My GMRC PowerPoint presentation covers essential lessons in good manners and right conduct, focusing on respect, honesty, and responsibility. It uses real-life scenarios and engaging visuals to teach Grade 4 students how to be considerate, ethical, and productive members of society, fostering a posi...
My GMRC PowerPoint presentation covers essential lessons in good manners and right conduct, focusing on respect, honesty, and responsibility. It uses real-life scenarios and engaging visuals to teach Grade 4 students how to be considerate, ethical, and productive members of society, fostering a positive classroom and community.
Size: 5.54 MB
Language: none
Added: Sep 12, 2025
Slides: 79 pages
Slide Content
ARALING PANLIPUNAN 4 Pilipinas : Tropikal na Bansa QUARTER 1 WEEK 1 DAY 1
Panimulang Gawain : Ano ang pangalan ng ating bansa ? Alam ba ninyo kung saan galing ang pangalan ng ating bansa ? Sino ang nagbigay ng pangalan nito ?
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ipanood ang awiting “ Piliin mo ang Pilipinas” https://www.youtube.com/watch?v=0zhfnisCwSM
Ano ang nais ipahatid ng awit na ito ? Maganda ba ang ating bansa ? Bakit? Ano- ano ang mga taglay na kayamanan ng ating bansa ?
Sa araw na ito , tatalakayin natin ang Pilipinas bilang isang tropikal na bansa . Kayo ay inaasahang makikisali sa lahat ng mga gawain dito .
Ang Pilipinas ay may klimang tropikal dahil nasa pagitan ito ng ekwador at ng Tropiko ng Kanser . Ang puwesto o kinalalagyan ng Pilipinas sa daigdig ay tuwirang natatamaan ng araw kaya dahil sa diretsong na sisikatan ng araw ay laging nakararanas ng mainit na panahon .
Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa Pilipinas . Itungo ang talakayan sa kahulugan ng salitang tropikal . Ang bansang tropikal ay ang heograpikong rehiyon sa lupa na nakasentro sa ekwador .
Ang klimang tropikal ay inilalarawan bilang isang klimang mainit dahil diretsong nasisikatan ng araw . Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal . Ito ay nasa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser .
Magsulat ng mga salitang naglalarawan sa Pilipinas .
. Ipaulat ito sa klase. Maaring gawin itong paligsahan. Ang may pinakamaraming sagot ang mananalo.
Bakit kaya mainit ang klima ng mga bansang nasa tropikal tulad Pilipinas ? Ano ang kaugnayan ng kinalalagyan ng Pilipinas sa kanyang klimang tropikal ? Ano - ano ang mga salitang may kaugnayan sa salitang tropiko o tropikal ?
Paglalapat at Paglalahat May kinalaman ba ang kinalalagyan ng isang bansa sa klima nito ? Ano ang klimang tropikal o tropiko ?
Pagtataya Basahin ang bawat pahayag . Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi wasto . ______1. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal . ______2. Malamig ang klima sa Pilipinas . ______3. Ang puwesto ng Pilipinas ay tuwirang natatamaan ng araw .
______4. Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser . ______5. Lagi tayong nakakaranas ng mainit na panahon sa Pilipinas .
ARALING PANLIPUNAN 4 Pagtukoy ng Kinalalagyan ng Pilipinas Gamit ang Globo at Mapa QUARTER 1 WEEK 1 DAY 2
Panimulang Gawain : Pagpapakita ng halimbawa ng mapa at globo.
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ilarawan / Ibigay kung ano-ano ang mga makikita natin sa mapa at globo . - bansa - guhit Ekwador dagat Ano ang anyo at hugis ng mapa ng daigdig ?
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ano ang hugis ng globo ? Ano ano ang makikita sa mapa at globo ?
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig . Binubuo ng mga lupain at anyong-tubig ang ating daigdig . Ang mga malalaking lupain ay tinatawag na mga kontinente at ang malalaking anyong tubig ay tinatawag na karagatan . Makikita mo ang mga ito sa globo at mapang pandaigdig .
Ang globo ay isang bilog na representasyon o modelo ng daigdig . Makikita ritoo ang mga lupain at anyong tubig na bumubuo sa daigdig . Ang mapa ng daigdig ay patag na representasyon ngunit ipinapakita rin nito ang malalaking lupain at anyong tubig .
Ang daigdig ay binubuo ng pitong kontinente . Ang mga ito ay ang Hilagang Amerika, Timog Amerika, Aprika , Europa. Asya , Australia at Antarctica. Kapag tiningnan natin ang mapa ng daigdig at globo ang Pilipinas ay makikita natin sa Asya . Nasa Timog Silangang Asya ang Pilipinas .
