AP 10 QUARTER 1 Module-2 (2).pptx !st quarter lesson

EulogioLamputi 10 views 24 slides Sep 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

kontemporaryung Isyu
for 2nd quarter


Slide Content

Modyul 2: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran : Solid Waste U N G A N M A A R K H A N

U N G A N M A A R K H A N Gawain 2: VIDEO ANALYSIS (think pair share) Pamagat ng Video: Matanglawin : Philippines' growing problem with plastic Source: https://www.youtube.com/watch?v=1Fo_CDHjSdk

U N G A N M A A R K H A N

Ang kapaligiran ay isang mahalagang salik na pinagmumulan ng mga hilaw na materyal na ginagamit upang makagawa ng produkto . Ito ay binubuo ng elemento ng panahon at klima na siyang nag- uugnay sa mga tao , hayop , halaman at iba pang organismo sa kanyang lipunan .

Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan na pinalilibutan ng maraming anyong lupa at anyong tubig . Kilala ang bansa sa kanyang pagiging mabundok na lupain kabilang na dito ay ang Bundok ng Apo, Bulkang Mayon at Bulkang Taal na nagpakita ng kanyang pagiging aktibo noong Enero 2020. Ngunit nariyan din ang iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan , dagat , mga bukal , mga ilog at iba pa na dahilan kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista na nagbibigay ng kita sa turismo at hanapbuhay sa mga mamamayan ng bawat rehiyon .

Ngunit sa kasalukuyan , tila nakalilimutan ng tao ang pag-aalaga sa ating kapaligiran kaya sa halip na ito ay higit na mapaganda ay pinangangambahan na makalimutan na. Kaya, ang mamamayang patuloy na umaasa sa kanyang kapaligiran ay siya ring nakakaranas ng hindi mabuting epekto nito sa kanyang pamumuhay .

SULIRANIN SA SOLID WASTE Ang Municipal Solid Waste (MSW) o Solid Waste ay mga basurang nagmumula sa mga tahanan , komersyal na establisimyento , mga institusyunal at mga industriyal . Residensyal (Residential Waste) – Itinuturing na malaking bahagdan ng basura ay nagmumula sa mga kabahayan o tahanan . Ayon sa report ng National Solid Waste Management Report, 2018, umaabot sa 56.7% ng basura ay mula sa ating mga tirahan .

SULIRANIN SA SOLID WASTE 2. Komersyal o Commercial Waste – Mga basura na nagmumula sa mga pribado at pampublikong establisyemento na bumubuo ng halos 27.1 % ng basura ayon sa NSWM Report, 2018. Ang mga pamilihang tulad ng palengke at talipapa ay may bahagdan na 18.3 % na basura . 3. Institusyunal o Institutional Waste – Bumubuo sa 12.1% ng mga basura sa bansa na nanggagaling sa mga pampublikong opisina , mga ospital at maging sa mga paaralan gayundin sa mga nasa sektor ng agrikultura .

SULIRANIN SA SOLID WASTE 4. Industriyal o Industrial Waste - Ayon sa NSWM report 2018, 4.1% ay nagmumula sa pabrika tulad ng mga kahon , mga lalagyan ng mga kemikal at mga materyales na ginagamit sa kanilang operasyon .

Uri ng basura 1. Biodegradable ( nabubulok ) – Ang mga basura na nagmumula sa mga balat ng gulay at prutas , mga natitirang pagkain at mga basura mula sa ating kapaligiran tulad ng tuyong dahon at mga sanga ng punongkahoy 2. Recyclables – Ang mga basura na kabilang dito ay bumubuo sa 27.78% na bahagdan ng kabuuang basura ng bansa sa kabuuang lawak na 4.1 % hanggang 53.5 %. Kabilang sa pangkat na ito ay mga papel , dyaryo , mga bote , mga plastic, mga kahon na maaaring magamit muli o makagawa ng mga bagay mula sa mga ito .

Uri ng basura 3. Special Waste – Ito naman ang bumubuo sa mula sa 1.92 % - 9.2 % na bahagdan . Kabilang sa mga basurang ito ay mga gamit sa ospital tulad ng dextrose, syringes, mga bulak at hose, facemask, gloves, mga sirang gamit sa bahay tulad ng refrigerator, telebisyon , radio, washing machine at mga electric waste. 4. Residual Waste – Ito naman ay ang 17.98% ng mga basura na nagmumula sa mga pabrika , sektor ng agrikultura at sektor ng industriya .

Electronic Waste (E-Waste) Isang lumalaking suliranin sa solid waste ay ang ginagawang pagtatapon ng mga Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE) o Electronic Waste (EWaste) . Ayon sa ginawang pag-aaral ng Global Information Society noong 2010, humigit-kumulang na anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa mga landfill na siyang kinuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang mapakikinabangan nila sa mga ito tulad ng tanso.

Bukod sa suliranin sa e-waste ay malaki rin ang kinahaharap na suliranin ng bansa hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Bakit nga ba masasabi na mali ang paraan ng pagtatapon ng basura lalo na sa mga kabahayan?

Sa mga suliranin na kaakibat ng basura ay mga epekto na hindi alintana ng ilan sa ating mga kababayan. 1. Ang maling pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng malawakang pagbaha sa bansa na nagdadala ng sakit sa mga mamamayan . 2. Ang hindi paghihiwalay ng mga basura ay dagdag gawain sa mga garbage collector. 3. Ang pagsusunog sa mga basura ay nakadaragdag ng polusyon sa hangin . 4. Ang ulat na pinamagatang “The Garbage Book” ng Asian Development Bank (2004) na nagpapatunay na ang mga katas ng basura o leachate mula sa Rodriguez at Payatas Dumpsite ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao . Kung matatandaan , noong Hulyo 2000 ay naipasara ang Payatas Dumpsite sapagkat ito ay gumuho at pumatay sa maraming katao .

Bunsod ng mga suliranin na ito, ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act of 2000 na naglalayon na magkaroon ng ligal na batayan proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Isang resulta nito ay pagkakaroon ng Material Recovery Facility sa bawat barangay, mga tanggapan at mga paaralan kung saan isasagawa ang waste segregration bago dalhin sa mga dumpsite. Tinuturuan din ang mga mamamayan na magresiklo, gumawa ng mga pataba buhat sa basura at iba pa batay sa memorandum of agreement .

Ang ilan sa itinuturing na Best Practices sa pamamahala sa basura ay:

Ang ilan sa itinuturing na Best Practices sa pamamahala sa basura ay:

Katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa basura ay mga Non-Government Organization tulad ng: Mother Earth Foundation – tumutulong sa pagtatayo ng mga MRF sa mga barangay. Clean and Green Foundation – pagpapatayo ng mga Orchidarium and Butterfly Pavillon , Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig at Trees for Life Philippines. Bantay Kalikasan – paggamit ng mass media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran . Nanguna sa reforestation ng La Mesa Wastershed at Pasig River Rehabilitation Project. Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan .

Pagninilayan ng mga mag-aaral ang papel nila sa paglala ng suliranin sa solidwaste Itatala nila sa chart ang mga nakagawian nilang gawin na nakakadagdag sa suliranin sa solid waste Mag iisip ng solusyon na maaari nilang gawin upang mabawasan ang suliranin sa solid waste

Gawain 5: i- Share MO Magpahayag ng saluobin gamit ang Facebook o Twitter

Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa suliranin sa solid waste sa Pilipinas Suliranin Sanhi Bunga Mga Solusyong Ginagawa        

Salamat sa pakikinig !!