Rebyu ng Sanaysay Liwanag at Dilim ni : Emilio Jacinto Ika- pitong linggo
PAK! GANERN! Isulat ng mag- aaral ang PAK kung ang pangungusap ay katangian ng editoryal at GANERN naman kung hindi . 1. Mahalagang sangkap ng isang editoryal ay kinakailangang may pinagbabatayan itong balita . 2. Hindi matatawag na editoryal ang isang artikulo kung ito ay lalagyan ng pananaw ukol sa isang isyung pambansa man o panlokal . 3. Layunin ng editoryal na magbigay ng impormasyon , magturo , pumuna at magpaisip sa mga mambabasa . 4. Naglalaman ang editoryal ng kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa isang napapanahong balita . 5. Sa sandaling may pambabatikos o pamumuna ng mga katiwalian bunga ng maling naoobserbahan , hindi na ito isang editoryal .
IAYOS PA! Isaayos ng mga mag- aaral ang mga parirala upang mabuo ang isang pangungusap kaugnay ng tinalakay na aralin sa editoryal . A- na naglalaman ng opinyon o pananaw ng patnugutan o editor B- at sa huli ay mapaisip sila tungo sa kinakailangang pagbabago . C- ang isang editoryal ay artikulong pampahayagan D- upang magbigay kamalayan sa mga mambabasa E- hinggil sa isang napapanahong isyu o balita na isinulat F- na makatutulong sa kanilang magsuri
Mga sagot Gawain 1 1. PAK 2. GANERN 3. PAK 4. PAK 5. GANERN Gawain 2 C A E D F B
Ang isang editoryal ay artikulong pampahayagan na naglalaman ng opinyon o pananaw ng patnugutan o editor hinggil sa isang napapanahong isyu o balita na isinulat upang magbigay kamalayan sa mga mambabasa na makatutulong sa kanilang magsuri at sa huli ay mapaisip sila tungo sa kinakailangang pagbabago .
ANONG MASASABI MO? Maningning o Maliwanag ? Lagyan ng tsek ang kahon batay sa pagkakaunawa ng mga mag- aaral . Ipaliwanag nila ang kanilang sagot . Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibaba .
Tanong Kailan natin masasabi na ang isang bagay ay maningning ? maliwanag ?
TALAS-SALITAAN Bilugan ng mag- aaral sa pangungusap ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin . 1. Ibinahagi ni Greg ang kanyang palagay ukol sa suliranin ni Andres. Sinabi niya ito upang magbigay ng pagwari sa naganap sa kanyang kaibigan . 2. Matapos ang tugtuging likha ni Palma, naganyak ang mga nakarinig . Tunay na nagbigay sigla ito sa kanilang mga kalooban . 3. Labis na ang kapagalang naramdaman ng bayan dahil sa tinitiis na pang- aapi . Hindi lamang ito basta pagod, dinadamdam na rin ito ng lahing kayumanggi .
4. Ang di raw magmahal sa kanyang wika ay sukab . Isang taksil sa bayang pinagkakautangan ng lakas at tangkilik . 5. Ang buwan ay may balatkayo na anyo ng liwanag . Masasabing pagkukunwari sapagkat hiram lamang ang ningning sa araw . 6. Ang kaliluhan ng mga dayuhan ang nagsindi ng mitsa ng pagkamakabayan . Silang may kabagsikan at walang awa ang humukay ng kanilang libingan .
pagkukunwari palagay may kabagsikan at walang awa nagbigay sigla taksil pagod
Sagot sa TALAS-SALITAAN: 1. palagay 2. nagbigay sigla 3. pagod 4. taksil 5. pagkukunwari 6. may kabagsikan at walang awa