Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito . Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa . Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon , magpahayag ng nararamdaman , magbahagi ng opinyon , manghikayat ng ibang tao , at iba pa
Dalawang Uri ng Sanaysay Pormal na Sanaysay Ang pormal na sanaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit ito ng mga salitang akma sa paksa . Ito ay batay sa pananaliksik at pag-aaral . May seryoso o pormal na tono ito ukol sa paksa nito . Di- pormal na Sanaysay Ang di- pormal na sanaysay naman ay batay sa mga opinyon at pananaw ng nagsulat nito . Ito ay maaaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may- akda .
Elemento ng Sanaysay Tema at Nilalaman – Tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi . Anyo at Istruktura – Maayos na pagkakasunod sunod ng ideya o pangyayari . Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema . Wika at Istilo – Mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag . Iayon ito sa maging mambabasa ng sanaysay . Larawang Buhay – Masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda . Damdamin – Naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan . Himig – Naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin .