AP 5 Quarter 4 w1-2-Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino.pptx
minervaalayon
2 views
59 slides
Sep 11, 2025
Slide 1 of 59
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
About This Presentation
nasyonalismong Pilipino
Size: 32.64 MB
Language: none
Added: Sep 11, 2025
Slides: 59 pages
Slide Content
AP 5 Yunit IV Wk 1-2 Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino. Week 1-2
Pamantayang dapat sundin sa loob ng klase Inaasahan ang pagpapakita ng paggalang sa guro at kamag-aral . Tumayo nang tuwid at bumati ng may buong paggalang . 1 Ipinagbabawal sa lahat ng mag- aaral ang pagdadala ng cellphone sa loob ng silid-aralan at sa oras ng klase . 2
Hinihikayat ang pagpapatupad ng kalinisan , katahimikan at kaayusan sa loob at labas ng silid-aralan . 3
I. Layunin Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pag- usbong ng kamalayang pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon. A. Pamantayan ng Nilalaman
I. Layunin Ang mag- aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pag - usbong ng kamalayang pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon . B. Pamantayan Sa Pagganap
I. Layunin C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino. Week 1-2
II. Nilalaman Ang Pandaigdigang Pangyayari Tungo sa Pag- usbong ng Pakikibaka para sa Bayan: a. paglipas ng merkantilismo , b. paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion ,” c. pagbubukas ng Suez Canal at Maynila sa pandaigdigang kalakalan d. pagsulpot ng panggitnang uri ng lipunang Filipino e. Sekularisasyon ng mga Pari sa Pilipinas
III. Kagamitang Panturo A. Sanggunian AP 5, Ikaapat na Markahan Modyul 1-2: Mga salik na Nagbigay-daan sa Pag- usbong ng Nasyonalismong Pilipino Ap 5 Hiyas ng Silangan, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan , Edna M. Abihay p. 174-184
III. Kagamitang Panturo TG, LM, laptop, TV o projector, PowerPoint Presentation 3. Iba pang kagamitang panturo
IV. Pamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Stock Knowledge Ito ay 12 letrang salita na tumutukoy sa katapatan at pag-ibig sa bayan at sa bansa . (NASYONALISMO)
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Stock Knowledge Sino- sino ang tatlong paring martir na nasangkot sa pag-aalsa sa arsenal sa Cavite? (GOMEZ BURGOS ZAMORA)
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin Stock Knowledge Sa palagay niyo , ano ang nangyari sa pagbubukas ng mga puwerto o (port) sa kalakalang pandaigdig ? ( maraming mangangalakal ang pumunta sa Pilipinas at nagtayo ng mga bahay-kalakal .)
Pagganyak B. Paghahabi sa Layunin Sagutin ang mga sumusunod na tanong :
Siya ang gumawa ng Suez Canal? (Ferdinand de Lesseps)
Ito ay isa sa tiyak na misyon o layunin ng mga bansang mananakop tulad ng Portugal at Spain. ( Mapalawak ang kanilang kapangyarihang pampolitika )
Ano ang layunin ng mga regular na paring Pransiskano , Heswita , Rekoleto , Agustino at Dominiko sa relihiyosong kongregasyon ? ( Layunin na mapalago ang Kristiyanismo )
4-5. Paano nagkaroon ng ideya at kamalayan ang mga Pilipino kung paano lumaban . (Dahil sa pagbubukas ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan , nagsidatingan ang mga dayuhan sa bansa at maging ang mga aklat at magasin ay nadala rin sa Pilipinas , dahil dito , nalaman ang mga Pilipino sa pagbabasa ng mga ito ang mga rebolusyong sa France at kung paano lumaban ang mga Amerikano upang maging Malaya.)
C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ano para sa iyo ang nasyonalismo ? Mahalaga ba ito sa pambansang kaunlaran ? Pag- aralan ang mga pangunahing konsepto tungkol sa nasyonalismo . Alamin Natin !
