Ang Sangay Lehislatura ng Pamahalaan.pdf

NecelynMontolo 0 views 40 slides Oct 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 40
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40

About This Presentation

Ito ay aralin kung saan ipinapaliwanag ang tungkol sa ating pamahalaan. Nang sa ganun ay lubos na maintindihan ng mga kabataan.


Slide Content

ANG
SANGAY LEHISLATURA
NG
PAMAHALAAN

Tatlo ang pangunahing tungkulin ng sangay lehislatura o
sangay tagapagbatas.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Bumuo (bumalangkas at mag-aproba) ng mga bagong batas
2. Mag-amyenda ng mga pagbabago sa umiiral na batas
3. Magpawalang-bisa ng umiiral na batas
MGA TUNGKULIN NG SANGAY
LEHISLATURA

Pagsususog o paglalahok ng maliit na
pagbabago sa dokumento
AMYENDA

Anumang pagpapasiya tungkol sa pagbuo, pag-
amyenda, o pagpapawalang-bisa ng umiiral na
batas ay ibinabatay ng mga mambabatas sa mga
pahayag sa Saligang Batas.

Magsiyasat sa mga usaping pampubliko upang
makabuo ng batas kaugnay nito
Aprobahan o tanggihan, sa pamamagitan ng
Komisyon sa Paghirang (Commission on
Appointments), ang pagtatalaga na ginawa ng
pangulo sa ilang mahahalagang opisyal ng mga
ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng Tanggapan
ng Pangulo.
Bukod sa mga nabanggit, nasa kapangyarihan din ng
sangay lehislatura ang mga sumusunod:

Magdeklara ng digmaan kung kailangan.
Magbigay ng tanging kapangyarihan sa
pangulo para sa pambansang polisiya
kaugnay ng deklarasyon ng digmaan o
anumang national emergency.
Aprobahan ang taunang badyet ng
pamahalaan na iminungkahi ng pangulo ng
Pilipinas.

Tanggalin sa posisyon ang mga nasa
matataas na katungkulan sa pamahalaan
tulad ng pangulo, pangalawang pangulo, at
mga mahistrado ng Kataas-taasang
Hukuman sa pamamagitan ng paglilitis ng
kasong impeachment.
Magbilang ng boto at magpatunay sa resulta
ng halalan na nauna nang binilang ng
Komisyon sa Halalan

Magpasiya sa nagwagi sa halalan kung
magkaroon ng tabla sa nabilang na boto ng
dalawa o higit pang kandidato.
Magpasiya sa mga protesta sa resulta ng
halalan.
Ipawalang-bisa ang proklamasyon ng batas
militar na ginawa ng pangulo.

Ipawalang-bisa ang suspensiyon ng writ of
habeas corpus na ginawa ng pangulo.
Magpanukala ng mga susog o pagbabago sa
Saligang Batas at bumuo ng Kumbensiyong
Konstitusyonal para sa gagawing mga
pagbabago

Pansamantalang pagpapataw ng direktang
kontrol ng militar sa isang lugar o sa buong
bansa bunsod ng tanging kalagayan tulad ng
pagkakaroon ng banta ng rebelyon o
paghihimagsik.
BATAS MILITAR

Proteksiyon ng mamamayan mula sa
anumang pag-aresto nang walang warrant o
dokumento ng pagpapahintulot mula sa
hukuman.
WRIT OF HABEAS CORPUS

Pagpupulong upang bumuo ng bago o
mga pagbabago sa umiiral na Saligang
Batas.
KUMBENSIYONG KONSTITUSYONAL

May ilang mga pribilehiyo ang mga
mambabatas.
Isa rito ay ang proteksiyon laban sa pag-
aresto sa isang isinakdal na mambabatas
kaugnay sa anumang krimen na may
parusang hindi hihigit sa anim na taong
pagkakabilanggo habang may pagpupulong
sa kongreso.
Mayroon din silang proteksiyon laban sa
pagsakdal sa kanila dahil sa anumang bagay
na nasabi nila habang may pagtalakay sa
kongreso.

