310445456-Batayang-Kaalaman-Sa-Pagbasa.pptx

trizianjanemedina 6 views 31 slides Nov 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 31
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31

About This Presentation

education lesson


Slide Content

Mga BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA

DEPINISYON “ Ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita .” “Ito rin ang pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo ” “ Paraan din ito ng bahagi ng pagkikilala , pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbulong nakalimbag ” – Austero :1999

“ Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game . Sa pagbasa kasi , ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisapan hango sa textong kanyang binasa ”

KAHALAGAHAN NG PAGBASA 1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay 2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa pangaraw-araw 3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin 4 . Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan .

5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan 6. Nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay 7. Nagsisilbing susi sa malawak na karunungan na natipon ng daigdig sa mahabang panahon . 

4 NA HAKBANG SA PAGBASA Ang pagbaba ay isang gawaing mental. Ang apat na hakbang ng pagbasa ayon kay WILLAM S. GRAY ay ang mga sumusunod : PERSEPSYON O PAGKILALA – Ito ay kakayahan sa pagbigkas ng salita at pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo . PAG-UNAWA – Pag-intindi sa mga kaisipang ipinahahayag ng mga simbulo .

4 NA HAKBANG SA PAGBASA REAKSYON – Pagpapasiya sa kawastuhan , kahalagahan at kahusayan ng teksto . ASIMILASYON – Pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng binasang konteksto sa karanasan ng mambabasa .

Upang mailarawan pa nang higit ang presesong ito , pansinin natin ang ilan sa mga paglalarawan sa pagbasa na inilahad ni B adayos . Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa Ito ay proseso ang pag-iisip . Utak ang ginagamit dito hindi ang mga mata na tagahatid ng mensahe or imahen sa utak . Ang epektib na mambabasa ay isang interaktiv na mambabasa . Sa pagbabasa , ang isang mambabasa ay nakakagawa ng interaksyon sa awtor , sa teksto at sa kanyang sarili mismo .

Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa , bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa . Hindi dapat ipagkamali ang isa’t isa. Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binasa . Ang mabilis na pagunawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa .

MGA PANANAW sa PROSESO NG PAGBASA Upang lalong matugunan ang kahalagahan ng pagbabasa kailangang magkaroon ng isang matatag na pag-unawa sa proseso ng pagbasa ang isang mambabasa . Merong tayong tatlong (3) teoryang makakatulong para magkaroon ng matatag na pag-unawa sa pagbasa . Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-up) Teoryang Pataas-Pababa (Top-Down) Teoryang Interaktiv

TEORYANG IBABA-PATAAS (BOTTOM-UP) Ayon sa teoryang ito , ang pagbabasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tunog . Ang pagkatuto ng pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita , parirala , pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto . Ang imformasyon sa pag-unawa ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto .

TEORYANG PATAAS-PABABA (TOP-DOWN) Ang teoryang ito ay bunga ng pag-aaral ng mga mananaliksik noong 1920. naipapakita sa kanilang mga pag-aaral na lalong nauunawaan ang isang teksto kung naiuugnay niya ito sa kanyang dating kaalaman . Sa teoryang ito ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa tungo sa teksto . Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbabasa ay holistik .

TEORYANG INTERAKTIV Ito ay kumbinasyon ng ibaba-pataas at itaas-pababang proseso ng pagbasa . Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at pag-unawa nito , ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika at kaisipan ng awtor at pag-unawa nito , ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika at sariling kaisipan . Ito ay nagbibigay diin sa pagunawa bilang isang proseso .

TEORYANG ISKIMA Mahalagang ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa . Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima . Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dating nang iskima , ayon sa teoryang ito . Samakatuwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto , siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa . Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teskto ay tama o dapat baguhin .

MGA TEKNIK NG PAGBASA Ayon kay Badayos , may mga teknik sa pagbasa na dapat isaalang-alang : Iskaning Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espesipikong impormasyon .

2. Iskiming Gaya ng iskaning , ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa , subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap . 3. Kaswa l Ang teknik na ito ay tinatayang pang – ubos oras lamang ng pagbasa . Sa madaling sabi , wala kang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa .

4. Kritikal nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap . Ibig sabihin , ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo.  5. Komprehensibo tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye maging ito man ay maliit o malalaking detalye .  

6. Pribyuwing Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin . 7. Replektib Replektib na teknik ang pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambabasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos .

8. Muling – Basa Tinatawag ito sa Ingles na re–reading at tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa lubos na pag – unawa . 

9. Pagtatala Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles na malaki ang naiaambag sa mambabasa . Nagagawa kasi nitong mabigyang emphasis o haylayt ang iyong binabasa . Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit sa teksto , paglalagay ng asterisk, paggamit ng haylayter at iba pa.

ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA   1. Literal na Pang-unawa Ang pang-unawang ito ay ang kakayahang pansinin ang katotohanan o opinyon sa binasa. Mahalaga ang kakayahang ito upang malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay sa mga patunay o saliksik.

2. Pagbasa sa Pagitan ng Salita (Inferential Level) ang kakayahang maintindindihan o unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita . 

3. Pang- unawang Kritikal nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw.Ang mga bagay na maaaring makatulong sa bumabasa sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang kung sino ang may akda , ang paninindigan nito , mga karanasan at ang may kinalaman o patungkol sa may akda .

  4. Malikhaing Antas ng Pagbasa (Creative Level of Comprehension) ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga binasa . Sa antas na ito , nagaganap ang pagbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa , ito ang pinakamahalagang antas ng pagbabagong naidudulot .

Mga Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Pagbasa 1. Pumili ng lugar na makakaramdam ng komportabilidad . 2. Tiyakin na walang hadlang ang lugar na pinili . 3. Iwasang magbasa sa lugar na sobrang komportable . 4. Alamin ang oras kung saan alerto ang isipan . 5. Tiyakin na laging may oras sa pagbabasa . Gawin itong habit kung maaari .

6. Laging isaisip ang layunin kung bakit nagbabasa upang lalong tumaas ang motibasyon sa pagbasa . 7. Magkaroon ng barayti ng babasahin upang hindi ito kasawaan . 8. Ang diretsong tatlong oras na pagbasa ay mainam . Subalit , matapos ang tatlong oras , maglaan ng dalawampung minutong break. Sabi nga sa Ingles, breaking the monotony.

9. Sa tuwing nagbabasa , iwasan ang paghawak sa susunod na pahina ng binabasa . Nagbubunsod ito ng pagmamadali sa pagbabasa na maaring magresulta sa mababang antas ng komprehensyon . Nagtataglay ito ng epektong sikolohikal . 10. Laging tandaaan , mataas ang posibilidad na kaunti lamang ang maunawaan sa tuwing binibilisan ang pagbabasa kung ihahambing sa mabagal na magbasa at pilit na inuunawa ang binabasa .

11. Iwasan ding bilangin o tingnan kung gaano karami ang pahinang babasahin . Nagdudulot din ito ng hindi magandang saloobin tungo sa mabisang pagbasa .

12. Para sa mga magbabasa nang tahimik , siguraduhing iwasan ang sumusunod :  a. Lipping Madalas na paggalaw na labi na kung minsan ay nagiging hadlang sa mabisang pagbasa . Upang maiwasan ito , kumuha ng bolpen o lapis at itapat ito sa iyong labi sa paraang horizontal . Gawin ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo hanggang sa tuluyan na itong maalis .

b. Tongue – Warbling Madalas na paglalaro ng dila sa loob ng bibig na nagdudulot ng tunog at nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagbasa . c. Jawing Madalas na paglalaro naman ito ng panga dulot din ay hadlang  

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! 
Tags