Ang nasyonalismo ay ang katapatan , pag-ibig at pagmamalasakit sa bayan, pagmamalaki sa bayan, pakikibahagi sa mga adhikain at simulain ng mga bayani at pinuno para sa bayan, pagnanasang matamo ang pagkakaisa at kaunlaran ng bansa . ANG NASYONALISMO
Nang Pumasok ang ika-19 dantaon ay unti-unting sumibol ang malayang kaisipan ng mga Pilipino bunga ng mga pandaig-digang pangyayari tulad ng: Pandaigdigang Pangyayari :
Paglipas ng merkantilismo , paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion ,” pagbubukas ng Suez Canal at Maynila sa pandaigdigang kalakalan pagsulpot ng panggitnang uri ng lipunang Filipino ang pagkakaroon ng kaisipang liberal sekularisasyon at pagbitay ng tatlong paring martir .
A. Paglipas ng merkantilismo Sa panahon ng paggalugad o eksplorasyon ng mga bansa sa Europe noong ikalabinlimang dantaon , ang isa sa tiyak na misyon o layunin ng mga bansang mananakop tulad ng Portugal at Spain ay: Mapalwak ang kanilang kapangyarihang pampolitika .
Umiral sa panahong iyon ang merkantilismo . Ito ang paniwalang ang yaman ng isang bansa ay masusukat sa dami ng naipon o imbak na pilak at ginto . • Pinairal ng mananakop ng mga Español ang merkantilismo sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga makukuhang pilak at ginto sa lupang kolonya o sakop . • Sa paglipas ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo ay nagkaroon ng tatak sa isipan ng mga katutubong Pilipino ang pag-aabusong gawa ng mga Español sa pagpapairal ng kapangyarihan sa mga sakop n lupain .
B. Pagbubukas ng Suez Canal Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal.
Kahalagahan ng pagbubukas ng kanal na ito : • higit na napadali ang pagaangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europa patungo sa ibang panig ng daigdig . • Napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila.
Kahalagahan ng pagbubukas ng kanal na ito : • Bunsod nito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ang sariling mga pananaw , kaisipan , at kultura , gayundin ang mga Pilipinong nakapaglakbay palabas ng bansa .
Kahalagahan ng pagbubukas ng kanal na ito : • Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat , pahayagan , at iba pang babasahing mula sa Europa at Amerika na naglalaman ng mga kaisipang liberal na may kaugnayan sa kalayaan , pagkakapantay-pantay , at pagkakapatiran . • Ang Suez Canal ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea na makikita sa bansang Egypt.
C. Pagbubukas ng Pandaigdigang Kalakalan sa Maynila Ipinahayag ng Hari ng Spain ang pagbubukas ng mga puwerto (port ng Maynila sa kalakalang pandaigdig noong 1834. Maraming mangangalakal ang pumunta sa Pilipinas at nagtayo ng mga bahay-kalakal .
C. Pagbubukas ng Pandaigdigang Kalakalan sa Maynila Mga mangangalakal na Dumating sa Pilipinas : 1. Unang dumating Mga Ingles mula sa England – 1809 2. Pangalawang dumating – mga Amerikano – 1842 3. Sumunod ang mga Pranses na dumating nang katapusan ng tanong 1842 mula sa France. Ang mga bahay-kalakal na itinayo ng mga bansang ito ay naging kakompetensiya ng mga Español .
Ipinadala ng Hari ng Spain si Don Sinibaldo de Mas upang iulat ang tagubilin ng hari ng pagbubukas ng iba pang puwerto sa ibang dako ng Pilipinas upang mapaunlad ang kalakalan nito .
Binuksan na mga puwerto : • Sual sa Pangasinan - 1855 • Ilo-ilo - 1855 • Zamboanga - 1855 • Cebu – 1860 • Legazpi 1873 • Tacloban – 1873. Sumigla ang kalakalan sa pagbubukas ng mga puwerto o daungan sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas .
D. Pag- usbong ng Panggitnang Uri sa Lipunan Bunga ng paglago ng agrikultura at ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay may ilang mangangalakal , magsasaka , at propesyonal na umunlad ang pamumuhay . Sila ang bumuo sa panggitnang uri ng lipunan sa Pilipinas .
D. Pag- usbong ng Panggitnang Uri sa Lipunan Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at mestisong Espanyol. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay nagkaroon ang mga nasa panggitnang uri ng kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europa, partikular sa Espanya . Doon nakamit ng mga “ naliwanagang ” kabataan , o mga ilustrados , ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas .
