2Q - AP 7 - 3 - Imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo.pptx

WilliamBulligan 0 views 19 slides Oct 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

fraw


Slide Content

ARALING PANLIPUNAN 7 IKALAWANG MARKAHAN Week 7

Ang Imperyalismong Hapon Sa Ika-20 Siglo

UNANG ARAW

DEPED HERO TV BALITAAN Sa ulo ng mga nagbabagang balita , mga balitang napapanahon ihahatid ngayon na Breaking news

Sa panahong ito , natamasa ng Japan ang kaunlaran . Tinanggap ng Japan ang mga pagbabago na hatid ng impluwensiya ng mga kanluranin sa aspekto ng pamamahala , edukasyon at ekonomiya Ang mga pagbabagong ito ang nagbigay daan upang nagawa nitong magpatupad ng agresibong patakaran kung kaya’t sumali ito sa pagkuha at pagpapalawak ng mga teritoryo . Restorasyong Mejia

Digmaang Sino- Hapones Ito ang panahon na kung saan ang nanghimasok ang Japan sa Korea na sa panahong iyon ay nasa ilalim ng China. Nagpadala ng hukbo ang Japan sa Korea nang mag- alsa ang mga Koreano sa mga Tsino na naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng China at Japan. Sa huli , nagwagi ang Japan at lumagda ng kasunduan na kung saan lumaya ang Korea mula sa China. Ibinigay ng China sa Japan ang Pescadores, Liaodang peninsula at Formosa.

Digmaang Russo at Hapones Nagkaroon ng sigalot ang Japan at Russia dahil sa kanilang patakaran sa pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Asya . Pinag-aagawan ng dalawang bansa ang pagkontrol sa Liaodong peninsula, Korea, at Manchuria. Sa huli natalo ang Russia at lumagda ng kasunduan kung saan nakuha ng Japan ang Sakhalin Island, Lushun at Dahlian . Naging protectorate ang Korea ng Japan sa bisa ng kasun - duan ng dalawang bansa .

Ang Japan noong World War 1 Ang pagkapanalo ng Japan sa dalawang malalaking bansa ay nagbunga ng pagkikilala rito bilang makapangyarihang bansa . Nakipag-alyansa ang Japan sa Britain sa panig ng Allies noong World War 1 na nagdeklara ng digmaan sa Germany. Nagdeklara ang Japan ng digmaan sa Germany upang makuha ang teritoryo ng Germany sa China. Ang pagtanggap ng Japan ng teritoryo ng Germany sa China sa bisa ng Treaty of Versailles ang nagpasimula sa malawakang protesta sa Peking at gumising sa damdaming Makabayan.

Ikatlong araw

TALA- rawan Suriin ang mga larawan at isulat kung anong aspekto ang nagpapakita ng epekto ng imperyalismong Hapon . Piliin ang sagot sa loob ng kahon Politika Pang- Ekonomiya Panlipunan

Politika Pang- Ekonomiya Panlipunan

Suriin ang sumusunod na pahayag at sagutin ang mga pamprosesong tanong . “Bataan has fallen. The Philippine – American troops on this war – ravaged and bloodstained peninsula have laid down their arms. With heads bloody but unbowed, they have yielded to the superior force and members of the enemy.”

Mga Pamprosesong Tanong : Ano ang nilalaman ng pahayag ? Ano ang damdamin mo sa pahayag na iyong binasa ? Nararapat ba ang ginawang pagsuko sa Bataan? Bakit?

Ang Kasaysayan ng Araw ng Kagitingan Tuwing Araw ng Kagitingan , Abril 9, ginugunita natin ang Fall of Bataan . Ito ang araw ng taong 1942 nang , labag sa utos nina Gen. Douglas MacArthur at Jonathan Wainwright, isuko ni Maj. Gen. Edward P. King Jr. sa mga manlulupig na Hapon ang probinsiyang peninsula sa gilid ng Manila Bay. Naging sanhi ito ng kilalang “Bataan Death March” na naganap noong Kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . 

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag- umpisa sa Mariveles , Bataan patungong San Fernando, Pampanga ( na umabot ng 88 kilometro ang layo ), hanggang Capas , Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw . Ang ginawa ng mga Amerikano sa Bataan ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan dito . Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong Filipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.

Ang Martsa Kinilalang Death March , ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito . Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban para sa depensa ng Bataan ay itinuring na mga bilanggo ng digmaan , o mas kilala bilang prisoners of war (POW) . Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma , ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom . Dahil dito , iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar . Ngunit di ito inalintana ni Homma , bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo .

Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa . Sa kasagsagan ng init ng araw , ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinalakad habang sila'y tinututukan ng baril ng mga Hapon . Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles , Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “ pinagpapahinga ,” sila ay puwersahan ding pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw ng walang anumang lilim . Ang sino mang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang kinikitlan ng buhay . Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang nawalan ng buhay . Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon , o di kaya'y pinagbabaril . Ang ilan sa kanila ay inaabuso at labis na sinaktan , habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon .

Gutom at uhaw , ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro . Minsan din silang binigyan ng pagkain , ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin . Nang sapitin nila ang Capas , Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo . Sa gabi, sila ay pinapatulog sa isang tila bodegang kwarto – masikip at madilim , at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito . Sa kasikipan , hirap na silang makagalaw , at halos mag- agawan sa hanging nilalanghap . Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas , habang ang iba'y nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan .  Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila'y ibiyahe sa mga tren . Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay . Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell . Humigit kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan . Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan .
Tags