Ang mga mambabatas ay binubuo ng
mga senador at kinatawan sa
kapulungan. Kolektibong tinatawag na
kongreso ang sangay na ito.
MGA BUMUBUO SA
SANGAY LEHISLATURA

Ang senado o mataas na kapulungan ay binubuo ng 24
na senador at pinamumunuan ng Pangulo ng Senado.
Inihahalal ang senador ng kalahatan ng mga
kalipikadong botanteng Pilipino sa Pilipinas at ibang
bansa.
Kada tatlong taon, naghahalal ng 12 senador.
Naglilingkod ang isang senador nang anim na taon.
Makapaglilingkod sila para sa kasunod na anim na taon
kung mahalal muli.
ANG SENADO

Ang mga sumusunod ay ang minimum na pamantayan
upang makalahok sa halalan para sa senador ayon sa
Saligang Batas:
1. katutubong mamamayang Pilipino;
2. may edad na 35 sa araw ng halalan;
3. nakababasa at nakasusulat;
4. rehistradong botante; at
5. naninirahan sa Pilipinas nang dalawang taon o higit
pa, bago ang araw ng halalan

ANG KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Mababang
Kapulungan ay binubuo ng hindi hihigit sa 250 kinatawan
o tinatawag na kongresista, maliban na lamang kung
magtakda ang batas ng naiiba sa bilang na nabanggit.
May dalawang uri ng kinatawan—mga inihalal ng mga
distrito ng mga lalawigan at lungsod at mga kinatawan ng
nagwaging pangkat ng party list.

Distrito ang tawag sa paghahating lehislatibo na isinagawa
sa mga lungsod at lalawigan sa Pilipinas. Bawat distrito ay
dapat na may kinatawan sa kapulungan.
Nabubuo ang distrito batay sa populasyon ng lugar. Ang
lalawigan, anuman ang populasyon nito, ay awtomatikong
may isang kinatawan sa kapulungan.
Ang lungsod naman, kapag umabot sa 250 000 ang
populasyon ay dapat na magkaroon din ng isang
kinatawan.

Ngunit kapag ang lalawigan at lungsod ay
lumagpas sa 250 000 ang populasyon,
maaari itong hatiin sa mga distrito kaya
magkakaroon ito ng lagpas sa isang
kinatawan.
Halimbawa, ang isang lungsod na may 1.5
milyong populasyon ay maaaring mahati sa
anim na distrito, kaya magkakaroon ito ng
anim na kinatawan sa kapulungan.

Samantala, ang party list naman ay inaasahang
kumatawan sa marhinalisadong sektor o mga pangkat
ng mamamayan.
Madalas itong kumakatawan sa sektor ng mga
manggagawa, magsasaka, mahihirap na taga-lungsod,
mga katutubong pamayanan, mga kababaihan, mga
kabataan, at iba pang sektor na aprobado ng batas.
Hindi puwedeng masama rito ang mga pangkat na
panrelihiyon. Ang party list ang bubuo sa 20% ng mga
kinatawan sa Mababang Kapulungan.

Ang Mababang Kapulungan ay pinamumunuan ng
Ispiker ng Kapulungan.
Nakapaglilingkod ang halal na kinatawan sa loob nang
tatlong taong termino at hanggang tatlong terminong
magkakasunod siya puwedeng mahalal.
Pagkatapos ng tatlong termino, hindi na siya
puwedeng mahalal muli agad.
Sa halip, maghihintay siyang matapos ang isang
termino bago makatakbong muli bilang kinatawan.

