WEEK FOUR QUARTER 2 FILIPINO FIVE PRESENTATION

MELODYGRACECASALLA2 5 views 69 slides Sep 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 69
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69

About This Presentation

THE PRESENTATION INCLUDES OBJECTIVES, REFERENCES AND COMPLETE PROCEDURES. INCLUDING REVIEW, ESTABLISHED THE LESSON, PRESENTATION, DISCUSSION, ANALYSIS AND ABSTRACTION, DIFFERENTIATED GROUP ACTIVTIES, APPLICATION, ENHANCEMENT, GENERALIZATION, EVALUTAION AND ADDITIONAL ACTIVITIES OR ASSIGNEMENT


Slide Content

FILIPINO V Pag- unawa sa Tekstong Naratibo ( Dulang Pambata ) QUARTER 2 WEEK 4 DAY 1

Sino Ako? Ako ay isang mahiwagang ibon na may pitong magagandang awit . Kapag ako’y umaawit , nakatutulong akong gumaling ang mga maysakit . Ako’y galing sa isang makapangyarihang punong Piedras Platas.

Ako ay isang prinsipe mula sa kaharian ng Albanya . Ako’y mahusay na mandirigma at kilala sa aking katapangan . Ako ang pangunahing tauhan sa isang tanyag na awit ni Francisco Balagtas.

Ako ay isang diwata na nakatira sa isang bundok na ipinangalan sa akin. Ako’y kilala sa aking kagandahan at kabutihang-loob sa mga tao . May mga kwento na ako’y nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan upang tumulong sa nangangailangan .

Ngayong araw , kikilalanin natin ang mga tauhan at pangyayari sa isang dulang pambata . Matututuhan din nating unawain ang karapatan ng bawat bata sa kwento at iugnay ito sa ating sariling buhay.

Karapatan o Hindi? Basahin ang mga sitwasyon . I to ba ay nagpapakita ng karapatan o paglabag sa karapatan .   Pinayagan si Korina na mag- aral . Pinagbawalan si Mario na makipaglaro sa mga kaibigan . Binigyan si Lorna ng sapat na pagkain at malinis na tubig sa bahay . Pinilit si Jun na magtrabaho sa palengke imbes na pumasok sa paaralan . Dinala ni Ginoong Santos ang kanyang anak sa doktor para sa regular na check-up.

Ang Karapatan ni Lira Tauhan : Lira – Isang masayahing bata, masipag mag- aral Aling Rosa – Nanay ni Lira Mang Ernesto – May- ari ng tindahan Guro – Tagapayo ni Lira Mga Kaibigan – Kaklase ni Lira Tagpuan : Paaralan at bahay ni Lira

Banghay : (Isang hapon , nakita si Lira na umiiyak .) Guro: Lira, bakit ka umiiyak ? Lira: Guro, hindi po ako makapasok bukas dahil pinapagtinda po ako ni Aling Rosa sa tindahan para kumita kami ng pera . Guro: Naiintindihan ko, Lira. Pero tandaan , may karapatan kang makapag-aral . Mang Ernesto: Aling Rosa, mahalaga pong makapagtapos si Lira. Hayaan niyo po, ako muna ang bahala sa tindahan bukas . Aling Rosa: Salamat po, Mang Ernesto. Patawarin mo ako, Lira. Gusto ko lang sana’y makatulong ka. Lira: Salamat po, Inay! Masaya po akong makakapasok ako sa paaralan bukas !

Sino ang batang gustong makapag-aral ? → Lira 2. Sino ang tumulong kay Lira para makapasok ? → Mang Ernesto 3. Sino ang may- ari ng tindahan na tumulong kay Lira? → Mang Ernesto 4. Paano mo ilalarawan si Lira bilang anak at mag- aaral ? → Masipag , masayahin , at may malasakit sa pag-aaral .

5. Anong katangian ni Mang Ernesto ang makikita sa kanyang pagtulong kay Lira? → Matulungin , maunawain , at may malasakit sa edukasyon ng bata. 6. Ano ang unang ginawa ni Aling Rosa na nagdulot ng problema kay Lira? → Pinapagtinda niya si Lira at hindi muna papapasukin sa paaralan . 7. Kung ikaw si Aling Rosa, ano ang iba pang paraan para makatulong si Lira nang hindi napapabayaan ang kanyang pag-aaral ? → Puwede siyang tumulong pagkatapos ng klase o sa bakanteng oras .

Ano ang pangunahing karapatan na ipinaglaban sa kwento ? Tama ba ang ginawa ni Aling Rosa sa una ? Bakit?

Karapatan Ko, Karapatan Mo Bawat pangkat ay magbabahagi ng isang tunay na karanasan kung saan pinahalagahan o nilabag ang kanilang karapatan .

Sa dula , natutunan nating mahalaga ang karapatan ng bawat bata, lalo na ang karapatang makapag-aral . Laging tandaan : Walang bata ang dapat maiiwan .

Piliin ng tamang sagot .   1. Sino ang pangunahing tauhan sa dula ? a) Mang Ernesto b) Lira c) Aling Rosa d) Guro 2. Ano ang karapatang ipinaglaban ni Lira? a) Karapatang magtrabaho b) Karapatang mag- aral c) Karapatang maglaro d) Karapatang kumita

3. Bakit pinapagtinda ni Aling Rosa si Lira? a) Wala siyang magawa b) Gusto niyang makatulong si Lira c) Ayaw niya sa paaralan d) Ayaw niya kay Lira 4. Sino ang tumulong kay Lira para makapasok sa paaralan ? a) Guro b) Aling Rosa c) Mang Ernesto d) Mga Kaibigan

5. Ano ang aral ng kwento ? a) Mahalaga ang pera kaysa edukasyon b) Laging makinig sa guro c) Pahalagahan ang karapatan ng bawat bata d) Matulog nang maaga

Gumuhit ng isang poster tungkol sa “Karapatan ng Bawat Bata” . Lagyan ng maikling paliwanag sa ibaba ng iyong poster.

FILIPINO V Tayutay at Denotasyon / Konotasyon QUARTER 2 WEEK 4 DAY 2

Sagot o Lagot Itataas ang green card kung tama , red card kung mali .   Ano ang tawag sa mga salitang may tahasang kahulugan ? → Denotasyon   Ano naman ang may dagdag na kahulugan batay sa damdamin ? → Konotasyon

Ngayong araw , pag-aaralan natin kung paano gumamit ng tayutay , partikular ang personipikasyon , sa isang dulang pambata . Hahanapin natin ang mga halimbawa nito at gagamit tayo ng mga salitang may denotasyon at konotasyon upang makagawa ng sarili nating mga pangungusap .

Salita Ko, Damdamin Mo Magpapakita ako ng salitang may denotasyon ( hal . bituin ). Ang isang grupo ay magbibigay ng denotasyon ( maliit na liwanag sa langit ), ang kabilang grupo ay magbibigay ng konotasyon ( pag-asa o pangarap ).

Ang personipikasyon → pagbibigay -buhay, pag-iisip , o damdamin ng tao sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa : Umiiyak ang langit . ( ulan ) Sumasayaw ang mga bituin.

Hanapin Mo Ako! Habang binabasa , hahanapin ninyo ang mga pangungusap na may personipikasyon at i -highlight ang mga ito.

Si Tala at ang Munting Bituin ni : ANME   Mga Tauhan : Tala – isang batang mahilig mangarap Munting Bituin – isang mahiwagang bituin na nakakausap Inay – ina ni Tala Hangin – nagbibigay -buhay sa mga bituin at gubat Puno – kaibigan ni Tala sa kanilang bakuran

Eksena 1 (Sa bakuran , gabi. Nakatitig si Tala sa langit .) Tala: ( humihinga nang malalim ) “Ang ganda talaga ng mga bituin ngayong gabi! Parang may lihim silang gustong ikwento .” ( Biglang kumurap ang isang bituin at tila lumiwanag nang husto .) Munting Bituin: “Magandang gabi, Tala! Ako ang Munting Bituin. Narinig ko ang iyong mga pangarap .” Tala: ( nagulat ngunit masaya ) “ Nakakausap pala ang mga bituin?! Totoo ba ito?”

