3. AP6-Mga Kilusang Panlipunan noong Panahon ng Amerikano.pptx
mayette1923magora
2 views
28 slides
Oct 19, 2025
Slide 1 of 28
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
About This Presentation
jbb
Size: 211.08 KB
Language: none
Added: Oct 19, 2025
Slides: 28 pages
Slide Content
Mga Kilusang Panlipunan noong Panahon ng Amerikano
Ano ang mga suliraning naranasan ng mga Pilipino noong panahon ng Amerikano ? 2 “Kung hindi ka sang- ayon sa pamamalakad ng pamahalaan , ano ang maaari mong gawin ?”
Kilusang Sakdal 3 -ang samahang ito ay itinatag noong 1930 ni Benigno Ramos, isang dating empleyado ng Senado . - mabilis na kumalat ang Kilusang Sakdal sa buong Luzon lalo na sa mga bayan ng Rizal, Cavite, Batangas, Tayabas (Quezon), Laguna, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.
Kilusang Sakdal 4 Umabot sa 6,000 kopya ang naipakalat na pahayagan ng Sakdal at wala pang kalahating taon ang nakalipas ay lumaki ang sirkulasyon nito sa halos 20,000. Ayon sa pag-aaral ni Motoe Wada sa kanyang akdang “ Ang Kilusang Masa sa Kasaysayang Pilipino,” naglathala ang Sakdal ng mga artikulo na tumutuligsa sa mga ginagawa ni Quezon at iba pang mga politikong mula sa Partido Nacionalista .
Kilusang Sakdal 5 Patuloy na ibinubulgar ng Sakdal ang katiwalian ng mga politico, at ang mga detalyadong listahan ng mga tauhan at kaukulang suweldo nila , ang kanilang mga pag-aari at pinagkakagastusan . Naging abala ang kilusan hindi lamang sa paglalathala Kundi pati Narin sa pagtutol sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1935.
Batay sa lider ng mga Sakdal , ang Samahan ay may sumusunod na prinsipyo : 6 Kailangan ng magkaisa ang mga manggagawa upang matamo ang tagumpay . Isaisip na ang kaligtasan ay nakasalalay sa kamay ng bawat miyembro . Tangkilikin , ipagmalaki , at protektahan ang bawat produkto at negosyong Pilipino.
Batay sa lider ng mga Sakdal , ang Samahan ay may sumusunod na prinsipyo : 7 4. Maging mapagbantay sa katotohanan na ang bawat sentimo na lumalabas sa bansa , kailanman ay hindi na maibabalik pa. 5. Itanim sa isipan na ang ating mga supling na ang kayamanan ng Pilipino ay para lamang sa mga Pilipino.
Batay sa lider ng mga Sakdal , ang Samahan ay may sumusunod na prinsipyo : 8 6. Maging mulat sa katotohanang magaganap lamang ang kasaganaang pang- ekonomiya sa pamamagitan ng proteksiyong pang- ekonomiya . Ang proteksiyong pang- ekonomiya ay ang hindi pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa upang mabigyan ng proteksiyon ang lokal na mga industriya at produkto .
Batay sa lider ng mga Sakdal , ang Samahan ay may sumusunod na prinsipyo : 9 7. Tutulan ang sinumang nagtatangkang nakawin ang yaman ng bansa at makipagsabwatan sa maitim na balak ng Kalayaan ng Pilipinas .
-Noong Mayo 2 hanggang 3, 1935, naglunsad ang Sakdal ng malawakang kilusan sa ilang bayan sa Laguna upang tutulan ang Saligang Batas ng 1935. Colorum - ito ay Samahan na nagmula sa iba’t ibang lugar ng bansa ngunit walang direktang koneksiyon sa isa’t isa. - Ang mga miyembro ay pawang mahihirap at mga manggagawa .
-May paghahalo ng paniniwalang panrelihiyon ang kanilang mga naging ritwal at paniniwala . May mga kasapi ang colorums na mula sa lalawigan ng Agusan, Leyte, Cebu, Rizal, Tarlac, at Batangas.
Partido Socialista ng Pilipinas Itinatag ni Pedro Abad Santos ang samahang ito na may layuning magkaroon ng alternatibong pamahalaan na papalit sa umiiral na sistemang demokratiko . Para sa Partido Socialista , hindi maituturing na tunay na demokratiko ang pamahalaang umiiral sa bansa sapagkat ito ay nasa kamay lamang ng iilang ologarkiya o pamilyang nabibilang sa mga naghaharing uri .
Partido Komunista ng Pilipinas Itinatag ito noong Nobyembre 1930 nina Jacinto Manahan at Crisanto Evangelista. Sa kanyang talumpati noong Nobyembre 7, 1930, inilatag nila ang gabay na prinsipyo para s a kilusang komunista ng Pilipinas . Ilan sa mga isyung tinutukan ng grupo ay ang : pambansang Kalayaan; maitaguyod ang komunismo para sa masa; ipagtanggol ang masa laban sa kapitalistang pagsasamantala ; pagbagsak ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas ; at pagpigil sa kapitalismo . 13
Pagawa ng Venn Diagram para maihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tatlong kilusan . Pagbabahagi ng output.
15 “Kung ikaw ay nabuhay noong panahong iyon , saang kilusan ka sasama ? Bakit?”
16 Ang mga kilusang panlipunan ay nagmula sa hangaring makamit ng mga Pilipino ang katarungan at pagbabago sa lipunan .
Gumuhit ng simbolo na kumakatawan sa isang kilusang panlipunan at ipaliwanag ang kahulugan nito .
Thank you Brita Tamm 502-555-0152 [email protected] www.firstupconsultants.com
Ang katarungang panlupunan ni quezon
Kailangnang tumugon ni Pangulong Quezon sa mga suliranin ng lipunang Pilipino sapagkat kung hindi pakikinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga mamamayan , maaari itong humantong sa pag-aalsa . Ipinatupad ni Quezon ang “ katarungang panlipunan para sa karaniwang tao ”. May mga espesyal na batas na naipatupad upang bigyang-solusyon ang katarungang panlipunan .
A. Court of Industrial Relations- isang ahensiyang inatasang maging tagapamagitan ng manggagawa at kompanya . Namamagitan ang ahensiyang ito kung mayroong alitan sa oras ng trabaho , pasuweldo , at kondisyon ng mga manggagawa ang mga kompanya at trabahador .
B. Rural Progress- layunin ng Executive Order No. 191 ng 1939 na maitaguyod ang maliit na pagmamay-ari ng lupa at pagbutihin ang mga kondisyon ng pamumuhay at pangkalahatang kapakanan ng mga taong nakatira sa kanayunan .
“Paano nakakatulong ang mga programang ito sa magsasaka at manggagawa ?”
Ang pamahalaan sa ilalim ni Quezon ay nagsagawa ng mga programa upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at magsasaka bilang bahagi ng katarungang panlipunan .
Gumawa ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katarungang panlipunan sa bansa .
“Ano ang pinakamahalagang programa ni Quezon para sa iyo at bakit ?”
Resulta ng Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas