wk17 MELCS Pagbabagong Kalinangan ng mga Pilipino.pptx
NecelynMontolo
66 views
29 slides
Sep 11, 2025
Slide 1 of 29
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
About This Presentation
Makatutulong sa mga bata
Size: 4.98 MB
Language: none
Added: Sep 11, 2025
Slides: 29 pages
Slide Content
AP 5
Mga Pagbabago sa Kalinangang Pilipino
Sa loob ng mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol , hindi maikakailang ang kalinangang Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop . Ang mga impluwensiyang mula sa Espanya ay makikita pa rin sa kalinangang Pilipino sa kasalukuyan
Asimilasyon Ito ay proseso na nakuha ng mga indibidwal at grupo ng magkaibang kultura ang mga pangunahing saloobin at paraan ng pamumuhay ng isa pang kultura.
Organisasyong Poblacion Isa sa mga unang binago ng mga Espanyol nang masakop nila ang Pilipinas ay ang ayos ng mga pamayanan . Mahalagang plano ng mga Espanyol ang pagtatatag ng mga poblasyon ( poblacion ) o kabayanan
Plaza/ Plasa Ang plasa (plaza) ay makikita sa sentro ng bayan o lungsod . Sa lugar na ito nagaganap ang mahahalagang okasyon sa bayan . Madalas dito isinasagawa ang mga pagtitipon kung saan nagkakasalamuha ang iba’t ibang antas ng tao sa lipunan . Makikita rin sa paligid ng plasa ang pinakamahahalagang gusali sa bayan tulad ng gusaling pampamahalaan , paaralan , ospital , simbahan , at tirahan ng mga opisyal . Prinsipales ay may karapatang magmay-ari ng mga lupa na pinakamalapit sa plasa
Simbahan Ang simbahan ay naging sentrong gusali sa plasa . Kadalasan , makikita ang plasa sa harap ng simbahan . Dahil mahalagang bahagi sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyon , ito rin ang naging sentro ng mga poblasyon . Ang pagtatayo ng simbahan sa gitna ng poblasyon ay isang estratehiyang ginamit ng mga Espanyol. Ito ay batay sa polisiyang reduksiyon , kung saan nililimitahan ang pagtatayo ng mga bahay at gusali sa lugar na naaabot lamang ng batingaw ng kampana ng simbahan .
Tahanan at Arkitektura Sa pangkalahatan , ang estilo ng arkitektura sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol ay masasabing Antillean, na mula sa Antilles sa Gitnang Amerika hanggang sa umabot sa kapuluan sa pamamagitan ng Kalakalang Galeon . B inago nang kaunti upang bumagay at magamit sa tropikal na klima ng Pilipinas May dalawang mahalagang halimbawa ang estilo ng arkitektura sa Pilipinas noong panahon ng lipunang kolonyal : una ay ang mga simbahan (baroque or gothic) at ikalawa ay ang kabahayan . Maliban sa estruktura ng simbahan , naitayo rin ang katabing kumbento ( opisina at bahay ng mga prayle ), kampanaryo ( maaaring nakakabit sa simbahan o nakahiwalay na tore), at may pader ang plasa
Ang arkitektura ng mga simbahan ay may dahilan . Una , sinadyang magara ang estilo ng simbahan upang mapahanga ang mga tao sa laki , lawak , taas , at ganda nito . Ikalawa , ginamit din ito bilang pandepensa . Halimbawa , ginamit ang kampanaryo na may tatlong palapag upang makita ang parating na kaaway , at ang makakapal na pader ng simbahan ay nagsisilbing pananggalang kapag doon lumikas ang mga tao . Ang estilong ito ay paraan din upang matiyak na walang rebelde o kaaway ng pamahalaan at simbahan ang makapapasok sa estruktura
Sa estilo naman ng kabahayan , makikitang halos pinananatili ng disenyo ng bahay -na- bato ang batayang arkitektura ng bahay-kubo . Kapansin-pansin lamang ang pagkakaiba ng dalawang uri ng bahay sa materyales kung saan ito gawa . Ang bahay-kubo ay gawa sa mga kahoy at kawayan , habang ang bahay -na- bato ay gawa sa bato at kahoy at may bubong na tisa (clay tile).
TOROGAN Ilang mga bahay ng mga Maranao. Karaniwang tahanan ng mga pinunong Maranao sa Lanao.
