2_Mga_Kasanayan_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx

DianaPingol2 6 views 13 slides Nov 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

mapanuring pagbasa sa pagbasa at pasgsusuri


Slide Content

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa Aralin 2 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Crizel Sicat -De Laza May- akda

Layunin ng Talakayan Maunawaan ang dapat gawin bago , habang at pagkatapos magbasa Makilala ang pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan Matukoy ang Layunin , Pananaw , at Damdamin ng Teksto Maisa-isa ang paraan ng pagsulat ng Paraphrase , Abstrak , at Rebyu

Daloy ng Talakayan Bago , Habang at Pagkatapos Magbasa Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan Pagtukoy sa Layunin , Pananaw , at Damdamin ng Teksto Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak , at Rebyu

Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa . Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan , pamagat , at pangalawang pamagat sa loob ng aklat . Sa bahaging ito , iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin . Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat .

Nakapaloob sa bahaging ito ang : 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa ; 2) Biswalisasyon ng binabasa ; 3) Pagbuo ng koneksiyon ; 4) Paghihinuha ; 5) Pagsubaybay sa komprehensiyon ; 6) Muling pagbasa ; 7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto . Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon , organisasyon , at pagbuo ng mga biswal na imahen . Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto . Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa .

Nakapaloob sa bahaging ito ang : Pagtatasa ng komprehensiyon . Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa . Pagbubuod . Sa pamamagitan ng pagbubuod , natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa . Pagbuo ng sintesis . Halos kagaya rin ito ng pagbubuod , ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto , ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa . Ebalwasyon . Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto .

Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan Katotohanan Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan , pananaliksik , o pangkalahatang kaalaman o impormasyon . Opinyon Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao . Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “ sa opinyon ko ,” “para sa akin,” “gusto ko ,” o sa “ tingin ko .”

Pagtukoy sa Layunin , Pananaw , at Damdamin ng Teksto Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto . Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag . Halimbawa , naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon ? Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya . Sa layunin , tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may- akda .

Pagtukoy sa Layunin , Pananaw , at Damdamin ng Teksto Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto . Ibig sabihin , natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay . Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa paglalahad , o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa ? Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw , nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto .

Pagtukoy sa Layunin , Pananaw , at Damdamin ng Teksto Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto . Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan , tuwa , galit , tampo , o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa . Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto , hindi naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito . Sa katapusan ng pagbasa , maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto .

Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak , at Rebyu Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may- akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa . Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik .

Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak , at Rebyu Ang abstrak naman ay isang buod ng pananaliksik , tesis , o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan . Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito . Sa ilang publikasyon , tinatawag din itong precis o synopsis.

Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak , at Rebyu Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman , estilo , at anyo ng pagkakasulat nito . Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu . Ang mga nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay gumagamit ng panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat . Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa .
Tags