Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar . Maaaring magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay . Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilanag ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at biblya .
Sa dahilang ang alamat ay isang uri ng salaysay , mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari . Ang banghay ng alamat ay maaaring maging payak o komplikado . Ang mga pangyayari rito ay hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan bagama’t may mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin ang mga gintong aral na laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito .
Gaya ng ibang akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay nagtataglay rin ng tatlong bahagi : simula , gitna , at katapusan . Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento , ang tauhang ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang sikolohikal , kung sino ang bida at ang kontrabida . Ang iklawa ay ang tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng panahon – kung tag- init o tag- ulan , kung anong oras at kung saaang lugar .
Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena . Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento – walang iba kundi diyalogo . Ang diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan . Kailangang ang diyalogo ay magawang natural mat hindi artipisyal . Kagaya rin ng ibang akdang tuluyan , sa gitna rin makikita ang sumusunod na katangian ng isang kuwento : ang saglit na kasiglahan na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema ; ang tunggalian na tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikitunggali sa sarili , sa kapwa , sa kalikasan . At ang panghuli ay ang kasukdulan , ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan , kung ito ay kasawian o tagumpay .
Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang wakas nito . Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng istorya . Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin . Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyong maaaring masaya o malungkot , pagkatalo , o pagkapanalo .
Ang Alamat ng Pinagmulan ng Bohol Mga tauhan : Datu - Ang ama ng nag- iisang anak na babae na may sakit . Siya ang namumuno at nag- aalaga sa kanyang nasasakupan . Anak ng Datu - Ang kaisa-isang anak na babae ng Datu na nagkasakit at naging sentro ng kwento . Matandang Manggagamot - Ang manggagamot na ipinatawag ng Datu upang pagalingin ang kanyang anak . Mga Kalalakihan - Ang mga tagasunod ng Datu na tumulong sa paghuhukay at pag-aalaga sa anak ng Datu . Dalawang Bibe - Mga hayop na tumulong sa anak ng Datu nang siya ay mahulog sa tubig . Pagong - Ang hayop na nagbigay ng mga ideya upang matulungan ang dalaga at lumikha ng liwanag . Palaka - Ang hayop na nagdala ng buhangin na nagbigay-daan sa pagbuo ng pulo ng Bohol. Masamang Anak - Ang kapatid ng mabuting anak na nagdulot ng kasamaan sa Bohol. Mabuting Anak - Ang anak na nagpaganda sa Bohol at naglikha ng mga tao mula sa lupa .
Tagpuan Ulap - Dito naninirahan ang mga tao sa simula ng kwento . Puno ng Balite - Dito naganap ang mahahalagang pangyayari para sa pagpagaling ng anak ng Datu . Pulo ng Bohol - Ang lugar kung saan lumitaw ang pulo at doon nanirahan ang dalaga . Kapaligiran ng Bohol - Ang kapaligiran na binuo ng mabuting anak . Kasukdulan Ang kasukdulan ay nangyari nang mahulog ang anak ng Datu sa daluyan ng tubig , na nagdulot ng isang serye ng mga pangyayari na nagbigay-diin sa mga pagsubok at pagkilos ng mga hayop upang matulungan siya . Kakalasan Ang kakalasan ay ang pagbuo ng pulo ng Bohol at ang paglikha ng araw at buwan mula sa kidlat , na nagbigay liwanag at init sa dalaga . Ito ang nagbigay-daan sa pagsisimula ng bagong buhay sa Bohol. Iba pang Elemento Tema - Ang kwento ay nagtatampok ng tema ng pagkakaisa , pagtulong , at pagkakaroon ng mabuting asal . Moral - Ipinapakita ng alamat na ang kasipagan , kabutihan , at paggalang sa kalikasan ay mahalaga sa pagpapaunlad ng komunidad .
Ang alamat ng Bohol ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa at katatagan ng mga tao sa harap ng pagsubok , at ito rin ay nagbibigay-diin sa mga katangiang dapat taglayin ng mga mamamayan .