Munting Bituin: “Oo, Tala. Lahat ng pangarap mo ay dinadala namin sa langit . Lagi naming binabantayan ang mga batang tulad mo.” Tala: “Talaga? Pero minsan , pakiramdam ko, hindi ako mahalaga .” Munting Bituin: ( lumiliwanag nang mas maliwanag ) “Hindi ‘ yan totoo , Tala. Sabi nga ng mga bituin, ‘ Sumasayaw kami sa tuwing may batang nangangarap .’ Kaya wag kang titigil sa pag-abot sa iyong mga pangarap .” ( Umiihip ang malamig na hangin .) Hangin : “ Huminga ka nang malalim , Tala. Ako ang magdadala ng iyong mga pangarap sa kalawakan !” ( Personipikasyon : Hangin ang nagsasalita at nagdadala ng pangarap )

Eksena 2 (Sa ilalim ng malaking puno . Kinabukasan.) Tala: “Puno, kahapon kinausap ako ng isang munting bituin!” Puno: ( tumatawa habang umiihip ang mga dahon ) “Alam ko, Tala. Narinig ko ang hangin kagabi . Sabi niya , puno na ng pag-asa ang iyong puso.” Tala: “Gusto ko sanang matupad ang aking pangarap na maging guro balang araw .”

Puno: “ Huwag kang mag-alala, Tala. Araw- araw kitang bibigyan ng lilim para makapag-aral ka nang maayos . ” ( Personipikasyon : Puno ang nagbibigay ng lilim at nagsasalita .) Inay: ( dumating habang nakangiti ) “Tala, anak , maghanda ka na at papasok na tayo sa paaralan .” Tala: “ Opo , Inay! Hindi ko na hahayaang mawala ang mga pangarap ko.”

Eksena 3 (Gabi muli . Tumingala si Tala sa langit .) Tala: “Salamat, Munting Bituin. Dahil sa’yo , alam kong kaya kong abutin ang aking mga pangarap .” Munting Bituin: “ Tandaan mo , Tala, sumisiklab ang aking liwanag tuwing ikaw ay naniniwala sa sarili mo. Huwag kang titigil mangarap .” ( Biglang lumiwanag ang buong langit , at kumislap ang mga bituin.) Lahat ng Bituin: “Abutin mo kami, Tala! Nandito lang kami para gabayan ka!” ( Personipikasyon : Mga bituin ang nagkakaisang nangungusap at nagbibigay-inspirasyon .)

Mga Halimbawa ng Personipikasyon sa Dula: “ Sumasayaw kami sa tuwing may batang nangangarap .” – mga bituin 2. “Ako ang magdadala ng iyong mga pangarap sa kalawakan !” – hangin 3. “Araw- araw kitang bibigyan ng lilim para makapag-aral ka nang maayos .” – puno 4. “ Sumisiklab ang aking liwanag tuwing ikaw ay naniniwala sa sarili mo.” – munting bituin 5. “Abutin mo kami, Tala! Nandito lang kami para gabayan ka!” – lahat ng bituin

Tayutay Challenge PANGKATAN Gumamit ng dalawang salitang may denotasyon at konotasyon mula sa script at bumuo ng pangungusap na may personipikasyon .

Ano ang ibig sabihin ng personipikasyon ? Magbigay ng isang halimbawa mula sa dulang binasa . Ano ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon ? Paano mo magagamit ang tayutay sa pagpapahayag ng damdamin ?

Sumulat ng 2–3 pangungusap tungkol sa kanilang pangarap gamit ang personipikasyon . Halimbawa : Sumisigaw ng tuwa ang puso ko tuwing naiisip ko ang aking pangarap .

Natuklasan natin na ang personipikasyon ay pagbibigay -buhay sa mga bagay na walang buhay. Ginamit natin ito sa dulang pambata at gumamit din tayo ng mga salitang may denotasyon at konotasyon upang maging mas makulay ang ating mga pangungusap .

Piliin ang tamang sagot .   1. Ano ang ibig sabihin ng personipikasyon ? a. Pagbibigay -buhay sa mga bagay na walang buhay b. Pagsasama ng dalawang magkaibang ideya c. Pagbibigay ng kahulugan batay sa damdamin d. Pag- uulit ng tunog ng salita   2. Alin sa mga pangungusap ang may personipikasyon ? a. “ Maliwanag ang buwan ngayong gabi.” b. “ Humahalik ang hangin sa aking pisngi .” c. “ Mainit ang sikat ng araw .” d. “Maraming tala sa kalangitan.”

