MagnoliaSiaodelPilar
0 views
27 slides
Oct 16, 2025
Slide 1 of 27
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
About This Presentation
migrasyon, dahilan, epekto
Size: 19.58 MB
Language: none
Added: Oct 16, 2025
Slides: 27 pages
Slide Content
KONTEMPOARARYONG ISYU WEEK 5-6 MELC Based 2021 MELC Based 2021 WEEK 5-6
LAYUNIN Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
Balikan Bago mo umpisahan ang araling ito, balikan ang mga nakaraang aralin sa paggawa. Ano- ano ang mga suliraning natatamasa ng mga manggagawa sa ating bansa? 2. Bakit kaya patuloy pa rin ang problema sa contractualization? 3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong mai-ambag sa lipunan upang maibsan ang problema sa paggawa?
Pakinggan at tingnang mabuti ang video upang maging handa sa mga katanungan pagkatapos ng awitin . Motibasyon
Video Suri Video Suri
Anong linya sa awitin ang pumukaw sa iyong damdamin? Sa iyong pag-unawa, Ito ba ay isyung panlipunan? Bakit? Pamprosesong Tanong
Dahilan at Epekto ng Migrasyon dulot ng Globalisasyon
Ayon sa Commision on Filipino Overseas , may tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang noong 2009 ang naninirahan sa iba’t ibang bansa kasama ang nagtratrabaho bilang seaman.
Ano nga ba ang M igrasyon
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan .
May dalawang uri ng migrasyon
Ito ay ang paglipat ng tao sa loob lamang ng bansa , maaring ito ay sa lalawigan , bayan o rehiyon . Migrasyong panloob
Migrasyong panlabas Ito ay kapag lumilipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa , pag alis o paglabas ng tao sa bansa .
02 01 Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito . FLOW STOCKFIGURES
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon . Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow , entries o immigration. FLOW
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration , departures o outflows . Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration. FLOW
ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan . STOCK
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon . Ang mga bansang madalas dayuhin ay Australia, New Zealand, Canada at United States patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito . GLOBALISASYON AT MIGRASYON
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya , Latin America at Africa . GLOBALISASYON AT MIGRASYON
Mga Sanhi ng MIGRASYON
02 03 01 4 na Sanhi ng Migrasyon Paghahanap-buhay ( Ekonomikal ) Ligtas na tirahan ( Politikal ) Paghihikayat ng pamilya ( Sosyal ) 04 Klima at panahon ( Heograpikal )
01 PAGHAHANAP-BUHAY (EKONOMIKAL) Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan .
02 LIGTAS NA TIRAHAN (POLITIKAL) Ang tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik at mapayapa .
03 Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng pagiging komportable sa buhay . PAGHIHIKAYAT NG PAMILYA (SOSYAL)
04 Ang mga kalagayang pangkapaligiran ay isa din sa dahilan kung bakit may nagaganap na migrasyon . PAGHIHIKAYAT NG PAMILYA (SOSYAL)
1. Sa palagay mo, bakit umaalis o patuloy na nangingibang bansa ang mga Pilipino sa kabila ng pagtitiis na malayo sa kanilang mahal sa buhay? Maaring maglahad ng karanasan na magpapatunay nito. 2. Paano mapipigilan ang pagdagsa ng mga kababayan nating Pilipino na dumayo sa lungsod o bayan upang doon maghahanapbuhay? Magbigay ng iyong sariling mungkahi. Paglalahat
Gumawa ng islogan tulad ng halimbawa sa ibaba tungkol sa paksang migrasyon na angkop sa rubrik n a ihahanda. “Leaving for a Living” Takdang Aralin