MAGKAISA ( pandiwa ) Pagkilos o patutulungan ng mga tao o grupo , pagsasanib ng kaisipan at damdamin , upang makamit ang iisang layunin at magkaroon ng pagkakaisa .
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa Modyul 2
Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ng high school ang paghahanap ng matalik at tunay na kaibigan Nagsasama sama ang magkakatulad ng mga HILIG, INTERES o PANGARAP
Ang PAMAYANAN ay isang BARKADAHAN . - Pinagsama-sama sila ng kanilang kinatatayuang lugar . - Sama – sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay . - May mga kwento silang pinagdadaanan at may kwento silang binubuo .
Kultura Ang tawag sa nabuong gawi ng pamayanan . - Tradisyon - Nakasanayan - Pamamaraan ng pagpapasiya - Hangarin na kanilang pinabahaginan sa paglipas ng panahon . SA PAMAYANAN NABUBUO ANG …..
1. Habang lumalaki ang mga grupo nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa pasensya at bigayan . Kinakaharap ng lipunan …. 2. Hindi na lamang iisang kultura ang mayroon , marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggang kultura ang umiiral na parehong nag nanasa ng pagyabong .
Paano sya makagagawa at magiging produktibo sa harap ng maraming kultura ?
Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at direkyong gusting tunguhan ng mga tao ?
Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay , makamit ang sariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat . Pampolitika
PAMAHALAAN - Ang nangunguna sa Lipunang Politikal at gayon din ang mga tungkulin ng Pamahalaan sa Lipunan . President Ferdinand R. Marcos Jr.
1. Isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayanan . Tungkulin ng Pamahalaan sa Lipunan
2. Magtatag ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng tao ang kanilang pangangailangan . Tungkulin ng Pamahalaan sa Lipunan
3. Mag- iipon , mag- iingat at magbabahagi ng yaman sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay serbisyo . Tungkulin ng Pamahalaan sa Lipunan
4. Magpatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan . Tungkulin ng Pamahalaan sa Lipunan
TRUST Ang Pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng Tiwala .
Sa barkada at pamayanan , bakit basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit sa una ay ayaw naman talaga ? Sagot : Dahil sa kanilang pag-aalab ng kalooban . May matatayog na pangarap na nakikita na maaring maabot sa pakikipag tulungan .
Pamahalaan- Ito ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil nakikitaan nila ang husay nito na mamuno . Tandaan ! Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan . Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kaniyang sarili . Ito ay proyekto para sa kaniyang nasasakupan .
Prinsipyo ng Subsidiarity Ang Pamahalaan ay tumutulong sa mga mamamayanan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila at sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino.
Prinsipyo ng Pagkakaisa o Solidarity Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan .
MGA KILALANG PINUNO 1Martin Luther King ,-ay isang Afro-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. 2.Malala Yousafzai ,-ay isang tinig ng musmos na nanindigan para sa karapatan ng kababaihan ng makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtangka sa kaniyang buhay. 3.Mahatma Ghandi- na taga India ay isang tagapagtaguyod para sa karapatang pantao at higit sa lahat ay kilala sa pagsisimula ng ideya ng hindi malupit na pagtutol sa kapuwa
HALIMBAWA NG MGA KILALANG PINUNO 4.Ninoy Aquino- ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos 5.Greta Thunberg- isang teenager, ay magaling na sumisigaw sa pagtulong sa climate change.
“May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag- isa , tungkulin ko ngayon tulungan ka sa abot ng aking makakaya . Ako naman ay may kailangang gawin mag- isa , tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo ” Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lpunan .
Lipunang Politikal - Isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan . - Ang pag unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno , gawa ito ng pag-ambag ng talion at lakas ng mga kasapi ng kabuuang pagsisikap ng lipunan .
- Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at bayan.Nangunguna lamang sila sa grupo , hindi nasa itaas ng iba . Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa bayan . - Kapwa Boss ang Pangulo at mamamayan.Tulad ng isang barkada , walang sinuman ang nangunguna . Tandaan !
-Boss ng bayan ang pangulo – nagtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat . -Boss ng pinuno ang taumbayan – Walang gagawin ang pinuno kundi ingatan , payabungin at paunlarin ang Karapatan ng mga tao sa bayan .
KABUTIHANG PANLAHAT- Ang tunay na BOSS , dahil ito ay tumutukoy sa pag iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan .