LAYUNIN Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan
BALIKAN Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim na pag-unawa sa mga iba’t-ibang yugto ng isang DRRM plan. Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga mahalagang partisipasyon ng mga mamamayan at lahat ng sector ng lipunan sa pagbuo ng DRRM Plan.
Dapat bang iasa ang mga gawaing pang- rehabilitasyon sa pamahalaan ? Bakit ? Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ? Magbigay ng suhestiyon .
Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Humandang sagutin ang mga tanong .
Pamprosesong Tanong Anong kumpanya ang kumakatawan ng logo? Bakit kilala ang kumpanyang ito ? Ipaliwanag kung anong produkto o serbisyo ang binibigay nito . Paano ito nagkaroon ng kaugnayan sa paksang globalisasyon ?
KONSEPTO NG GLOBALISASYON Aralin 1
ANO ANG GLOBALISAYON
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay , impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig . (Ritzer,2011) Globalisasyon
Itinuturing din ito bilang proseso ng inter- aksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao , kompanya , bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon .
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika , pang- ekonomiya , panlipunan , pan- teknolohiya at pangkultural . Globalisasyon
ARALIN 2 DIMENSYON NG GLOBALISASYON
Sa paglalakbay milyon-milyong mga tao pumunta sa ibang panig ng mundo , upang magbakasyon , mag- aral , mamasyal o magtrabaho .
Dahil sa higit na malayang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo , madaling kumalat ang iba’t ibang sakit tulad ng AIDS, SARS, H1N1 FLU, Ebola at MERS-COV at sa kasalukuyan ang kinatatakutan ang 2019 N- Corona Virus.
Ang pag-unlad ng telekomunikasyon at information technology tulad ng kompyuter,Internet at cellular phone ay lalong nagpabilis sa takbo ng kalakalan . Mas maraming free trade agreements ang naisulat na nagpapaluwag ng kalakalan . Teknolohiya
Media Sa balita naman mayroon na tayong telebisyon , radio at iba pa para maparating ang balita . May mga news network din na naghahatid ng mga balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at iba pa. Sila din ang nakatulong sa globalisasyon dahil naiparating at naipalabas nila ang mga balita sa iba’t ibang dako sa mundo .
Sa politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailanagan . Politika
Dahil sa globalisasyon , ang panonood ng K drama o soap opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba pang bansa . Kultura
Lumikha ng isang poster na may nakapupukaw na islogan na naglalahad kung paano tayo makaagapay sa globalisasyon. Isagawa
Pamantayan Lubos na mahusay (4) Mahusa-husay (3) Hindi gaanong mahusay (2) Kailangan pa ng ibayong pagsasanay (1) Makatotohanan Makatotohanan ang pahayag Hindi gaanong Makatotohanan ang pahayag May mga bahagi na hindi makatotohanan sa pahayag Hindi kapanipaniwala ang pahayag Makabuluhan Makabuluhan ang mensahe Makabuluhan ang karamihan sa mensahe Hindi gaanong makabuluhan ang mensahe Hindi makabuluhan ang mensahe Malinaw Lubhang malinaw at nauunawaan ang paglalalhad ng gawain Malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Hindi gaanong Malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Malabo at hindi nauunawaan ang pagkakalahad ng gawain Wasto ang datos Wasto ang mga datos May ilang mali sa mga datos Malabo ang mga ibinigay na mga datos Mali ang ginawang datos Malikhain Malikhain at masining ang paglalahad May pagkamalikhain at masining ang paglalahad May kakulangan sa pagiging malikhain at masining ang paglalahad Malaki ang kakulangan sa pagiging malikhain at masining ang paglalahad RUBRIKS
1. Sentro ng globalisasyon kung saan ang mundo'y umiikot sa iba't ibang produkto at serbisyo Politiko C. Ekonomiko B. Kultura D . Teknolohiya 2. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan? A. Globalisasyon C . Terorismo B. Lakas Paggawa D . Migrasyon Pagtataya
3. Bukod sa paggamit kompyuter at internet ano pang ibang kagamitan ang ginamit upang mapabilis at mapaunlad ang kalakalan ? A. Radio C. Cellular phone B. telegrama D. Sulat 4. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay , impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig . Kaninong pagkahulugan ito ? A. Cuevas (2005) C. Ritzer (2011) B. Nayan Chanda (200) D. Therbon (2005) Pagtataya
G L O B A L I S A 5. Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. S Y O N * Pindutin ang bawat isang box para sa sagot . Ano eto ?
1. C. KULTURA 2. C. TERORISMO 3. A. RADIO 4. C. RITZER (2011) 5. GLOBALISAYON Kasagutan
Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa globalisasyon, ano ang inyong saloobin tungkol sa konsepto ng globalisasyon? Paglalahat
Sa dalawa o tatlong pangungusap ipahayag ang iyong pinakamahalagang natutuhan sa aralin na ito. Takdang Aralin