AP 5 Q2 W6 DAY 4.pptxslgmepkh,jmelyj,w;kw;p

MariaViaQuinesDelfin 0 views 51 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 51
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51

About This Presentation

ltk;y,jhj


Slide Content

INIHANDA NI TEACHER EVA Pagpapahalaga sa Kultura at Paniniwala ng mga Muslim AP 5 Q2 W6 DAY 4

PANALANGIN Panginoon , alam kong may dahilan ang bawat pagsubok . Hindi Mo ako binabago , kundi pinatatatag at pinalalalim ang pananampalataya ko. Maghihintay ako sa tamang panahon para sa biyayang mula sa Iyo. Para sa lahat ng tahimik na lumalaban — patatagin Mo kami. Amen.

ATTENDANCE

Buod para sa Balik Aral

Ang Islam ay may malaking ambag sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao.

Ambag : Sultanato, Mosque, Batas Sharia, at kalakalan sa ibang bansa.

Kultura : Pagdarasal ng limang beses sa isang araw, pagdiriwang ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha, pagsusuot ng angkop na kasuotan, at pagpapanatili ng kapayapaan.

Layunin ng Aralin:

1.Maipaliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa kultura ng mga Muslim.

2.Makilala ang kanilang mga tradisyon at gawain.

3.Makapagpakita ng paggalang sa tamang kilos at salita.

Pagsusuri ng Larawan:

1.Ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? Gabay na Tanong:

2.Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? Gabay na Tanong:

3.Bakit mahalaga ang paggalang sa kanilang pista at tradisyon? Gabay na Tanong:

Pagpapahalaga sa Kultura at Paniniwala ng mga Muslim

Ang mga Muslim ay may mahalagang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mayroon silang sariling pamahalaan na tinatawag na Sultanato , mga batas na Sharia , at mga mosque bilang lugar ng pananampalataya.

Hanggang ngayon, makikita pa rin ang kanilang mga tradisyon tulad ng:

1. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.

2. Pagdiriwang ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha.

3. Pagsusuot ng angkop na kasuotan tulad ng hijab.

4. Pagpapanatili ng kapayapaan sa pamayanan.

Huwag pagtawanan o husgahan ang kanilang pananamit at tradisyon Pagpapakita ng Paggalang:

Bigyan sila ng oras at lugar para manalangin. Pagpapakita ng Paggalang:

Makibahagi sa kanilang pista kung imbitado. Pagpapakita ng Paggalang:

Ang paggalang sa paniniwala at kultura ng iba ay nagpapakita ng kabutihang asal at nagpapalakas ng pagkakaisa sa ating bansa.

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang tradisyon na dapat igalang at hindi dapat pagtawanan o maliitin.

Gawaing Paggalang

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Panuto:

Ipakita ang larawan tungkol sa kultura ng mga Muslim. Panuto:

Talakayin kung paano ipapakita ang paggalang. Panuto:

Ibahagi sa klase ang kanilang sagot. Panuto:

Bigyan ng tungkulin ayon sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Para sa mga may kapansanan:

Gumamit ng malinaw na larawan para sa lahat. Para sa mga may kapansanan:

Paggalang sa Kultura at Paniniwala ng Iba

Sa ating araw-araw na buhay, maaari nating ipakita ang paggalang sa mga Muslim at iba pang kultura sa pamamagitan ng:

Hindi pagtatawa o panghuhusga sa kanilang pananamit at tradisyon.

Pagbibigay ng oras at lugar para sa kanilang pagdarasal.

Pakikilahok sa kanilang mga pagdiriwang kung tayo ay imbitado.

Ano ang mga natutunan mo sa Aralin?

Basahin ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Panuto:

1.Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng mga Muslim? A.Barangay B.Sultanato C.Datu D.Kaharian

2.Ilan beses sa isang araw nagdarasal ang mga Muslim? A.Apat B.Tatlo C.Lima D.Anim

3.Alin sa mga sumusunod ang hindi pagpapakita ng paggalang sa kultura ng mga Muslim? A.Pagbibigay ng oras para sila ay manalangin B.Pagtawa sa kanilang pananamit C.Pakikibahagi sa kanilang pista kung imbitado D.Pagrespeto sa kanilang tradisyon

4.Ano ang tawag sa kasuotang isinusuot ng mga babaeng Muslim bilang pagpapakita ng respeto? A.Barong B.Saya C.Hijab D.Terno

5.Bakit mahalaga ang paggalang sa paniniwala at kultura ng iba? A.Upang magkaroon ng pagtatalo B.Upang magkaroon ng pagkakaisa C.Upang ipakita ang pagkakaiba D.Upang mapatawa ang iba

1.B 2.C 3.B 4.C 5.B Mga Sagot:

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng paggalang sa kultura at paniniwala ng mga Muslim . Takdang Aralin:

Gumamit ng larawan, kulay, at mga salita na nagpapakita ng respeto at pagkakaisa. Takdang Aralin:

MARAMING SALAMAT
Tags