Ang-Pagtuturo-ng-Pakikinig-ppt.blg-1-1.pptx

angeldeguia090403 0 views 29 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 29
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29

About This Presentation

Pakikinig


Slide Content

Ang Pagtuturo ng Pakikinig

Ano ang Pakikinig? Ang Pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng kausap (Yagang:1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan, at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin:1974 ) Ang mahusay na tagapakinig ay may kakayahang magawa ang apat na ito nang sabay-sabay.

Mga Kasanayang micro sa pakikinig ayon kay Willis(1993) Paghinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan Paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa Pagtukoy sa mahahalagang kaisipan at pagbabale-wala ng mga di-mahalagang impormasyon

Mga Kasanayang micro sa pakikinig ayon kay Willis (1993) Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o paglalagom. Pagkilala sa mga diskors marker tulad ng kung gayon, ngayon, sa wakas, atb. Pagkilala sa cohesive devices gaya ng, mga pangatnig, panghalip at iba pa. .

Mga Kasanayang micro sa pakikinig ayon kay Willis (1993) Pag-unawa sa iba’t-ibang hulwarang intonansyon at paggamit ng diin na maaring maging hudyat ng mensahe at kalagayang sosyal Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intension o saloobin ng tagapagsalita.

Bakit Kailangang ituro ang Pakikinig Mahalaga ito sa pang-araw-araw na pakikipamuhay. Ayon kay Wilga Rivers(1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa pagsasalita, makaapat na beses kaysa pagbabasa at makalimang beses kaysa pagsulat.

Bakit Kailangang ituro ang Pakikinig Napakahalaga nito sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi ni Nida (1957), “Ang Pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti.

Mga kategorya ng Pakikinig 1. Marginal o Passive na Pakikinig Ito’y pakikinig na isinasagawa na kasabay ang iba pang gawain. Halimbawa, Pakikinig sa webinar habang kumakain.

Mga kategorya ng Pakikinig 2. Masigasig na Pakikinig Ito’y pakikinig na hangga’t maari’y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng tagapagsalita

Mga kategorya ng Pakikinig 3. Mapanuring Pakikinig Ito’y pakikinig na nagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng napakinggan. Naisasagawa ang ganitong uri ng pakikinig kung nasasabi ang pag-uugnayan ng mga kaisipan o ideyang napakinggan; nasasabi ang kaibhan ng katotohanan sa pantasya; ng totoo o opinion, atb.

Mga kategorya ng Pakikinig 4. Malugod na Pakikinig Ito’y pakikinig na isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kuwento, dula, tula, at musika.

Mga Proseso sa Pakikinig 1 . Pagdinig vs Pakikinig Ang ating tainga ay palagi nang may tunog na naririnig. Gayon pa man, hindi natin binibigyang pansin ang lahat ng ating napapakinggan. Nag-uumpisa lamang ang ating “pakikinig” kapag binibigyan pansin na natin ang mga tunog na napakinggan at gumawa na tayo ng pagsisikap upang maunawaan at maipaliwanag ang mga ito

Mga Proseso sa Pakikinig 2. Prosesong Top-Down Kapag may nadinig ang isang tagapakinig, maaring may maalala siyang dating kaalaman na maiuugnay niya sa napakinggan at ito ang magiging patnubay niya upang hulaan ang uri ng impormasyong maari niyang napakinggan.

Mga Proseso sa Pakikinig 3.Prosesong Bottom-Up Kung ang napakinggan ay hindi nakapukaw sa alinmang impormasyong dating alam na ng tagapakinig, kailangan gamitin na niya ang “bottom-up” na pakikinig. Ang bottom up na pakikinig ay unti -unting pagbubuo ng kahulugan (building blocks) sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng mga datos linggwistika.

