AP 6 Q1 W7 D5.pptx ARALING PANLIPUNAN GRADE 6

DiannePerez20 1 views 7 slides Sep 03, 2025
Slide 1
Slide 1 of 7
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7

About This Presentation

AP 6 Q1 W7 D5.pptx ARALING PANLIPUNAN GRADE 6


Slide Content

CANUMAY WEST ELEMENTARY SCHOOL AP 6 Dagohoy Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika

Hanapin kung sino – sino ang mga mahahalagang personalidad na may malaking ginampanan sa pagkakatatag ng kasarinlan ng Pilipinas . Bilugan ang mga ito gamit ang puzzle.

Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika Nang makabalik si Emilio Aguinaldo sa Maynila noong ika-19 ng Mayo 1898 ay agad siyang nagtatag ng pamahalaang diktatoryal at itinalaga ang sarili bilang pangulo nito . Layunin ng pamahalaang ito na pag-isahin ang pagkilos ng mga Pilipino sa buong bansa laban sa mga Espanyol. Upang pagtibayin ito , ipinahayag ni Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong ika-12 ng Hunyo , 1898 sa kanyang tahanan sa Kawit , Cavite. Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika

Dito unang iwinagayway ang Pambansang watawat ng Pilipinas . Dito rin pinatugtog ang ating pambansang awit , ang Marcha Nacional Filipina na isinulat ni Julian Felipe. Binasa ni Ambrocio Rianzares Bautista ang Acta de Independencia ( Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ), habang iwinawagayway ni Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na nilikha ni Marcela Agoncillo . Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika

Noong ika-23 ng Hunyo , 1898, binuwag ni Aguinaldo ang pamahalaang diktatoryal at ibinalik ang pamahalaang rebolusyonaryo ngunit siya ay nanatiling pangulo ng bagong pamahalaan . Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika

Ang himig pambansang awit na Lupang Hinirang na may orihinal na pamagat na “ Marcha Filipina- Magdalo ” at pinalitan sa “ Marcha Nacional Filipina” ay nilikha ni Julian Felipe noong 1898. At ang mga titik nito ay iniangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899. Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika
Tags