E. Sekularisasyon ang tatlong Paring Martir
E. Sekularisasyon ang tatlong Paring Martir Isa pang mahalagang pangyayari noong ika-19 na siglo na naging salik sa pag-usbong ng kamalayang Pilipino ang sekularisasyon . Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya
E. Sekularisasyon ang tatlong Paring Martir Mayroong dalawang uri ng pari noon ang paring regular at paring sekular . • Ang mga paring regular ay kinabibilangan ng mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng Agustinian , Franciscan, Recollect, Jesuit, at Dominican. • Ang mga paring sekular naman ay kinabibilangan ng mga paring Pilipino na hindi maaring mapabilang sa alinmang samahang relihiyoso .
E. Sekularisasyon ang tatlong Paring Martir Nagkaroon ng kontrobersiya nang ang mag paring heswita ay tinanggalan ng mga Parokya noong 1768. Upang mapunan ang mga bakante sa Parokya ay nag- ordina ng mga seminarista si Arsobispo Santa Justa Y Rufina upang maging secular na pari . Dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga bagong orden na pari ay maraming nagreklamo na mga taga Parokya.
Noong 1859 naglabas ng batas ang Espanya na palitan ang mga Pilipinong paring secular ng mga regular na paring Español . Ito ang naging mitsa ng kampanya para sa Karapatan ng mga Pilipinong pari .
Isahang Gawain: Ipaliwanag Sa iyong sariling pananaw , ano ang ibig sabihin ng Nasyonalismo ? D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatang Gawain: ( Gamitin ang Worksheet) Panuto : Itala sa tree diagram ang mga epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa kabuhayan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Español .
F. Paglinang sa Kabihasahan ( Tungo sa Formative Assessment) Pangkatang Gawain: Hatiin sa tatlo ang mag- aaral . Sagutin ang tanong at maghanda para sa pagbabahagi ang mga napag-usapan ng grupo sa klase . Tanong : Isa kang entrepreneur, anong mga kalakal ang iyong ibenta na makatutulong sa pang- araw - araw na pangangailangan ng pamilya sa inyong kumunidad ? Itala ang mga ito .
Paglalapat sa Pang- araw - araw na buhay Kamalayan at Kaalaman G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- araw na buhay
Upang maunawaan ang kasalukuyang mga pakikibaka sa Pilipinas , sundin ang mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng balita sa Pilipinas at internasyonal . Ito ay maaaring human rights, environmental issues, labor rights, at iba pa. Manatiling Alerto
Talakayin ang sitwasyon ng Pilipinas sa mga kaibigan , pamilya , at kasamahan . responsableng magbahagi ng impormasyon at kalagayan sa social media. Ipalaganap ang Kamalayan
Mag-donate sa mga organisasyon sa Pilipinas na gumagawa ng mga proyekto sa edukasyon at literacy. Suportahan ang mga Inisyatibong Pang- edukasyon
Makipag-ugnayan sa mga komunidad ng Pilipino sa inyon lugar . Suportahan ang mga negosyong Filipino at dumalo sa mga kaganapan sa kultura . Pakikiisa sa Lipunan
TANDAAN! H) Paglalahat ng Aralin
• Maraming dayuhan ang nakarating sa Pilipinas nang mabuksan ang Suez Canal noong Nobyembre 17, 1869. • Maraming pagsibol ng mga pagbabago sa kolonya – kaisipang La ilustracioon (1685-1815, Merkantilismo at malayang kalakalan
• Ang nasyonalismo ang tawag sa katapatan at pag-ibig sa bayan at sa bansa . • Maraming mangangalakal ang pumunta sa Pilipinas at nagtayo ng mga bahay-kalakal nang magbukas ang puweto ng Maynila at kalakalang pandaigdig noong 1834.
Pagtataya ( Gamitin ang worksheet)
Karagdagang Gawain Bumuno ng isang talata ng nagsasalaysay kung paano mo ipapahayag ang iyong malayang kaisipan sa pagtutol sa pagmamalabis ng mga Español sa mga Pilipino ayon sa iyong pangkat etniko . Isulat sa papel ang talata .