BALE Ang mga Ifugao naman ay may tinatawag na bale. Karaniwang may tatlong palapag; una-cha-ulon (pagsagawa ng pamilya ng ritwal), ikalawa - unig (natutulog, nagluluto at kumakain), ikatlo- patan (tinatago ang bigas)
Caracoa Isang sasakyang pandigma na kayang magsakay ng 200 tagasagwan. Katig na yari sa kawayan. Kayang maglakbay sa ibang bayan. Paraw Maliit na bangkang ginagamit sa mga ilog at look.
Caracoa Paraw
Balangay Isang sasakyang pandigma na ginagamit sa paglalakbay ng ating mga ninuno.
Pagtatato
Sining Nang lumaganap ang kulturang Espanyol sa bansa , naipakilala nila ang modernong sining ng pagpipinta at eskultura . Karaniwan , ang tema ng mga sining ay may kaugnayan sa Katolisismo ginamit ng mga Espanyol ang sining upang maipalaganap ang Katolisismo
Pintura
Kabilang dito sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo. Nanalo sina Luna at Resurreccion Hidalgo sa Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884 para sa kanilang mga pintura
Eskultura Tulad ng pagpipinta , ang sining ng eskultura sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol ay nakatuon sa Katolisismo . Makikita ang maraming rebulto ng dibuho ni Hesus , Birheng Maria, santo at santa , anghel , at iba pa. Madalas na ang mga ito ay nasa altar ng simbahan , oratoryo ng bahay -na- bato , at iba pang mahahalagang lugar sa pamayanan
Si Jose Rizal ay isa ring eskultor na mas nakilala ang mga gawa matapos ang kaniyang kamatayan . Isa sa kaniyang sikat na gawa ay ang maliit na eskultura ng Sagrado Corazon de Jesus na inukit niya mula sa batikuling na kahoy noong siya ay 14 na taong gulang at nag- aaral sa Ateneo Municipal.
Edukasyon Bagaman walang pormal na edukasyon ngunit mayroong sistema ng pagsulat , pagbasa at pananalita ang mga Pilipino. Ang pinakamalapit na edukasyon ay ang pagtuturo ng mga praktikong gawaing kailangan sa pamumuhay . Ilan sa mga ito ay ang pagsasaka , pangangaso , at pangingisda . Itinuturo rin sa kalalakihan ang kaalaman sa pakikidigma .
Paaralang Katekismo Ipinasok sa sistema ng edukasyon ang pagtuturo ng mga aral panrelihiyon . Isa sa mga unang uri ng paaralang naitatag ay yaong mga nagtuturo ng katekismo at paniniwalang panrelihiyon . Itinatag ni Padre Pedro Chirino ang isa sa mga paaralang ito noong 1593 sa Tigbauan , Panay. Mayroon ding naitatag sa Dulag , Leyte sa pangunguna ni Padre Alonso de Humanes . Noong 1597, itinatag naman ni Padre Francisco de Encinas sa Carigara , Leyte ang isang paaralang katekismo . Ayon sa pag-aaral ng historyador na si Karl Schwartz noong 1971, sa paglipas ng ika-17 dantaon , halos lahat ng bayan sa bansa ay mayroong mga paaralang katekismo
Paaralang Panlalaki Unang naitatag na paaralan ay ang Colegio de Manila noong 1590 ng mga Heswita . Nang lumaon , naging Unibersidad de San Ignacio ito . Paaaralang Pambabae Ang Colegio de Santa Potenciana ay ang unang paaralan at kolehiyo para sa mga batang babae na nagbukas noong 1589. Itinayo ito sa Intramuros sa kinalalagyan ngayon ng Palacio del Gobernador
Paglilimbag at Panitikan Patungkol ang karamihan ng mga inilimbag na aklat sa Katolisismo . Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas ay ang Doctrina Christiana en Lengua Española y Tagala noong 1593. Kompilasyon ito ng iba’t ibang Katolikong dasal na isinulat sa lumang Tagalog, baybayin , at Espanyol.
Si Rizal din ay itinuturing na isa sa mga tanyag na manunulat sa Pilipinas . Ang kaniyang mga nobelang Noli me tangere (1887) at El filibusterismo (1891) ay nagpasiklab ng damdaming makabayan sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon . Ang kaniyang huling tula na pinamagatan kalaunan bilang “Mi Ultimo Adios” (1896) ay isa ring halimbawa na nagpapakita ng maalab na pagmamahal niya sa bayan.
PROYEKTO : (AP) SCRAP BOOK MAKING 1700’S / 1800’S PAINT & SCULPTURE by Filipino Artist Deadline: February (after exam)