PAKSA: LIGAL AT LUMALAWAK NA KONSEPTO NG PAGKAMAMAYAN
LIGAL AT LUMALAWAK NA KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN Ang konsepto ng citizenship ( pagkamamamayan ) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig .
Tinatayang panahon ng kabihasnang GRIYEGO nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na POLIS. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin . Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan .
Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado . Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin .
SALIGANG BATAS 1987 Ito ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan . Artikulo IV PAGKAMAMAMAYAN Section 1: Ang mga Sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas : 1. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-bastas na ito ; 2. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas ; 3. yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17,1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang ; 4. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas .
SEKSIYON 2 . Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan . SEKSIYON 3 . Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas . SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag- asawa ng mga dayuhan , matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang , sila ay ituturing , sa ilalim ng batas , na nagtakwil nito . SEKSIYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas .
DAHILAN NG PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYAN 1. ANG PANUNUMPA NG KATAPATAN SA SALIGANG-BATAS NG IBANG BANSA. 2.TUMAKAS SA HUKBONG SANDATAHAN NG ATING BANSA KAPAG MAY DIGMAAN. 3.NAWALA NA ANG BISA NG NATURALISASYON. 4.PAGSISILBI O PAGTANGGAP NG KOMISYON SA HUKBONG SANDATAHAN NG IBANG BANSA. 5.ITINAKWIL NIYA ANG KANIYANG PAGKAMAMAMAYAN AT NAG ANGKIN NG PAGKAMAMAMAYAN NG IBANG BANSA (EXPATRIATION)
MULING PAGKAKAMIT NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO 1.MULING NATURALISASYON 2.PAGBABALIK SA SARILING BANSA 3.PAGSUMPA NG KATAPATAN SA REPUBLIKA NG PILIPINAS 4.AT TUWIRANG AKSYON NG KONGRESO
LUMALAWAK NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN ANG PAGKAMAMAMAYAN NG ISANG INDIBIDUWAL AY NAKABATAY SA PAGTUGON NIYA SA KANIYANG MGA TUNGKULIN SA LIPUNAN AT SA PAGGAMIT NG KANIYANG MGA KARAPATAN PARA SA KABUTIHANG PANLAHAT IGIGIIT NG ISANG MAMAMAYAN ANG KANYANG MGA KARAPATAN PARA SA IKABUBUTI NG BAYAN. HINDI NIYA INAASA SA PAMAHALAAN ANG KAPAKANAN NG LIPUNAN SA HALIP, SIYA AY NAKIKIPAGDIYALOGO RITO UPANG BUMUO NG ISANG KOLEKTIBONG PANANAW AT TUGON SA MGA HAMONG KINAKAHARAP NG LIPUNAN.
PANGKATANG GAWAIN BAWAT GRUPO AY PIPILI SA KANYANG MIYEMBRO NA PAPANAYAMIN. DAPAT MAY TAGA-PANAYAM(INTERVIEWER) AT TAGA SULAT (TRANSCRIBER) SA MGA NAGING KASAGUTAN. BAWAT GRUPO AY MAY MAG-UULAT SA HARAPAN. MGA GABAY NA TANONG MAGBIGAY NG TATLO O LIMANG TUNGKULIN O PAPEL NA GINAGAMPANAN BILANG MAMAMAYAN, MAAARING MAY KAUGNAYAN ITO SA IYONG PAMILYA, KOMUNIDAD O LIPUNAN PARA SA PANGKALAHATAN. SA BAWAT TUNGKULIN MAGBIGAY NG TATLONG KILOS NA INAASAHAN SA IYO NG MGA TAONG NASA PALIGID MO. ISALAYSAY ANG ISANG PANGYAYARI NA KUNG SAAN NAGAMPANAN MO ANG IYONG PAPEL BILANG MAMAMAYAN. ILARAWAN ANG SITWASYON AT KUNG ANO ANG GINAWA MO UPANG MALUTAS ITO.
Takdang aralin : Basahin ang artikulong Filipino Ideals of good citizenship ni Mahar Mangahas.Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong . 1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa binasang artikulo ? 2. Ano ang ranggo ng Pilipanas sa ibat-ibang tungkulin ng isang mamamayan ? 3. Alin sa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong ginawa ? Bakit ito mahalagang gawin . 4. Anong Konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkol sa pagiging mabuting mamamayan ng mga Pilipino batay sa survey?