7 ESP 9 - Quarter 2 values education module

juvyannparameo 701 views 6 slides Oct 10, 2024
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

values education module


Slide Content

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 1 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D1


LAYUNIN
__________ 1. OORCTD
__________ 2. UESNR
__________ 3. AEERTCH
__________ 4. RREAFM
__________ 5. OOKC
A. Nagluluto ng masarap at masustansiyang pagkain para sa
kanilang customer
B. Sinusuri ang mga pasyente at agarang binibigyan ng lunas
ang kanilang sakit
C. Nagbibigay kaalaman sa mga kabataan upang mahubog
ang kahusayan at pagkatao nito
D. Nagtatanim at inaani ang mga ibat-ibang pangunahing
pangangailangang pagkain gaya ng palay, prutas at gulay
E. Sinusubaybayan at nagtatala ng datos mula sa pasyente at
pinapanatiling ligtas ang mga ito

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Ikalawang Markahan / Ikalimang Linggo










Modyul 7 : Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao
Sa araling ito, inaasahan na malinang mo ang mga sumusunod;
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at
paglilingkod
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay
nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
TUKLASIN MO
PANUTO: Mula sa mga iba’t-ibang larawan ng mga manggagawa na makikita sa itaas, sikaping tukuyin ang
propesyon ng ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng jumbled letters at isulat ito sa patlang.
Pagkatapos ay itapat ito sa kabilang bahagi tungkol sa pangunahing layunin ng mga ito sa paggawa.


1. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa ng isang tao?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Mahusay! Ngayon
naman ay sagutan mo
ang sumusunod:

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 2 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D1


MAIKLING TALAKAYAN
1. Ano ang naging reyalisasyon mo sa maikling talakayan? Ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga ang orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain sa paggawa? Pangatwiranan.
3. Bukod sa mga naitala sa itaas, ano pa sa iyong palagay ang mahalagang layunin ng paggawa?


















Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay isang
aktibidad ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa
larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto. Ito ay resulta ng
pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Kung tayo ay
gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang katulad ng hayop o makina. Tao lamang ang
may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa
(Institute for Development Education, 1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa
anumang bagay. Batid natin na sa pamamagitan nang mahusay na paggawa, ay naaabot natin ang
mga pangarap sa buhay. Ang pag-abot sa mga sariling pangarap ay hindi rin magiging sapat kung
hindi kasamang umuunlad ang ating lipunan.
Ang ating mga frontliners na kasalukuyang humaharap sa krisis ng ating bansa ay
maituturing na naisasabuhay ang paggawa bilang paglilingkod at nagtataguyod ng dignidad
sapagkat iniaalay nila ang kanilang paggawa sa taumbayan sa kabila ng panganib sa kanilang
kalusugan. Binibigay nila ang lahat ng makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
isa at aktibong gampanan ang kanilang naatasang gawain ng walang pag-aalinlangan. Hindi lang
nila natutulungan ang kanilang pamilya sa kanilang pagsisikap kundi pati na rin ang ating bansa.
Narito ang mga mahahalagang layunin ng paggawa:
1.Upang kitain ang salapi na kailangan at matugunan ang pangunahing pangangailangan
2.Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
3.Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan
4.Upang tulungan ang mga nangangailangan
5.Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang maikling talakayan at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba.

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 3 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D1


SANGGUNIAN para sa karagdagang kaalaman:
- Modyul Para sa Mag-aaral, Edukasyon sa pagpapakatao 9, Manuel Dy Jr. et. al., pp. 102-105
- Pagpapakatao, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya, Twila Punsalan
et. al., pp. 101-102
GAWAIN
PANUTO: Magbigay ng mga uri ng trabaho o hanapbuhay na nagpapakita ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod. Sundin lamang ang tsart na nasa ibaba, pagkatapos ay sagutan ang mga tanong
sa huling bahagi ng gawain.
1. Gaano kahalaga ang papel ng bawat hanapbuhay na iyong binanggit sa ating lipunan? Ipaliwanag.
2. Ano ang maaaring maging epekto sa ating lipunan sakaling hindi nila ginampanan ng buong husay ang
kanilang hanapbuhay? Pangatwiranan.
3. Bukod sa iyong mga nabanggit na hanapbuhay, mayroon pa bang ibang uri ng paggawa na kahit hindi
binibigyan ng sweldo ay masasabing uri ng paglilingkod? Ipaliwanag.

























