ap q2w1 lesson for the whole week o.pptx

WynoajLuca 13 views 19 slides Sep 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

lessons in aral pan


Slide Content

Ang Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano

Dalawang Uri ng Pamahalaan Sa Panahon ng Amerikano Ang Pamahalaang Militar Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang Pilipinas , pinairal kaagad nila ang isang pamahalaang militar . Inatasan ng pangulo ng Amerika si Heneral Henry Wesley Merritt na manungkulan sa Pilipinas bilang unang gobernador-militar . Binigyan si Merritt ng kapangyarihang tagahukom , tagapagbatas , at tagapagpaganap .Tinutulan ito ni Heneral Emilio Aguinaldo ngunit hindi siya pinakinggan . Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas , ngunit hindi rin naman ito kinilala ng Amerika kaya nagkaroon ng digmaan .

Nang masupil ng pamahalaang militar ang mga Pilipinong lumalaban para magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa bansa , ang kapangyarihan ng gobernador ay unti-unti ring inilipat sa iba . Ang kapangyarihang hudisyal ay inilipat sa hukuman noong 1899 , ang kapangyarihang lehislatibo ay inilipat sa Komisyong Pilipino noong 1900 at nang sumunod na taon , pinalitan ang pamahalaang militar ng pamahalaang sibil . Ang kapangyarihang ehekutibo ng gobernador-militar ay inilipat din sa gobernador-sibil .

B. Ang Pamahalaang Sibil Noong taong 1901 naitatag ng mga Amerikano ang pamahalaang sibil sa Pilipinas . Ito ay batay sa batas na tinatawag na Susog Spooner . Ito ay pinagtibay ng Kongreso ng Amerika. Ayon dito , ang Pangulo ng Amerika ay binibigyan ng kapangyarihang magtayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas . Pinasinayaan ang pamahalaang sibil sa Pilipinas noong Hulyo 4,1901 . Nahirang ang unang Amerikanong gobernador – sibil ng Pilipinas . Dahil hawak niya ang kapangyarihan bilang tagapangulo ng komisyon at gobernador-sibil , naging dalawa ang kapangyarihang hawak nito . Ito ay ang ehekutibo o tagapagpaganap at lehislatibo o tagapagbatas .

Mga Patakarang Ipinatupad Sa Panahon ng Amerikano Mga Patakarang Pasipikasyon Sedition Law ng 1901 or Act No.292 Nobyembre 4, 1901 , ipinalabas ang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa mga Pilipinong nangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ang mga rebeldeng Pilipinong ayaw sumuko at patuloy na nakidigma ay tinawag na mga bandido at tulisan ng mga Amerikano . Itinuring silang masasamang tao ng mga Amerikano bagamat para sa mga Pilipino, sila ay mga bayaning ipinaglalaban ang ating kalayaan . Ang mga rebeldeng Pilipino ay tinugis , hinuli , pinahirapan , at pinarusahan ng kamatayan o matagalang pagkabilanggo . Ang iba ay ipinatapon sa malalayong lugar .

Brigandage Act ng 1902 Nobyembre 12,1902 ipinalabas ang batas na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang makabayan . Ang mga samahan at kilusang makabayan ay nagmithing makaaklas laban sa mga Amerikano . Ang mga batas ay nagbigay ng parusang kamatayan o matagal na pagkabilanggo . Ito ay ipinatupad sa tulong ng Komisyon ng Pilipinas .

Reconcentration Act noong 1903 Sumapit na ang taong 1903 at hindi pa rin masawata ang mga gerilyang Pilipino na lumalaban sa mga lalawigan kaya’t nagkaroon ng proklamasyon ng Reconcentration Act o mas kilala na paraang “zona”. Ito ay ang puwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan upang maputol ang tulong na pagkain at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan . Sa panahon ng rekonsentrasyon , kinakailangang iwan ng mga Pilipino ang kanilang mga tahanan at pananim . Dahil dito , kapwa naghirap ang mga lumalaban sa mga Amerikano at iyong mga namumuhay nang tahimik . Nagdala ito ng epidemya at gutom sa maraming Pilipino partikular na sa Batangas kung saan umabot sa 50,000 tao ang namatay dahil sa epekto ng batas .

Flag Law ng 1907 Ang Batas sa Bandila ay pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas noong Agosto 23, 1907 . Ito ay nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila , banderitas , sagisag , o anumang ginamit ng mga kilusan laban sa Estados Unidos lalung-lalo na ang sagisag ng Katipunan . Ayon sa Batas Bandila , hindi pinahihintulutan ang pagwagayway ng bandilang Pilipino at ang mga simbolo at kulay na may kaugnayan sa Unang Republika . Pinawalang bisa lamang ito makalipas ang labindalawang taon .

B. Mga Patakarang Kooptasyon Pagbabago ng Sistema ng Edukasyon Nang masiguro ng mga Amerikano na nasakop na nila ang Pilipinas , isa sa agad nilang itinatag ay ang sistema ng edukasyon . Itinatag ng Komisyong Pilipino noong 1901 ang Kagawaran ng Paturuang Pambayan (Department of Public Instruction). Ang mga paaralan ay binuksan sa iba’t ibang dako ng bansa . Sa mga lugar na walang silid-aralan o gusali , umuupa ang pamahalaan ng mga bahay at gusali upang gawing paaralan .

Pagbubukas ng mga Paaralang Publiko Libre ang pagpasok sa pampublikong paaralan kaya’t marami ang nakapag-aral . Ipinagbawal ang pagtuturo ng relihiyon . Ilan sa mga binigyang-diin sa pagtuturo ay ang mga kaalamang pangmamamayan at demokratikong pamumuhay at hindi relihiyon na gaya noong panahon ng mga Espanyol. Noong una, ang mga sundalong Amerikano ang naging guro ng mga Pilipino. Noong 1901, may 600 guro ang ipinadalang Amerika. Sila ay sakay ng barkong SS Thomas kaya Thomasites ang tinawag sa kanila . Ingles ang ginamit na wikang panturo .

Ang mga aklat na ginamit ay ang mga isinulat at nilimbag sa Amerika. Upang matuto agad ang mga Pilipino, pinagturo ng pamahalaan ang ilang Pilipino na nakahihigit ang kaalaman . Itinuro ng mga Amerikano sa mga bata kung paano maging mabuting mamamayan at ang kanilang mga karapatan at tungkulin sa pamahalaan . Binigyang-diin sa sistema ng edukasyon ng mga Amerikano ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano . Higit na nalaman ng mga Pilipino ang talambuhay ng mga bayaning Amerikano kaysa sa kabayanihan ng kapwa Pilipino tulad nina Rizal, Bonifacio, o Mabini. Nalinang nang higit ang pagmamahal sa produktong yari sa Amerika. Dahil dito , nagkaroon ng kaisipang kolonyal ang mga Pilipino.

Pagtatatag ng mga Kolehiyo at Unibersidad Itinatag ang Paaralang Normal ng Pilipinas noong 1901 upang higit pang mapalaganap ang edukasyon sa bansa . May ilang paaralang normal din ang itinayo sa mga probinsya . Layunin ng mga paaralang ito ang mabigyan ng edukasyon at kasanayan ang mga guro sa bansa . Nagtatag din ng mga unibersidad upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng bansa . Sinubaybayan ng komisyoner ng edukasyon ang mga ito . Dito nagkaroon ng pagkakataong makapag-aralang mga Pilipino ng medisina , abogasya , inhenyeriya , agrikultura at komersiyo upang makatulong sa kaunlaran ng bansa . Noong 1903, nagsimulang magpadala ng mga pensyonado o mga mamamayang pinag-aral ng libre sa Amerika. Ang mga taong ito ang naging pinuno ng iba’t ibang sangay sa pamahalaan .

Kalinisan at Kalusugan Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan (Board of Public Health) noong 1901. Nagtayo ng mga ospital at klinikang pampubliko sa ating bansa at nagkaroon ng makabagong kagamitan at mga gamot . Isa sa mga ospital na pampubliko na naipatayo noon ay ang Philippine General Hospital. Malaki ang naging pagbabago sa kalusugan at pag-uugaling pangkalusugan ng mga Pilipino.Natuto sila ng wastong pag-uugali sa kalinisan ng sarili at sa pagkain.Nasugpo ng mga makabagong gamot ang pagkalat ng nakahahawang sakit .

Pag- unlad ng Transportasyon at Komunikasyon Nagpagawa ng mga daan at tulay ang pamahalaan dahil kailangan ang mabuting paraan ng transportasyon at komunikasyon para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating bansa . Nagkaroon ng awtomobil , trak , bus, tren , at eroplano . Nagsimula ang pangkomersiyong paglalakbay sa himpapawid ng Pilipinas noong 1930. Ang biyahe nito ay mula sa Maynila patungong Baguio at Paracale . Ipinakilala nila ang mabagong kasangkapan sa komunikasyon , tulad ng telepono , radio, radiophone, at telegraph. Naging maunlad din ang serbisyo ng koreo ng Pilipinas . Nagtatag ang mga Amerikano ng tanggapang pangkoreo sa bawat munisipalidad . Pinangasiwaan nito ang lahat ng uri ng mga ipinadadala sa koreo , tulad ng mga sulat , telegram at salapi o money order. Naging maunlad ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lugar sa bansa .

Gumuhit o gumupit ng isang halimbawa ng naiambag ng mga Amerikano sa pagbabago ng kultura ng mga Pilipino.