Ang Videong Animasyon Bilang Instrumento sa Pagkatuto Sa kasalukuyan ay lingid sa kaalaman ng mga kabataan na ang mga pelikulang animasyon na pinanonood nila ay may mga Pilipinong animators na kasabagi sa paglikha . Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa Pixar, Disney, Warner Digital Studios at iba pang kilalang kompanya sa mundo .
Ang Videong Animasyon ay ang paggamit ng video na may kasamang ilustrasyon o drawing at pinagagalaw ng computer generated effects upang maiparating ang kuwento o paksang nais talakayin .
Marami nang Pilipino ang nakilala sa industriyang ito na higit na maunlad sa ibang bansa . Magastos ang paggawa ng pelikulang animasyon sa Pilipinas kaya hindi pa ganoon karami ang nagagawa dito . Ganoon pa man, unti-unting umuunlad na rin sa Pilipinas ang sining ng paggawa ng animasyon kasabay na rin ng pag-unald ng teknolohiya .
Noong Hunyo 10, 2021 ay ipinalabas sa Netflix ang animation na Trese na tumatalakay sa mga poklorikong Pilipino gaya ng aswang, nuno sa punso , kapre at iba pa. Pinangunahan ito ng karakter na si Alexandra Trese na nakikipagsapalaran laban sa mga masasamang elemento sa mundo . Ang mga nasa likod nito ay ang mga Pilipinong sina Budjette Tan and Kajo Baldisimo .
Noong 2022 ay inilunsad naman ng Epik Studios ang Mga Kuwentong Epik na nasa anyo ng animasyon at ipinalabas din sa Netflix. Nauna ang Alamat ni Maria Makiling na sinundan naman ng Osyana at panghuli ay ang Bernardo Carpio. Makabuluhan ang mga videong animasyon na ito sapagkat ipinapakita nito sa mundo ang kulturang Pilipino.
Mga Elemento ng Mahusay na Videong Animasyon: 1. Nilalaman 2. Script 3. Angkop na Larawan 4. Gamit ng Ilaw 5. Mahusay na Editing 6. Angkop na subtitle / caption 7. Angkop na haba 8. Mahusay na Voice Over Nababago ang mga elemento depende sa uri at layunin ng video na isasagawa .
Layunin Matukoy ng mga mag- aaral ang pangunahing tema , tauhan , at mensahe ng nobelang Mga Ibong Mandaragit at maipakita ang kaugnayan nito sa lipunan sa kasalukuyan .
Mga Salik sa Pagrerebyu ng Aklat Paksa Pagsusuri sa mga Tauhan Gamit ng Wika Daloy ng Naratibo Tunggalian Resolusyon
Gawain 1: Mga Tanong Sino ang pangunahing tauhan sa nobela ? Ilarawan siya batay sa kanyang mga ginawa . Ano ang pangunahing suliranin o tunggalian sa akda?Ano ang mga simbolismo ng “ mga ibong mandaragit ” sa nobela ? Paano ipinakita ni Hernandez ang kalagayan ng lipunan noong panahon ng pananakop at pagkatapos ng digmaan ? Ano ang mga aral na maaari mong makuha mula sa nobela ?
Gawain 2: Ipaliwanag nang buong husay ang mensahe ng mga diyalogong binanggit sa rebyu ng nobela : 1. Pinatutunayan ng karanasan na ang kasamaan ng isang gobyerno’y malimit na siyang gumigising sa bayan upang magbalikwas at lagutin ang gapos na tanikala