2nd_EsP10_M8 _Part2_MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA.pptx

mendozakimclaibern20 11 views 33 slides Sep 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 33
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33

About This Presentation

This is a lesson in compliance with the deped MELCS. THis is for grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao. Second Quarter


Slide Content

MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA EsP 10

Mga yugto ng makataong kilos

Mapapansin mo na sa bawat oras at araw , ikaw ay nagsasagawa ng pagpapasiya . Naging madali ba ito para sa iyo ? Napansin mo ba ang naging epekto nito sa iyo at sa iyong kapuwa ? Mas mabuti kung ang bawat pasiya ay nakabatay sa makataong pagkilos .

Panuto : Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo ?

Sagutin ang mga tanong : Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa salitang makataong kilos? Ipaliwanag . Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o pagkakataon ? Bakit ? Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay ?

6 May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para kay Sto . Tomas de Aquino, may 12 yugto ito . Nahahati sa dalawang kategorya ito : ang isip at kilos- loob .

7 Mga Yugto ng Makataong kilos ni Sto . Tomas de Aquino ISIP 1.Pagkaunawa sa layunin 3.Paghuhusga sa nais makamtan 5.Masusing pagsusuri ng paraan 7.Praktikal na paghuhusga sa pinili 9.Utos 11.Pangkaisipang kakayahan ng layunin K ILOS LOOB 2.Nais ng layunin 4.Intensiyon ng layunin 6.Paghuhusga sa paraan 8.Pagpili 10.Paggamit 12.Bunga

8 Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa pagkakasunod-sunod nito , ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay .

9 Sa katunayan , ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto – ang pagpili . Kung kaya’t kailangan ng masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili . Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anumang maaaring kahinatnan nito

10 Isipin na kayo ang pangunahing tauhan . Sagutin kung ano ang inyong magiging pasiya sa bawat sitwasyon . 1. May buwanang pagsusulit kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao ngayong araw . Hindi ka nakapag -review ng iyong aralin . Hindi ka na maaaring bumagsak sa pagsusulit na ito sapagkat hindi ka rin nakapagpasa ng proyekto . Makaaapekto ito sa iyong marka dahil ikaw ay honor student. Ano ang iyong gagawin ?

11 2. Madalas kang mapagsabihan ng iyong guro dahil palagi kang nahuhuli sa klase . Kinausap ka ng iyong guro na kapag muli ka pang nahuli sa pagpasok ay ipapatawag na ang iyong magulang sa paaralan . Ayaw mo na mangyari ito sapagkat siguradong malulungkot ang iyong mga magulang dahil ikaw lamang ang pinag-aral sa inyong limang magkakapatid dulot na rin ng kahirapan sa buhay . Isang araw , papasok ka na sa klase at ilang minuto na lang ay mahuhuli ka na subalit may matandang humihingi sa iyo ng tulong na maitawid siya sa kabilang kalsada . Ano ang iyong gagawin ?

12 3. Napansin mo na hindi masyadong sumasama sa inyong lakad ang kaibigan mong si Jen. Naisip mo na kausapin siya ng sarilinan upang malaman ang dahilan . Sinabi sa iyo ni Jen na pasikreto silang nagkikita ng kasintahan ng isa n’yo pang kaibigan na si Rhea. Sa kabilang banda , nagsasabi sa iyo si Rhea na nanlalamig na ang pakikitungo ng kaniyang kasintahan sa kaniya . Ano ang iyong magiging pasiya ?

13 Sw4: Gawa ng Tao, Dapat Makatao ! Panuto : Basahin at piliin kung alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpakita ng makataong kilos. Lagyan ang patlang ng tsek kung ito ay kinakitaan ng makataong kilos at ekis kung hindi . _____1. Pag- abot ng tulong tulad ng food packs para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly nang walang hinihintay na anumang kapalit . _____2. Pangunguha ng mga halaman sa parke upang maibenta . _____3. Nag- iimbak ng mga pagkain at pagtitinda nito sa mas mataas na halaga . _____4. Pagbibigay ng upuan sa mga nakatatanda sa pampublikong sasakyan . _____5. Pagtuturo o pagtulong sa paggawa ng takdang aralin ng nakababatang kapatid . _____6. Nagluluto ng pagkain na ipamamahagi sa mga evacuation centers. _____7. Tumutulong na mangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo at ng iba pang kalamidad . _____8. Pagpapakopya sa kaklase ng sagot sa takdang-aralin . _____9. Pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng plastic. _____10. Pagsasauli o pagbabalik ng mga bagay na hiniram sa may- ari nito .