Mga Proseso sa Pakikinig 4. Aktibong Proseso ng Pakikinig Kapag nakikinig ang isang tao, hindi basta na lamang siyang nakikinig. Kasabay ng kanyang pakikinig ay bumubuo na siya ng sariling pagpapakahulugan. Tinutukoy niya ang pangunahing ideya at mga pansuportang detalye; kinikilala niya ang mga pahayag na katotohanan sa mga opinyon lamang;hinuhulaan niya ang kahulugan ng mga bagong salitang napakinggan,atb.

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pakikinig Ang mg layuning pampagtuturo ay mga tiyak na pagpapahayag na nagbibigay ng direksyon sa isang programang pampagpagtuturo. ( 3 batayang kategorya) Ang mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims) at layunin(Objectives)

Ang mga Mithiin (Goals) Ang mg layu ning pampagtuturo ay mga tiyak na pagpapahayag na direksyon sa isang programang pang-edukasyon. Ang mga ito’y karaniwang binibigyang liwanag ng mga dalubhasa sa pagbuo ng mga palising Pambansa.

Ang Mithiin at Goals Ang mga mithiing ito’y naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga programang pang-edukasyon at pampaaralan. Ang mga ito’y repleksyon ng mga pagpapahayag at mga pananagutang panlipunan ..

Ang Mithiin at Goals: Mga Tungkulin (Aims) Ang mga tungkulin ay may mas tiyak na pokus kaysa mga mithiin. Ito ay nagbibigay ng direksyon para sa isang tiyak na aralin. Kumakatawan din ang mga ito upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin ang pokus nito upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang Mithiin at Goals: Ang mga Layunin Pampagtuturo Ang mga layuning pampagtuturo ( instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakikita ng mga mag-aaral. Ang mga ito ay nararapat isaad sa isang tiyak, ang pagganap dito ay nakikita at ang bunga o kinalabasan ay nasusukat .

Ang Mithiin at Goals: Ang mga Layunin Pampagtuturo Una, kailangang tukuyin ang mga inaasahang bungang pagkatuto Ikalawa, ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay namamasdan, alalaong-baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay makikita (Gronlund, 1991).

Dulog sa Pagtuturo ng Pakikinig 1. Unang landas – nakapokus sa paglinang ng maliliit na katangian ng tunog tulad ng pag-iiba o pagtatangi-tangi sa mga tunog na napakinggan. 2. Ikalawang landas- nakatuon sa pakikinig nang may pag-unawa.

Halimbawa ng mga Kasanayang nililinang sa Pakikinig Pagkilala at pagtata-ngi-tangi sa Pamamagitan ng Pakikinig (auditory Discrimination) Nagagaya ang napakinggang huni/tunog Natutukoy ang mga tunog ng patinig/katinig sa napakinggang salita Nakikilala ang iba’t-ibang kombinasyon ng mga pantig na nagbibigay tunog

Mga Kasanayan sa Pag-unawa Naipakikita ang wasto at maliksing pagsunod sa panutong binubuo ng dalawa o higit pang kausap. Nasasagot ang mga tanong tungkol s detalye ng kuwentong napakinggan Naisasalaysay ang narinig na kwento o pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

Mga Kasanayan sa Pag-unawa Nakapagbibigay ng hinuha Nasasabi ang maaring kalabasan ng pangyayari Naibibigay nang malinaw ang ulat sa balitang narinig Naibibigay ang paksa ng ulat/kuwento/impormasyong narinig

Bakit mahirap ang pakikinig? 1. Pagkukumpol (clustering) Dahil sa limitasyon ng ng ating memorya habang nakikinig gumagawa tayo ng pagkukumpol o clustering kung saan ang tekstong pinapakinggan ay kinukumpol natin sa maliliit na pangkat ng mga salita.

Bakit mahirap ang pakikinig? 2. Pag-uulit (Redundancy) “Ito ang gusto kong sabihin,” “ganito iyon,” Magbibigay ito ng mahabang panahon at dagdag impormasyon para sa pag-iisip.

Bakit mahirap ang pakikinig? P inaikling anyo

Referensya Babayos, Paquito B. ( 1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Grandwater Publications and Research Corporation. Karapatang-Ari, 1999.