AP7 MATATAG Q2 Week 3-1 Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas, Tugon ng mga Pilipino sa Kaasyusang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas.pptx

rossanthonytan130 54 views 62 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 62
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62

About This Presentation

mm


Slide Content

ATING BALIKAN Ang Pilipinas ay nakaranas ng pinakamalaking epekto ng kolonyalismo dahil sa haba ng pananatili ng Espanya rito mula nang ito ay marating ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong 1521. ARAL NG NAKARAAN,

Tama o Mali Si Ferdinand Magellan ay isang Espanyol. 1 2 3 4 5 Walang nakabalik sa mga dalang barko ni Magellan. Limang barko ang nagdala sa pangkat ni Magellan sa paglalayag. Maraming ekspedisyon pa ang sumunod patungong silangan pagkatapos ng ekspedisyon ni Magellan. Naging madali para kay Magellan na hikayatin ang lahat ng mga pinunong pinuntahan na kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya . Mali Tama Mali Tama Mali

Bagamat hindi nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu, hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang bansa. https://www.britannica.com/biography/Ferdinand-Magellan/Circumnavigation-of-the-globe

Isinulong ni Philip II ang ekspedisyong Legazpi upang sakupin o gawing kolonya ang Pilipinas . https://tl.wikipedia.org/wiki/Felipe_II_ng_Espanya

Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit ng dahas . https://en.wikipedia.org/wiki/Miguel_L%C3%B3pez_de_Legazpi

Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu noong Abril 27, 1565. Mula rito ay sinakop din ang iba pang https://sinaunangpanahon.com/discovering-legazpis-expedition-to-the-philippines-1565/ lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya .

Ano- ano ang mga PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS?

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT WORD HUNT

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 1 Ito ang ginamit na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas . Ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng GOBERNADOR sa kolonya bilang puno ng administrasyong kolonyal . REPRESENTATIVE COLONIAL

Ang GOBERNADOR ang siyang nangangasiwa sa pagtatalaga ng batas, pagbubuwis , at nagdedesisyon sa mga bagay na nakaaapekto sa kolonya . https://www.facebook.com/photo/?fbid=10159243733535168&set=a.84382255167 Representative Colonial

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 2 Ito ang proseso kung saan ang isang pangkat ng tao ay nag- aangkop o nagiging bahagi ng ibang kultura . ASIMILASYON

Asimilasyon Ang Pilipinas ay TUWIRANG PINAMAHALAAN ng mga Espanyol simula noong 1565. Gabay ng patakarang ASIMILASYON, ipinangaral ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon , sining , eskultura , pagpipinta , musika , at pati na pang- araw - araw na gawi at pamumuhay . Sa ganitong paraan , nakuhang mapangibabaw ng mga Espanyol ang kanilang lahi sa bansa. Ang mga Espanyol din ang umokupa sa matataas at mahahalagang posisyon sa simbahan at pamahalaan.

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 3 Itinalaga ng Hari ng Espanya bilang kaniyang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador-Heneral . SENTRALISADONG PAMAMAHALA

Sentralisadong Pamamahala Dahil sa malayo ang Espanya , ang Pilipinas ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng VICEROY o gobernador ng Mexico na noon ay kolonya rin ng Espanya . Ang VICEROY ay nanungkulan sa ngalan ng hari ng Espanya . Nang makamit naman ng Mexico ang kasarinlan noong 1821, inorganisa ng mga Espanyol ang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng GOBERNADOR-HENERAL na siya ring namuno sa ROYAL AUDIENCIA na siyang k orte ng Espanya pati ng imperyo nito .

Pinailalim ang Pilipinas sa dalawang uri ng pamamahala : ang ALCALDIA na pinamunuan ng ALCALDE MAYOR at ang CORREGIMIENTO na pinamunuan ng CORREGIDOR. Sentralisadong Pamamahala Ang ALCALDIA ay para sa mga lugar na mapayapa na, habang ang CORREGIMIENTO ay sa mga lugar na kailangan pang patahimikin .

