik sa nakaraang pahina
Speaker - para makinig sa audio narration
Return – ay upang bumalik sa Home Page
Share - upang ibahagi ang link sa isang kaibigan
Ang digital texts ay isang masayang paraan para matuto at magbasa , lalo na kung wala kayong aklat sa inyong tabi!
Ang kwentong ito ay may Tagalog/Filipino narration.
Ano ang mga digital na teksto ? Ano ang pagkakaiba ng tekstong digital at karaniwang babasahin ? Mayroon na ba kayong nabasang tekstong digital? Alin sa mga ito and inyong pinakanagustuhan ? Bakit?
Ang natutuhan ko ngayong araw ay _______________.
Tukuyin ang mga sumusunod na icons. share narration speaker return arrow