Ang mambabatas na nais maihalal sa Kapulungan ng mga
Kinatawan bilang kinatawan ng distrito ay dapat na
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. katutubong mamamayan ng Pilipinas;
2. may edad na 25 pagsapit ng halalan;
3. nakababasa at nakasusulat;
4. rehistradong botante; at
5. naninirahan sa distritong kakatawanin niya nang isang
taon o higit pa bago ang araw ng halalan

Ganito rin ang katangiang dapat taglayin ng magiging
kinatawan sa pamamagitan ng party list.
Ngunit ang pangkat ng party list ay ibinoboto ng
kalakhang populasyon ng mga kalipikadong botante.
Samantala, ang Batas Republika blg. 7941 o Party List
System Act ang nagtakda ng mga panuntunan hinggil
sa kung sino ang maaaring lumahok sa halalan sa party
list, gayundin ang porsiyento ng boto na dapat nilang
makuha upang magkaroon ng representante sa
Kapulungan ng mga Kinatawan

Dalawang pangunahing dokumento ang
karaniwang ginagawa ng Kongreso— ang mga
panukalang batas (bill) at mga kapasyahan o
resolusyon.
PROSESO NG PAGBUBUO
NG BATAS SA BANSA

Tinatawag na panukalang batas ang batas na
hinuhulma pa lamang.
Dumadaan ito sa mahabang proseso upang maging
isang ganap na batas.
Kailangan itong sang-ayunan ng dalawang
kapulungan.
PANUKALANG BATAS (BILL)

NARITO ANG MGA HAKBANG SA
PAGBUO NG GANAP NA BATAS:

Kung matapos ang 30 araw at walang maipahayag na pasiya ang
pangulo sa panukalang batas na ipinasa ng Kongreso, ito ay
awtomatikong magiging batas.
Puwede ring matapos ma-veto ay muling isalang ito sa proseso ng
pagbalangkas ng batas nang wala o mayroong susog.
Ang napagtibay na batas ay gagawan ng mga kopya at ipadadala
sa Official Gazette para sa pagpapalimbag at ipamamahagi sa mga
nagpapatupad ng ahensiya, at sa pagpapalimbag nito sa media.
Isinasama na rin ito sa taunang koleksiyon ng Acts and
Resolutions.

Upang magkaroon ng pagkakataon sa pagpapaalam, ang batas ay
magkakabisa makaraan ang 15 araw matapos itong ilathala sa Official
Gazette, o dalawa o higit pang pahayagan na may malawakang
sirkulasyon sa bansa.

Ang resolusyon ay isang dokumentong
nagpapahayag ng mga prinsipyo at
palagay ng Senado o Kapulungan ng
mga Kinatawan. Nahahati ito sa tatlong
elemento:
RESOLUSYON

Joint Resolution (Magkasanib na Kapasiyahan) –
Ang resolusyong ito ay pinagsasang-ayunan ng
Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nilalagdaan ito ng pangulo. May bisa ito na katulad
ng isang batas. Ang magkasanib na kapasyahan ay
madalas na ginagamit sa pagresolba sa iisang isyu,
at sa pagmumungkahi ng mga pagbabago sa
Saligang Batas.
1.

2.Concurrent Resolution (Magkapanabay na
Resolusyon) – Ginagawa ito kaugnay ng mga usaping
nakaaapekto sa parehong Senado at Kapulungan ng
mga Kinatawan. Hindi na ito umaabot sa pangulo para
sa kaniyang pirma matapos aprobahan ng dalawang
kapulungan. Wala itong bisa tulad ng isang batas.
Halimbawa ng usaping ginagawan ng resolusyon ay ang
pagtatakda ng panahon ng pagtatapos ng sesyon ng
kongreso.

3. Simple Resolution (Kapasiyahan ng Isang Panig
Lamang) – Ang resolusyong ito ay binubuo sa isang
kapulungan lamang. Hindi ito kailangang iangat sa
kabilang kapulungan upang pag-aralan din doon.
Karaniwan, ang ganitong resolusyon ay tungkol sa mga
tuntunin ng kapulungan na hindi kailangang sundin din
sa kabilang kapulungan. Puwede ring ito ay tungkol sa
pagtawag ng aksiyon sa isang isyung may pambansang
interes. Hindi na ito kailangang aprobahan ng pangulo.
Wala itong bisa na tulad ng isang batas
Tags