Upang mas mapadali ang pagsulong ng mga patakaran at mga batas ng Espanya , ibinukas nila sa mga TRADISYONAL NA PINUNO ang posisyon ng GOBERNADORCILLO at CABEZA DE BARANGAY. Binigyan sila ng mga PRIBILEHIYO AT KARAPATAN na sa kalaunan ay lumikha ng dibisyon sa pagitan ng mga tradisyonal na pinuno ng mga Pilipino at ng mga ordinaryong Pilipino. Sentralisadong Pamamahala

Nawalan ang mga ordinaryong Pilipino ng mga namumuno na MANGANGALAGA ng kanilang kapakanan at MAGBUBUKLOD sa kanila upang maitaguyod ang kanilang mga mithiin at karapatan . Ito ay isang mahalagang dahilan kung bakit NAGTAGAL ang paghahari ng mga Espanyol sa Pilipinas ng higit sa tatlong daang taon . Sentralisadong Pamamahala

Sentralisadong Pamamahala Ngunit kahit nabigyan ng pagkakataon ng mga Espanyol ang mga tradisyonal na pinuno na makilahok sa pamahalaang kolonyal , hindi sila binigyan ng pagkakataon na UMANGAT sa mababa nilang puwesto . Bagama't naglilingkod ang mga ito para sa mga Espanyol, HINDI SILA TUNAY NA TINANGGAP ng mga Espanyol bilang kanilang kapantay .

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 4 Ito ang sapilitang paglipat ng maliliit at magkakahiwalay na tirahan sa isang higit na malaking bayan. REDUCCION

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 5 Kinakatawan nito ang isang pamayanan at karaniwang nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng isang pamayanan kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pilipino sa pang- araw - araw na interaksiyon o espesyal na pagdiriwang . PLAZA COMPLEX

Sinimulan din ng mga Espanyol ang sistemang REDUCCION at PLAZA COMPLEX kung saan ang mga katutubong naninirahan sa maliliit at magkakahiwalay na pamayanan ay sapilitang inilipat sa mga tirahang malapit sa simbahan , na naging mga bayan o población. Ito ay kanilang ginawa upang mapadali ang pamamahala sa mga katutubong pinagsama-sama sa pagbuo ng isang población kung saan dinig ang tunog ng kampana ng simbahan . Reduccion at Plaza Complex

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 6 Isang sistemang piyudal kung saan ang isang bahagi ng lupain kasama ang mga naninirahan at yamang likas nito ay ipinagkaloob sa mga Espanyol bilang gantimpala sa kanilang mga serbisyo sa hari . ENCOMIENDA

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 7 Sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang mga katutubo . TRIBUTO

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 8 Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60 loob ng 40 araw sa mga proyektong pampamayanan . POLO Y SERVICIO

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 9 Kabayaran sa mga Espanyol kapalit ng hindi pagtatrabaho ng mga Pilipino. FALLA

PAMAMARAAN AT PATAKARANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS WORD HUNT 10 Itinatag ni Jose Basco y Vargas. Sa ilalim nito , aakuin at kokontrolin ng pamahalaan ang pagtatanim , pagbebenta , at pangangalakal ng tabako sa mga piling bahagi ng Pilipinas . MONOPOLYO

Ito ay tumutukoy sa sapilitang paglipat ng maliliit at magkahiwalay na tirahan sa isang higit na malaking bayan. Pinakamataas na pinuno sa Pilipinas na itinalaga ng hari ng Espanya. Ito ay tumutukoy sa prosesong pagpapatanggap ng kulturang Espanyol sa mga Pilipino. Sa patakarang ito ay sapilitang pinagbabayad ng buwis ang mga katutubo . Paraan ng mga Espanyol sa pananakop sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan na iinom ng alak ang lokal na pinuno at pinunong Espanyol na hinaluaan ng kani-kanilang dugo . PILI-LETRA Asimilasyon Gobernador-Heneral Plaza Complex Polo y Servicio Reduccion Sanduguan Tributo E. B. A. G. F.

EPEKTO NG MGA PAMAMARAAN NG ESPANYOL Magtala ng mabuti at di mabuting epekto ng mga patakaraang ipinatupad ng mga Espanyol sa pamumuhay ng mga katutubong populasyong Pilipino. MABUTING EPEKTO ___________________ ___________________ ___________________ DI-MABUTING EPEKTO ___________________ ___________________ ___________________

Hindi nagtagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa buong kapuluan . Ang timog na bahagi ng kapuluan ay nanatiling malaya sa kontrol ng mga Espanyol. Nanatili silang mga Muslim at nagpatuloy na ipinaglaban ang kanilang natatanging kultura at relihiyon .

Gayundin ang mga pangkat-etnikong naninirahan sa mga bulubundukin ng hilagang Luzon. Ang mga Ifugao at mga Kankanáëy ay nanatiling malaya mula sa panghihimasok ng mga Espanyol. Malaking hadlang para sa mga Espanyol ang mahirap marating na mga pamayanan dito.