Panimulang Gawain : Pagpapakita ng halimbawa ng mapa at globo.
Pangkatang Gawain : Gamit ang mga dalang mapa at globo ng mga mag- aaral hayaang matukoy nila ang kinalalagyan ng Pilipinas .
Ano ang mapa ? Ano ang globo ? Ano ano ang bumubuo ng daigdig ? Saang kontinente makikita ang Pilipinas ?
Ilang kontinente ang bumbuo sa daigdig ? Ano ang tawag sa bilog na modelo ng mundo ? Ano ang tawag sa patag na presentasyon ng mundo ?
Pagtataya Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel . ________ 1. Ang bilog na modelo o representasyon ng mundo ay tinatawag na ____________. a. globo c. mapa b. diyaryo d. bola
Pagtataya _______ 2. Ano ang tawag sa patag na representasyon ng mundo ? a. banig c. globo b. mapa d. dyaryo _______ 3. Ang daigdig ay binubuo ng ______ kontinente . a. 5 c. 6 b. 7 d. 8
Pagtataya _______4. Saang kontinente makikita ang Pilipinas ? a. Asya c. Australia b. Aprika d. Europa
Pagtataya ______5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ____________. a. Silangang Asya b. Timog-Silangang Asya c. Hilagang Asya d. Kanlurang Asya
Mga Guhit sa Globo Ang mga guhit sa globo ay tumutukoy sa mga imahinasyong linya na ginagamit upang matukoy ang lokasyon ng mga lugar . Ang mga pangunahing guhit na ito ay kinabibilangan ng:
1. Ekwador : Isang guhit na pahalang na naghahati sa mundo sa hilaga at timog . Ito ay nasa 0° latitud .
2. Prime Meridian: Isang guhit na patayo na naghahati sa mundo sa silangan at kanluran . Ito ay nasa 0° longhitud at dumadaan sa Greenwich, England.
3. Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn: Ang mga guhit na ito ay tumutukoy sa mga latitud na 23.5° hilaga at 23.5° timog , kung saan ang araw ay direktang tumatama sa mga ito sa panahon ng solstice .
4. International Date Line: Isang guhit na matatagpuan sa 180° longhitud , na nagsisilbing hangganan para sa pagbabago ng araw .
ARALING PANLIPUNAN 4 Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas QUARTER 1 WEEK 1 DAY 3
Panimulang Gawain : Gawain: Jumbled Word Buuin ang mga titik upang makabuo ng mga salita : 1. U-T-D-H-I-G-N-O-L 2. D-U-L-T-A-T-I
Panimulang Gawain : 1.LONGHITUD 2. LATITUD
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ipatukoy ang mga guhit Latitud at Longhitud . Ano ang gamit ng mga guhit na ito ? Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa globo ?
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Ating tatalakayin sa araw na ito ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa pamamagitan ng mga guhit latitud at longhitud .
Guhit Latitude (pahalang na guhit) Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Guhit Latitude ( pahalang na guhit ) – Ito ay mga guhit na paikot mula silangan hanggang kanluran . – Ginagamit ito para malaman kung gaano kalayo ang isang lugar mula sa ekwador ( gitnang bahagi ng mundo ). – Halimbawa: Hilaga o Timog ng mundo.
Guhit Latitude (pahalang na guhit) Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin Guhit Longhitud ( patayong guhit ) – Ito ay mga guhit na mula hilaga hanggang timog . – Ginagamit ito para malaman kung gaano kalayo ang isang lugar mula sa prime meridian ( gitnang patayong guhit ). – Halimbawa : Silangan o Kanluran ng mundo .
Lokasyon Batay sa Direksiyon ( Latitud at Longhitud ) Heograpo Ang heograpo ay ang tawag sa taong may malawak na kaalaman tungkol sa kapaligirang pisikal ng ating daigdig — tulad ng mga bundok , anyong tubig , klima , at mga likas na yaman .
Ano ang ginagawa ng isang heograpo ? – Nag- aaral ng mga lugar at lokasyon . – Tinutukoy kung paano nakakaapekto ang kapaligiran sa tao , at kung paano rin naaapektuhan ng tao ang kalikasan – Gumagamit ng mga mapa at datos para sa pag-aaral ng mundo
Ayon sa kanilang pag-aaral , ang Pilipinas ay matatagpuan sa eksaktong lokasyon sa pagitan ng 116 ° hanggang 126 ° Silangan at 4 ° hanggang 21 ° Hilaga .
LATITUD LONGHITUD Prime Meridian Ekwador
Dalawang uri ng likhang-isip na guhit ang ginawa sa globo-mga guhit na pataas-pababa at mga guhit na pahalang . Ang mga guhit na pahalang ay nagsisimula sa pinakagitna ng globo na tinatawag na ekwador o equator. Ang mga guhit na ito ay parallels of latitude o
mga guhit latitude. Tinatawag namang meridians of longitude o mga guhit longhitud ang mga guhit na pataas-pababa .
Gawain: Iguhit ang mga linyang latitud at longhitud sa loob ng bilog . Lagyan ng pangalan ng bawat guhit .
Paano natin malalaman ang tiyak na lokasyon ang Pilipinas ? Bakit natin kinakailangan matukoy ang tiyak na lokasyon ng isang bansa sa globo ?
Ano ang tiyak na lokasyon ng bansa? Bakit mahalagang malaman ang tiyak na lokasyon ng bansa? Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas gamit ang latitude at longhitud ?
1. Ano ang tawag sa bilog na instrumento na ginagamit upang makita ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa mundo? 2. Saan matatagpuan ang Pilipinas sa mapa ng mundo? 3. Ano ang tawag sa mga linya sa globo na nagtuturo ng direksyon mula hilaga patungong timog? Kilalanin ang mga smusunod isulat ang sagot sa inyong papel .
4. Ito ay isang patag o lapat na larawan na kumakatawan sa mundo.
Pagtataya Lagyan ng ang bilang kung tama ang pangungusap at kung hindi . _______ 1. Heograpo ang mga taong may malawak na kaalaman ukol sa kapaligirang pisikal ng ating daigdig . _______ 2. May tatlong uri ng likhang isip na guhit sa globo .
_______ 3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa eksaktong lokasyon sa pagitan ng 116 ° hanggang 126 ° Silangan at 4 ° hanggang 21 ° Hilaga . _______ 4. Ang mga guhit na pahalang ay nagsisimula sa pinakagitna ng globo na tinatawag na ekwador o equator.
_______ 5. Longhitud ang tawag sa likhang guhit na pataas pababa sa globo .
ARALING PANLIPUNAN 4 Relatibong Lokasyon ng Bansa QUARTER 1 WEEK 1 DAY 4
Panimulang Gawain : Word Search Puzzle. Bilang Pilipino, mahalagang matukoy mo ang lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo . Magagamit mo sa pagtukoy ang mga pangunahin at pangalawang direksyon hanapin ang mga ito .
Panimulang Gawain : Pagpapakita ng halimbawa ng mapa at globo.
Magpakita ng mapa ng Asya.
Ano- ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa mga pangunahing direksyon ? Sa mga pangalawang direksyon ? Ano anong katubigan ang makikita ayon sa pangunahing direksiyon ? Sa mga pangalawang direksiyon ?
Ang relatibong lokasyon ay tumutukoy sa posisyon ng isang lugar o entity batay sa lokasyon nito . Ang relatibong lokasyon ay maaaring gamitin upang magbigay ng heograpikong konteksto . Ang Relatibong Lokasyon ay matutukoy
sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid dito .
Pangkatang Gawain : Bigyan ng mapa ng Asya ang bawat pangkat . Pag- aralan ang mapa . Ano- ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas . ayon sa mga pangunahing direksyon ? Sa mga pangalawang direksyon ? Isulat sa graphic organizer ang mga sagot .
Bilang isang mag- aaral paano mo maipagmamalaki ang Pilipinas sa mga bansang napapabilang sa rehiyong Timog - Silangang Asya ? Ano anong bansa ang mga nakapalibot sa bansang Pilipinas gamit ang pangunahing direksiyon ?
Ano ano naman ang mga nakaplibot na bansa gamit ang pangalawang direksiyon ? Ano anong anyong tubig ang nakapalibot sa bansang Pilipinas gamit ang pangunahing direksiyon ? Pangalawang direksiyon ?
•Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador . Ikalawa sa pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Asya .
• Tinagurian ang Pilipinas bilang “ Pintuan ng Asya ”. Dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente ng Asya . Ito ang sentro at daanan mula America hanggang Asya . Sentro nito ang kalakalan , at aktibidad tungo sa pagunlad ng isang bansang estado .
•Ang mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas ay ang Pacific Ocean( silangan ) South China Sea ( hilaga at kanluran ) at Celebes Sea ( timog ).
Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali. ________1. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Asya . ________2. Matatagpuan sa dakong Silangan ng Pilipinas ang Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko .
________3. Nasa dakong timog ng Pilipinas ay ang Dagat Celebes at Dagat Sulu. ________4. Sinasabi na ang Pilipinas ay Pintuan ng Asya o Gateway to Asia. ________5. Ang mga teritoryo na hangganan ng Pilipinas ay nakasulat sa Artikulo 1 ng ating Saligang Batas.