(Good Manners and Right Conduct) Quarter 2 September 2 5 , 2025 Thursday GMRC
Naaalala pa ba ninyo ang ating mga aralin kahapon? Tungkol saan nga ang ating naging talakayan? Maari bang magbigay ng mga halimbawa? Sa mga gawaing ating natukoy, sa palagay ba ninyo ay mahalagang gawin ang mga ito nang may pagkukusa? Bakit oo o hindi?
Pagganyak
Pagganyak Ilarawan ito at magbigay ng halimbawa ng inyong personal na karanasan o mahalagang alala tungkol dito , kung mayroon .
Pagganyak Ilarawan ito at magbigay ng halimbawa ng inyong personal na karanasan o mahalagang alala tungkol dito , kung mayroon .
Pagganyak Ilarawan ito at magbigay ng halimbawa ng inyong personal na karanasan o mahalagang alala tungkol dito , kung mayroon .
Layunin
Naipakikita ang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya . Layunin
Gawaing Pag- unawa sa mga susing salita
paniniwala 1.Ano para sa inyo ang kahulugan ng salitang ito ? kaugalian 2.Ano sa tingin ninyo ang kaugnayan ng mga salita sa isa’t isa? gawi panrelihiyon
ano ang kanilang pagkakaintindi sa salitang “pakikiisa”. Pagsama Pagtulong Pagsunod Pagsang-ayon Pag-aambag
Pagbasa sa Mahahalagang Pag- unawa / Susing Ideya
Basahin ang maikling sanaysay . Sama- sama Ang Pamilya Naming Nanalangin “Nathan! Nathan!” tawag ko sa aking kaibigan habang pumipila para sa flag ceremony. “Ano yun ?" tanong ni Nathan habang papalapit sa akin. “Dito ka na pumila, may sasabihin ako sa’yo ,” sagot ko. “Sige,” sagot ni Nathan. Pumila si Nathan sa unahan ko.
“Ano yung sasabihin mo ?” tanong ni Nathan. “ Naengganyo kasi akong magsimba dahil sa kuwento mo noong nakaraang araw . Kaya niyaya ko ang pamilya ko na magsimba kahapon ,” sagot ko. “Talaga? Kamusta?” tanong ni Nathan. “Ang saya at ang gaan sa pakiramdam na sama-sama kaming nagdasal !” masaya kong tugon . “Wow! Kuwentuhan mo naman ako mamaya sa recess,” sabi ni Nathan. “Sige, pangako yan !” sagot ko. Halika , kuwentuhan natin si Nathan!
Tanong: Nitong mga nagdaang araw, paano kayo nagpakita nang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya?
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan sa Mahalagang Ideya
Tayo ngayon ay magkakaroon ng pagbabahaginan . Naaalala ba ninyo ang inyong mga ipinangakong gagawin kahapon ? Nagawa n’yo ba ang mga ito ?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan sa Mahalagang Ideya
Gawain 1. Sagutin ang mga tanong : 1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang mga gawaing panrelihiyon ? 2. Ano ang reaksyon ng kasapi ng iyong pamilya sa iyong ginawa ? 3. Ano ang natutunan mo sa iyong karanasan ? 4. Bakit mahalaga ang pakikiisa sa gawaing panrelihiyon ? 5. Paano mo higit na maipapakita ang pakikiisa sa paniniwala ng pamilya sa mga susunod na araw ?
Pangkatang Gawain
Pangkatang Gawain: Unang Pangkat Ilarawan sa 3–5 pangungusap ang isang pagkakataon kung saan naipakita mo ang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya . Ikalawang Pangkat a. Ilista ang tatlong gawain sa paaralan na nagpapakita ang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya . Ikatlong Pangkat a. Sumulat ng limang pangyayari kung saan naipapakita mo ang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya .
Paglalapat at paglalahat
Paglalapat at Paglalahat Anong gawaing panrelihiyon na kayang gawin ng isang batang tulad mo ang makatutugon sa bawat sitwasyon na magpapakita pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon upang malinang ng mga kaugalian o gawi ng pakikipag-ugnayan sa Diyos ? 1. Nangangalap ng donasyon ang inyong simbahan para sa nasalanta ng bagyo. 2.Sinabihan ka ng iyong magulang na magbihis na dahil pupunta kayo sa pook dasalan . 3.Magsasalo-salo ang iyong pamilya sa pagkain ng hapunan .
Paglalapat at Paglalahat Anong gawaing panrelihiyon na kayang gawin ng isang batang tulad mo ang makatutugon sa bawat sitwasyon na magpapakita pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon upang malinang ng mga kaugalian o gawi ng pakikipag-ugnayan sa Diyos ? 4. Oras na ng panalangin ngunit gusto pa ng iyong kapatid na makipaglaro . 5. Gusto mong magpuyat ngunit araw ng simba /samba kinabukasan .
Pagtataya
Pagtataya Panuto : Sumulat ng tatlong halimbawa ng mga gawaing panrelihiyon na sa inyong palagay ay sumasalamin sa salitang “pakikiisa”. 1. 2. 3.
Pagtataya Mga halimbawa ng sagot : •Sabay- sabay na pagdarasal ng pamilya . • Pagsisimba o pagsamba ng buong pamilya sa banal na araw o sa araw ng pagsamba . • Pagrespeto sa mga gawaing panrelihiyon at pakikiisa sa mga ito .
Gawaing Bahay
Gawaing Bahay Panuto : Sagutin ang tanong sa ibaba . Tanong : Sa iyong palagay , mahalaga ba ang paggawa ng mga gawaing panrelihiyon na nagpapakita o naglilinang ng pakikiisa ?
Gawaing Bahay Halimbawa ng sagot : • Mahalaga ang paggawa ng mga gawaing panrelihiyon na nagpapakita o naglilinang ng pakikiisa sapagkat hindi lamang nito pinatitibay ang samahan ng pamilya kundi gayundin ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya sa Diyos .