3. Alin ang may denotasyon ng salitang bituin ? a. Pangarap sa buhay b. Maliit na liwanag sa langit c. Pag- asa ng bayan d. Kaibigang matatag   4. Ano ang tawag sa karagdagang kahulugan batay sa damdamin o simbolismo ? a. Denotasyon b. Konotasyon c. Tayutay d. Personipikasyon

5. Pumili ng pangungusap na tama ang gamit ng personipikasyon : a. “ Masarap ang lasa ng mangga .” b. “ Sumasayaw ang mga dahon sa hangin .” c. “ Maliit na puno ang itinanim namin .” d. “ Madilim ang silid-aralan .”

Gumuhit ng isang eksena mula sa binasang dulang pambata . Gumawa ng 3 pangungusap na may personipikasyon na ilalagay sa ilalim ng iyong guhit .

FILIPINO V Pokus ng Pandiwa at Pagbuo ng Diskurso QUARTER 2 WEEK 4 DAY 3

Sino ang Gagawa ? Sino ang gagawa ng kilos sa bawat larawan ?

Ngayong araw , pag-aaralan natin ang pokus ng pandiwa kung saan ang tagatanggap ng kilos ang binibigyang-diin . Matututo rin tayong magsalaysay ng sariling karanasan batay sa tema ng isang dulang pambata .

Pakinggan ang bahagi ng dulang “Ang Laruang Nais Ni Lira.” Tagpo : Sa bahay nina Lira Lira : “Inay, gusto ko po ng bagong laruang manika para sa kaarawan ko.” Inay: “Sige anak , bibilhan kita ng manika .” Ama: “Lira, ipagdarasal natin na magkabudget tayo para mabigyan ka ng regalo.” Lira: “Salamat po, Inay at Itay! Ako po’y sobrang masaya !”

1. Ano ang hiling ni Lira? 2. Sino ang bibigyan ng laruang manika ? 3. Anong kilos ang ginawa ng Inay para kay Lira?

Kapag ang pandiwa ay tumutukoy sa tagatanggap ng kilos, ang pandiwa ay nasa pokus sa tagatanggap .

Pag- aralan natin ito.   Bibilhan ni Inay si Lira ng manika . → Sino ang tatanggap ng manika ? Lira. Ipagdarasal ni Ama si Lira. → Sino ang tatanggap ng panalangin ? Lira.   Rule: Ginagamit ang panlaping -an/ - han , i -, ipag - kapag ang pandiwa ay pokus sa tagatanggap .

Sino ang Tatanggap ? PANGKATAN Bawat grupo ay bibigyan ng 3 pangungusap . Tukuyin kung alin ang pandiwa at sino ang tatanggap ng kilos. Ipagpapakita ng bawat grupo ang sagot gamit ang flashcard. Halimbawa ng Pangungusap : * Ipagluluto ni Ate si Lola ng sopas . * Bibigyan ni Ginoong Lopez si Bing ng medalya . * Ipinagtimpla ni Liza si Nanay ng kape .

Paano mo malalaman kung ang pandiwa ay nasa pokus ng tagatanggap ? Ano ang kaibahan nito sa pokus sa tagaganap ?

Regalo para sa Bata Gumawa kayo ng 3 pangungusap kung saan kayo ay bibigyan ng regalo o tulong ng isang tao . Ipapakita sa klase ang sagot .   Halimbawa : Bibigyan ako ni Ate ng tsokolate . Ipagluluto ako ni Nanay ng tinola .

Ang pandiwa ay nasa pokus ng tagatanggap kapag ang taong tumatanggap ng kilos ang binibigyang-diin sa pangungusap

Piliin ang pangungusap na nasa pokus sa tagatanggap .   1. a. Kumakain ng mangga si Mitzi. b. Bibigyan ni Itay si Jun ng laruan .   2.a. Tumakbo sa paaralan si Jose. b. Ipinagluto ni Mia si Tita ng adobo.

3. a. Nag- aral si Lorna para sa pagsusulit . b. Ipagdarasal ni Lola si Carlo.   4. a. Bumili ng bagong aklat si Gino. b. Ipinagtahi ni Rita si Kiko ng barong.   5. a. Ipininta ni Bong ang bangko para kay Lani. b. Nagsulat si Lani ng liham .

