Magandang Umaga! Modyul 4- Unang Markahan October 13 , 2021
Balik -Aral
Uri ng Solid Waste na kung saan ang mga basura ay hindi na maaaring magamit o mapakinabangan tulad ng gamit na diaper at upos ng sigarilyo . Tumutukoy sa mga pangmatagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan. Mga basurang nagmumula sa mga tahanan . Matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad . Ito ay ang pagkasira ng mga korales sa karagatan Identification
Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong .
1. Ano ang mga nasa larawan? 2. Naranasan mo na ba ang mga pangyayari sa iyong buhay ? 3. Paano mo ito pinaghahandaan ? Bakit mo ito kailangang paghandaan ? Pamprosesong Tanong :
Modyul 4 Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran
Karaniwan mong nang naririnig o napapanuod ang paghahanda na ginagawa ng pamahalaan sa tuwing magkakaroon ng kalamidad gaya ng bagyo , lindol , at sunog . Ang mapanatiling ligtas ang komunidad sa mga banta ng sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mahusay na disaster management .
Disaster management Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano , pag-oorganisa pagsasagawa ng angkop na pagpaplano , pag-oorganisa , pagtukoy sa mga kasapi , pamumuno at pagkontrol .
Disaster management Tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna , kalamidad , at hazard.
Mahahalagang Termino
HAZARD DISASTER VULNERABILITY RISK RESILIENCE
Hazard Ito ay nangangahulugang banta dulot ng tao o kalikasan . Dalawang Uri: Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard Natural Hazard a b
Halimbawa Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard Natural Hazard
Disaster Pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao , sa kapaligiran at maging sa mga gawaing pang ekonomiya Halimbawa :
Vulnerability Tumutukoy sa tao , lugar , at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Halimbawa :
Risk Inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng kalamidad Dalawang Uri: Human Risk Structural risk a b
Resilience Kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa epekto na dulot ng kalamidad
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF)
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2020 ay may dalawang pangunahing layunin : Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad . 1 2 Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.
Isinusulong rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ang balangkas ng plano at polisiya kung paano haharapin ang mga kalamidad , hazard, at hamong pangkapaligiran .
POINTERS TO REVIEW: KONTEMPORARYONG ISYU MGA KASANAYAN SA PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU MGA SANGGUNIAN SA PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU ISYUNG PANGKAPALIGIRAN 1. SULIRANIN SA SOLID WASTE 2. SULIRANIN SA YAMANG GUBAT 3. SULIRANIN SA YAMANG TUBIG 4. CLIMATE CHANGE DISASTER MANAGEMENT MAHAHALAGANG TERMINOLOHIYA SA PAG-AARAL NG DISASTER MANAGEMENT CBDRM APPROACH
Ang Community-Based Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach
CBDRM Approach Ang Community-Based Disaster and Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy , pagsuri , pagtugon , pagsubaybay , at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan .
Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad Maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan Ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakaranas ng kalamidad . Bakit mahalaga ang pakikilahok ng lahat ng sektor sa pamayanan?
Kahalagahan ng CBDRM Approach
Ang pagbuo ng disaster resilient na komunidad ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PNDRRMF). Nangangahulugan ito na ang pagbabalangkas ng plano , pagtataya , at pagsasagawa ng implementasyon na nakapaloob sa disaster management plan ay mahalaga upang makabuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran .
Bottom-up Approach Ang mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan ay nagsasagawa ng mga hakbang sa pagpaplano tulad ng pagtukoy , pag-aanalisa , at pagbibigay solusyon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng komunidad .
Top-down Approach Ang pagpaplano sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa nakatataas na ahensya ng pamahalaan o tanggapan .
Sa pagpapaplano ng disaster risk management mahalagang pagsamahin ang kalakasan ng top-down approach at bottom-up approach. Malaki ang ginagampanang papel ng pambansang pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad . Hindi rin naman dapat isantabi , ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Kung mapagsasama ang kalakasang ito , ay magbubunga ng holistikong pagtugon sa kalamidad at hazard sa pamayanan .
Simpleng ilustrasyon ng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran