ABSTRAK NI JUVELLIE MAYO PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG
JuvellieMayo
7 views
22 slides
Sep 16, 2025
Slide 1 of 22
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
About This Presentation
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG
Size: 1.88 MB
Language: none
Added: Sep 16, 2025
Slides: 22 pages
Slide Content
INIHANDANI: JUVELLIE A. MAYO GURO ABSTRAK
CS_FA11/12PU-0D-F-92 Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-93 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. ABSTRAK
ABSTRAK
ITO AY ISANG URI NG LAGOM NA KARANIWANG GINAGAMIT SA PAGSULAT NG MGA AKADEMIKONG PAPEL TULAD NG TESIS, PAPEL NA SIYENTIPIKO, AT TEKNIKAL LEKTYUR, AT MGA REPORT.
LAYUNIN NITONG MAPAIKLI O MABIGYAN NG BUOD ANG MGA AKADEMIKONG PAPEL. HINDI GAANONG MAHABA, ORGANISADO AYON SA PAGKAKASUNUD- SUNOD NG NILALAMAN.
AYON KAY PHILIP KOOPMAN (1997), BAGAMAT ANG ABSTRAK AY MAIKLI LAMANG, TINATAGLAY ANG MAHALAGANG ELEMENTO O BAHAGI NG SULATING AKADEMIKO TULAD NG INTRODUKSYON, MGA KAUGNAY NA LITERATURA, METODOLOHIYA, RESULTA AT KONKLUSYON.
MGA KAHALAGAHAN NITO 1. NATUTULUNGAN NITO ANG SINOMANG MANANALIKSIK O MANUNULAT NA HIGIT PANG MAPAUNLAD ANG ISANG PAKSA,SALIKSIK O SULATIN.
MGA KAHALAGAHAN NITO 2.KAPAG MAY ABSTRAK,HINDI NA KAILANGAN PANG BASAHIN ANG KABUUAN NG PANANALIKSIK UPANG MATUKOY KUNG ITO AY MAKAKAPAGPAYAMAN SA ISINUSULAT O KUNG MALAYO KUNG MALAYO NA ITO SA PAKSA.
GAWAIN GAWAIN 1 PAANO MAKATUTULONG ANG ABSTRAK NG ISANG TEKSTO SA ISASAGAWANG PAGBASA NG ISANG PARTIKULAR NA TESIS? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ GAWAIN 2 SA TULONG NG SEMANTIC GRID LAGYAN NG DEPINISYON ANG MGA SUMUSUNOD NA TEMINOLOHIYA PARA MAGING GABAY SA PAGSULAT NG ABSTRAK NG ISANG PANANALIKSIK. ABSTRAK BUOD LAYUNIN RESULTA KONKLUSYON REKOMENDASYON C
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuuan ng papel ; ibig sabihin , hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin . 2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito .
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK 3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak . 4. Dapat ito ay nakadobleng espasyo . 5. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap . Huwag maging maligoy sa pagsulat nito . 6. Maging obhetibo sa pagsulat . Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito .
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK 7. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatan . 8.Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod - sunod ng saliksik 9.Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan at hindi opinyon lamang ng may- akda tungkol sa pananaliksik .
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN May dalawang uri ng abstrak na sulatin . Ito ay ang impormatibong uri ng abstrak at ang deskriptibo na uri ng abstrak . Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit sa panunulat , sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang manunulat .
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN DESKRIPTIBONG ABSTRAK Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin . Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita . Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa uri ng abstrak na ito .
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN DESKRIPTIBONG ABSTRAK Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang manunulat.Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito . Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak . Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong salita o higit pa.
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN IMPORMATIBONG ABSTRAK Marami sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri . Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri . Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na makikita sa babasahing ito .
MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN DESKRIPTIBONG ABSTRAK Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel . Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel. IMPORMATIBONG ABSTRAK Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalgang ideya ng papel . Maikli ito , karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang .
Gawing gabay ang mga sumusunod na terminolohiya sa pagsulat ng abstrak ng pananaliksik : 1. Buod : Ito ay muling pagpapahayag mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraaan . ( Hango sa aklat ni Bernales, et. al., 2013) 2. Layunin : Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa napiling larangan .( Batay sa aklat ni Astorga,Jr . E.R at Nucasa , W.P.,2010)
Gawing gabay ang mga sumusunod na terminolohiya sa pagsulat ng abstrak ng pananaliksik : 3. Resulta: Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral. 19 | S . Y 2 0 2 0 - 2 0 2 1 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) 4. Konklusyon : Inilalarawan ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral (http://eece,ksu.edu/-starret/684/papaer.html) 5. Rekomendasyon:Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang manananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral .
NILALAMAN NITO: • Rasyunal- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral • Metodolihiyang ginamit • Saklaw at Delimitasyon • Resulta at Konklusyon
Maraming salamat sa pakikinig ! Inihanda ni : JUVELLIE A. MAYO Guro