Gumawa ng maikling talata (5 pangungusap ) tungkol sa isang karanasan kung saan nakapagbigay ng regalo, tulong , o pagmamahal ang isang tao sa iyo . Salungguhitan ang pandiwa at bilugan ang tatanggap ng kilos.

FILIPINO V Multimedia Presentation at Pagsasama-sama ng Kasanayan QUARTER 2 WEEK 4 DAY 4

Ano ang dulang pambata ?

https://youtu.be/pjHOEJfka4Q?si=9tvGGnhusqCDjno3

Sa araling ito, matututuhan nating unawain kung paano ginagamit ang multimedia tulad ng graphics, larawan , at video sa pagsusuri ng dulang pambata . Gagamit din tayo ng mga kilos, ekspresyon , at presentasyon upang mas maunawaan ang mensahe ng kwento .

Larawan , Larawan , Ano ang Mensahe ?

Sino ang mga tauhan ? Ano ang maaaring nangyayari sa eksenang ito? Ano ang damdamin ng mga tauhan batay sa larawan ?

Babasahin nang sabay-sabay ang sipi mula sa dulang pambata : Ang Prinsipe ng mga Larawan Sa kaharian ng Larawania , naninirahan ang batang prinsipe na may kakaibang kapangyarihan , kayang buhayin ang bawat larawang kanyang iginuguhit . Ngunit may isang masamang salamangkero na nais nakawin ang kanyang kakayahan upang kontrolin ang kaharian . Sa tulong ng kanyang mga kaibigan , ginamit ng prinsipe ang sining upang maipagtanggol ang karapatan ng mga bata sa larangan ng sining at imahinasyon

Ano ang pangunahing mensahe ng dulang ito?   Paano ginagamit ang mga larawan at graphics upang mas maunawaan ang kwento ?   Bakit mahalaga ang karapatan ng mga bata na maging malikhain ?

Poster Talk PANGKATAN Bawat pangkat ay bibigyan ng larawan o graphics mula sa dulang pambata .   Gamit ang larawan , bubuo kayo ng 2-3 pangungusap upang ipaliwanag ang pangyayari sa eksenang iyon .   Isasama ninyo ang kumpas , galaw , at ekspresyon ng mukha sa inyong presentasyon .

Think-Pair-Share Activity Ano ang natutunan mo tungkol sa kahalagahan ng multimedia sa pag-unawa ng dula ? Paano mas napadali ng mga larawan at graphics ang iyong pag-intindi sa kwento ?

Kung bibigyan ka ng pagkakataon gumawa ng poster tungkol sa karapatan ng mga bata , anong larawan o simbolo ang iyong gagamitin at bakit ?

Ang multimedia ay mahalagang kasangkapan upang mas maging malinaw at makulay ang pagkukwento . Ang dulang pambata ay mas madaling maunawaan kung gumagamit ng larawan , graphics, at kilos. Mahalaga ring igalang ang karapatan ng mga bata na maging malikhain .

Piliin ang tamang sagot .   1. Ano ang pangunahing layunin ng multimedia sa isang dulang pambata ? a. Upang pahabain ang kwento b. Upang dagdagan ang tauhan c. Upang malinaw na maipakita ang mensahe d. Upang gawing nakakatakot ang dula 2. Ano ang dapat isama sa pangkatang presentasyon ? a. Kumpas , ekspresyon , at larawan b. Puro teksto lamang c. Puro musika at kanta d. Wala nang kilos o salita

3. Bakit mahalaga ang mga graphics sa isang dula ? a. Para maging makulay at madaling maunawaan b. Para maging mas mahaba ang dula c. Para dumami ang mga tauhan d. Para maging mas nakakatakot 4. Ano ang mensahe ng dulang “Ang Prinsipe ng Mga Larawan ” ? a. Gamitin ang sining upang manakot b. Pahalagahan ang karapatan ng mga bata c. Labanan ang mga prinsipe d. Iwasan ang pagguhit

5. Ano ang dapat tandaan sa paggawa ng multimedia presentation? a. Pagsamahin ang larawan , kilos, at mensahe b. Gamitin lang ang salita c. Tanggalin ang graphics d. Mag-focus sa background music lamang

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng karapatan ng mga bata gamit ang larawan , kulay , at maiikling pahayag . Dalhin ito bukas para sa gallery walk activity.

God Bless!