1st periodical test in Values Education 7 MATATAG.pdf

LyeinieMairieDeluta 2,200 views 4 slides Oct 29, 2024
Slide 1
Slide 1 of 4
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4

About This Presentation

1st periodical test in Values Education


Slide Content

Silago National Vocational High School
Silago, Southern Leyte

1
ST
Periodical test in Values Education 7

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ibinibigay nito ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
a. Kilos-loob
b. Isip
c. Memorya
d. Imahinasyon
2. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip
b. makaunawa
c. maghusga
d. mangatwiran
3. Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
a. Ispiritwal
b. Memorya
c. Pakultad
d. Imahinasyon
4. Ito ay kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito.
a. Kamalayan
b. Imahinasyon
c. Instinct
d. Memorya
5. Ang kakayahan ng tao at hayop na pumupukaw sa kaalaman at ang pinakamababa sa hirarkiya ng
pagpapahalaga.
a. Pandama
b. Pagkagusto
c. Pagkilos
d. Paggalaw
6. Ayon kay Sto. Tomas ito ay makatuwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama.
a. Isip
b. Kilos-loob
c. Kalikasan
d. Ispiritwal
7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksyon
b. kamalayan sa sarili
c. pagtataksil
d. pagmamahal
8. Ito ang tawag sa kalikasan ng tao na kumakatawan sa kaluluwa ng isang tao.
a. Ispiritwal
b. Materyal
c. Katawan
d. Isip

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob?
a. Pag-unawa at paggalang sa paniniwala ng iba.
b. Pakikiisa at pagtulong sa mga gawaing bahay sa loob ng tahanan
c. Paggamit ng facebook habang nag-oonline class
d. Pagpapaalam nang maayos sa magulang kung may pupuntahang okasyon upang hindi sila mag-alala.
10. Ang sumusunod ay ang pagkakatulad ng hayop sa tao maliban sa:
a. pag-iisip
b. paggalaw
c. pagkagusto
d. pandamdamin
11. Sa kaniya nagmula ang katotohanan at kabutihan.
a. guro
b. Diyos
c. batas
d. mga magulang
12. Ayon sa kaniya ang kilos-loob ay ang makatwirang pagkagusto.
a. Diyos
b. Sto.Tomas de Aquinas
c. Sto. Tomas de Aquino
d. Thomas Alba Edison
13. Hindi kailanman nanaisin ng kilos-loob ang masama sapagkat ito ay laging panig sa ______________.
a. tao
b. sarili
c. mabuti
d. nakakarami
14. Ang mabuting gawi, birtud, o virtue sa salitang Ingles ay galing sa salitang Latin na virtus na ang ibig
sabihin ay _________________.
a. pagiging tao, kalakasan, at kakayahan
b. pagiging tao, makabayan, at makabansa
c. pagiging tao, makadiyos, at makakalikasan
d. pagiging tao, makadiyos, at makabansa
15. Alin sa mga sumusunod na birtud ang gumagamit ng kilos-loob upang bigay sa tao ang nararapat para sa
kanya, sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. hinahon
b. pagpapasiya
c. katarungan
d. pag-unawa
16. Ang pagpapa-unlad ng kaalaman na siyang gawain ng ating isip ay gawain ng ating __________.
a. Intelektuwal na Birtud
b. Moral na Birtud
c. Teolohikal na birtud
d. Pagpapahalaga
17. Ito ay nakikilala sa pamamagitan ng malinaw na ebidensiya na binibigyan ng isang tao tulad ng palagiang
pagsisimba at pagbabasa ng bibliya.
a. Pandamdam
b. Pambuhay
c. Espirituwal
d. Values
18. Ito ay galing sa salitang latin na 'virtus' vir nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.
a. virtue
b. habit
c. understanding
d. wisdom
19. Bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
a. virtue
b. habit
c. understanding
d. wisdom

20. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of knowledge) at ito ay ang pinakapangunahin sa lahat ng
mga birtud.
a. Intelektuwal na Birtud
b. Agham (Science)
c. Pag-unawa (Understanding)
d. Wisdom
21. Alin sa mga sumusunod ang Hindi uri ng Intelektwal na Birtud.
a. Pag-unawa (Understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (Wisdom)
d. Katarungan (Justice)
22. Sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay.
a. Pag-unawa (Understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (Wisdom)
d. Katarungan (Justice)
23. Paano natin maipapakita ang pagtanggap sa dignidad ng iba?
a. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
b. sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng tao
c. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. sa paggalang sa kapwa katulad ng paggalang sa Diyos
24. Ito ay isang uri ng kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng tao at ito rin ang tinuturing na
ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud.
a. Pag-unawa (Understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (Wisdom)
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
25. Ito ay maaaring gamitin sa paglikha ng anumang may ganda, katulad ng obra ng isang pintor, awit ng
isang kompositor at tula ng isang makata.
a. Sining (Art)
b. Moral na Birtud
c. Katarungan (Justice)
d. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
26. Ang pangunahing kailangan ay moderasyon. Nakikilala ng isang taong nagtataglay ng pagtitimpi ang
bagay na makatuwiran at ang bagay na maituturing na luho lamang.
a. Sining (Art)
b. Moral na Birtud
c. Katarungan (Justice)
d. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
27. Ito ay ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o
panganib.
a. Katatagan (Fortitude)
b. Maingat na Paghuhusga (Prudence).
c. Katarungan (Justice)
d. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
28. Ang iyong kamag-aral ay may kapansanan sa paglalakad, ano ang nararapt mong gawin?
a. Respetuhin siya
b. Hayaan siya
c. Paglaruan siya
d. Pagtawanan siya

29. Ito ay nangangahulugan ng pagiging karapat-dapat ng tao sa paggalang at pagpapahalaga mula sa
kaniyang kapwa.
a. Dignidad
b. Hilig
c. Kalayaan
d. Konsensya
30. Alin sa mga sangkap ng tao ang may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay?
a. isip
b. kamay
c. puso
d. ulo
II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong at piliin sa kahon ang wastong sagot.
1. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan upang maging handa sa
pagharap sa Diyos.
2. Siya ang nagsulat ng hirarkiya ng
pagpapahalaga.
3. Ano ang pinakamababang uri ng
pagpapahalaga.
4. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang
para sa kabutihan.
5. Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung
siya ay pagod dahil ito ang
makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam. Ito ay halimbawa ng
6. Ito ay isang matibay na paniniwala at
pananalig sa Panginoon.
7. Ito ay tumutukoy sa mga kahilingan natin at
pasasalamat sa Diyos.
8. Mas tumatagal ang kaalaman na makukuha
sa aklat kaysa sa kasiyahan ng pisikal na
katawan dahil sa pagkain. Ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas
kung hindi ito kailanman mababago ng
panahon.
9. Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao.
10. Ito ay nagmula sa salitang latin na
valore na nangangahulugang pagiging
malakas at pagkakaroon ng saysay o
kabuluhan.
Ispirituwal
Banal
Pambuhay
Pagpapahalaga
birtud
Moral
Teolohikal
Panalangin
Timelessness
Indivisibility
Pandamdam
Banal
Pananampalataya
Max Scheler
Tags