TRABAHO O HANAPBUHAY
DAHILAN KUNG BAKIT NASABING ITO AY
PAGGAWA BILANG TAGAPAGTAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO AT PAGLILINGKOD
HALIMBAWA:
TEACHER / GURO
Sapagkat sinisikap nilang maging maayos ang
pagtuturo sa kabila ng bagong normal (new normal)
upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang
mga mag-aaral
1.


2.


3.


4.


5.

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 4 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D2


Alam mo, hanga talaga
ako sa mga nurses natin
kasi kahit gaano
kadelikado ang sitwasyon
nila ngayon,
ipinagpapatuloy pa din
nila nag serbisyo nila sa
taong bayan.
Oo nga! Ako naman
sa mga Doctor kasi
pinapanatili nilang
mapagaling ang mga
may sakit sa abot ng
kanilang makakaya
Ganun din ang pansin ko
sa barangay namin dahil
mahigpit nilang
pinatutupad ang mga
safety and health
protocols para maiwasan
ang paglaganap ng virus
Talaga? Parehas tayo!
Ganyan din si Mama!
“work from home”,
tapos tinutulungan ko
naman siya sa online
selling para dagdag
din sa kita.
Sa bahay naman, hinahangaan ko si
Mama at Papa kasi sinisikap nilang
magtrabaho kahit nasa bahay, yung
“work from home” scheme. Buti nga
mabait yung mga boss nila eh.
1. Mula sa pag-uusap ng mga magkakaklase, paano nakakaapekto ang kanilang mga hinahangaang manggagawa
sa lipunang kanilang kinabibilangan?
A. Nurse - ___________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________ ___
B. Doctor - ______________________________________________________________ _____________________
_________________________________________________________________________________________
C. Brgy. Kagawad - ____________________________________________________________________________
_______________________________________ __________________________________________________
D. Trabaho ng mga Magulang - __________________________________________________________________ _
_________________________________________________________________________________________
E. Online seller - ______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Bakit tinuturing na paglilingkod at pagtaguyod ng kanilang dignidad bilang tao ang mga manggagawang ito?
______________________________________________________ ___________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Paano mo maipapakita ang suporta at pagmamahal sa mga manggagawang ito?
______________________________________________ ___________________________________________
_________________________________________________________________________________________
PAGSUSURI




































PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang pag-uusap ng mga magkakaklase tungkol sa kanilang hinahangaang
manggagawa at sagutan ang mga tanong sa ibaba:

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 5 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D2


Anumang gawain ang
ipamalas mo,
kung ito ay nanggagaling
sa puso at may
kasamang pagmamahal,
magiging
kapakipakinabang ang
bunga nito.
PAGGANAP


























PANUTO: Ipaliwanag ang quotation na nasa ibaba na may kinalaman sa araling ito. Isulat ng buong husay ang
iyong pananaw ukol dito sa mga patlang na makikita kanang bahagi.

Bilang isang kabataan, anong uri ng paglilingkod ang
kaya mong maibahagi ngayong tayo ay nahaharap sa
malawakang pandemya? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Page 6 of 6

Module Code: Pasay-EsP9-Q2-W5-D2


Mahusay! Binabati kita sa iyong matyagang pagsagot sa
mga gawain! Narito ang huling pagtataya upang ating
malaman ang iyong mga natutunan sa modyul na ito.
PANUTO: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba kung ito ay sumasang-ayon sa konsepto ng ating pag-aaral sa
modyul na ito. Isulat lamang ang “S “ kung sumasang-ayon at “D “ kung ‘di sumasang-ayon.
_____ 1. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain.
_____ 2. Batid natin na sa pamamagitan nang mahusay na paggawa, ay naaabot natin
ang mga pangarap sa buhay.
_____ 3. Sa pamamagitan ng paggawa, nalilinang ng isang tao ang kanyang kakayahan
anumang larangan ito.
_____ 4. Ang pagkuha ng mga bagay na hindi mo pinagsikapan ay maaaring magsilbing
mabuting paggawa.
_____ 5. Isa sa mga mahahalagang layunin ng paggawa ay upang maiangat ang kultura at
moralidad ng lipunang kinabibilangan.

PAGSASABUHAY
PAGTATAYA














Anong
makabuluhang
gawain ang maaari
mong maiambag
na magsisilbing
paglilingkod sa
lipunang
kinabibilangan?



PAMILYA PAARALAN BARANGAY PAMAYANAN

PANUTO: Ilista sa ibaba ang mga maaari mong maitulong at maiambag bilang isang kabataan na maituturing na
paraan bilang paglilingkod sa lipunang kinabibilangan. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang sektor ng lipunan
upang mas maging ispesipiko ang iyong sagot.
Inihanda ni : Jojo Ray C. Dela Cruz
Pasay City National Science High School
Tags