14

15 Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang . 1.Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi pagkatapos ng klase dahil mag- iinuman daw sila . Sumama si Omar kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang . Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Bakit ?

16 2.Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit . Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya nasagot . Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito . Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Bakit ?

17 3. Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang kumuha ng cellphone ng kaniyang guro . Ngunit nanahimik na lamang siya upang huwag nang madamay pa. Nagpapakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Bakit ?

18 4.Si Ella ay labinlimang gulang pa lamang . Niyaya siya ng kaniyang kasintahan na sila ay magsama na. Ngunit kahit mahal ni Ella ang kasintahan ay hindi siya sumama rito . Nagpapakita ba si Ella ng makataong kilos? Bakit ?

19 5. Si Ernie ay pinakiusapan ng kaniyang guro na tulungan ang isang pangkat sa Baitang 7 sa kanilang paaralan para sa paglahok nito sa isang paligsahan sa Sayawit . Pinili siya dahil mahusay si Ernie sa larangang ito . Masayang pumayag si Ernie kaya’t sinimulan na niya ang pagtuturo sa kapuwa niya mag- aaral . Tatlong araw na lamang bago ang paligsahan , biglang hindi na nagpakita si Ernie at ang sinabi niya , kailangan niyang alagaan ang kaniyang kapatid na maysakit . Ngunit ang totoo , kinuha siya ng isang pangkat at pinangakuang babayaran ng malaking halaga . Nagpapakita ba si Ernie ng makataong kilos? Bakit ?

20 Sagutin ang mga tanong : Sino- sino ang tauhan na nagpakita ng makataong kilos? Ng hindi makataong kilos? Ipaliwanag . Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag . Nakatutulong ba sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag .

Moral na pagpapasiya

22 Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan , batayan , at pananagutan . Sa anumang isasagawang pasiya , kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito .

23 Halimbawa : Inalok ka ng iyong kaibigan na sumama sa kanila at subukang gumamit ng ipinagbabawal na gamot . Ano ang iyong gagawin ? Paano mo titimbangin ang mga bagay-bagay ukol dito ?

24 May kalayaan ang bawat isa sa anumang gugustuhin niyang gawin sa kaniyang buhay . Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan , nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya .

25 Ngunit ang malaking tanong ayon sa kaniya ; naaayon ba ang pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos ? Ibig sabihin , naisasama ba ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasiya na kaniyang ginagawa ? Marahil nakikita mo ngayon na sa bawat gagawin mong pasiya kinakailangan mo ang gabay ng Diyos .

26 SW#5 Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod : pamilya , kaibigan , pag-aaral , baranggay , at simbahan . Isulat ito sa unang hanay . Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito iwawasto . Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel . Kanino ginawa ? Maling pasiyang naisagawa Paano ito iwawasto ? 1.Sa Pamilya 2. Sa Kaibigan 3. Sa Pag- aaral 4. Sa Barangay 5. Sa Simbahan

27

Mga hakbang sa moral na pagpapasiya

29 Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon , napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasiya . Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya .

30 Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa anumang moral na dilemma.

31 Mga hakbang sa moral na pagpapasiya 1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). 2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). 3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). 4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). 5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help) 6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision)

32 SW#6 : Tayahin ang Iyong Pag- unawa Ano ang naunawaan mo sa ating aralin . Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan , sagutin mo ang sumusunod na tanong sa sagutang papel . Ano-ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay Sto . Tomas de Aquino? Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya ? Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya ? Ipaliwanag . Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya ? Ano-ano ang hakbang sa moral na pagpapasiya ?

33 salamat !
Tags