TUGON NG MGA PILIPINO SA KAAYUSANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS

Pili- Letra : Anong gusali ang naging sentro ng pueblo na siyang nagsilbing himpilan ng Kristiyanisasyon sa tiyak na pook? simbahan palengke bahay ng mga Kastila paaralan Piliin ang letra ng tamang sagot. 1

Pili- Letra : Alin sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas noon ang makikita pa rin ang pagkakahawig ng konsepto sa sistemang pang-ekonomiya natin ngayon? Encomienda Polo y Servicio Reduccion Tributo Piliin ang letra ng tamang sagot. 2

Pili- Letra : Alin sa sumusunod na mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang maituturing na MABUTI? Naging laganap ang racial discrimination. Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling bansa. Umusbong at tumindi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino. Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino. Piliin ang letra ng tamang sagot. 3

Pili- Letra : Ano ang naging bunga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ng ipinatupad na mga patakaran ng mga Espanyol? Gumaan ang buhay ng mga Pilipino. Naging mahirap para sa mga katutubo ang mabuhay. Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino. Walang nagbago sa paraan ng kanilang pamumuhay. Piliin ang letra ng tamang sagot. 4

Pili- Letra : Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan? upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino upang dumami ang kanilang masisingil na tributo o buwis Piliin ang letra ng tamang sagot. 5

Dahil sa labis na paniniil ng mga Espanyol, pag-angkin sa mga lupain ng mga katutubo, at sapilitang pagpapaangkop sa relihiyong Katolisismo, ang mga Pilipino ay nag-alsa laban sa mga dayuhan. Ang mga pag-aalsang ito ay ibinunsod ng paghahangad na makalaya upang mapamahalaan ang sarili gayundin ng mithiing mapanatili ang nakagisnang kultura at gawi ng pamumuhay.

ILAN SA DAANG PAG-AALSANG ISINAGAWA NG MGA PILIPINO BILANG PATUNAY NG PAGMAMAHAL SA KALAYAAN AT KAKAYAHANG TUMALIMA SA HINDI MAKATARUNGANG PAGTRATO NG MGA DAYUHANG ESPANYOL: Pag- aalsa laban sa Polo y Servicio Pag- aalsa laban sa Tributo Pag- aalsa Kaugnay ng Relihiyon Pag- aalsa laban sa Pag- aangkin ng mga Espanyol ng lupain ng mga katutubong Pilipino

https://www.facebook.com/photo/?fbid=812236931092629&set=a.406467658336227 Dagami Pag- aalsa na pinamunuan ni (1565) na naganap sa Leyte. Ito ang nagpasimula ng unang pagpapamalas ng hindi pagsang-ayon ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.

Kapampangan Pag- aalsa ng mga (1585) na pinamunuan ni Don Nicolas Panganiban. Ito ay naganap bunsod ng nadamang pang- aabuso ng mga enkomenderong Espanyol.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=169473211472903&id=102586154828276&set=a.102801431473415 Agustin Sumuroy Pag- aalsa na pinamunuan ni (1649-1650) Ito ay naganap sa Palapag , hilagang Samar na ibinunsod din ng hindi makatarungang pagpapatupad ng sistemang polo y servicio , kung saan ang mga katutubo ay ipinadadala pa sa malalayong lugar tulad ng mga pagawaan ng barko sa Cavite at iba pang lugar .

Tributo Pag- aalsa Laban sa (1589) na naganap sa mga kasalukuyang lalawigan ng Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Ang mga katutubo ng rehiyon na binubuo ng mga Ilokano, Ibanag , at iba pa ay nag- alsa bunsod ng pang- aabuso sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis . https://easy-peasy.ai/ai-image-generator/images/taxation-systems-filipino-history

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1655991681315389&id=1646483675599523&set=a.1646500778931146&locale=ta_IN Palaris Pag- aalsa ni (1762-1765) na pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris na kilala rin bilang Pantaleon Perez ng Binalotongan , Pangasinan. Ito ay naganap bilang protesta sa pagpataw ng tributo sa mga katutubo .

Agraryong Pag- aalsa (1745-1746) na naganap sa kasalukuyang CALABARZON ( partikular sa Batangas, Laguna, at Cavite) at Bulacan kung saan inangkin ng mga Espanyol ang mga minanang lupain ng mga katutubo na nagsimula sa Lian at Nasugbu , Batangas.

Pedro Ladia Pag- aalsa na pinamunuan ni (1643), isang Moro mula Borneo na itinuring ang sarili bilang isa sa angkan ni Lakandula . Si Pedro Ladia ay nanirahan sa Malolos noong 1643 at ikinagalit ang pang- aangkin ng mga Espanyol sa kaniyang lupain sa Malolos. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/855/a-short-account-on-the-rebellion-of-don-pedro-ladia-of-malolos-bulacan-in-1643

Tamblot Pag- aaklas ni isang babaylan, sa Bohol. Ito ay kaagad ding ipinagbawal ng mga Espanyol. https://philippineculturaleducation.com.ph/tamblot/ Ang Babaylan ay indibidwal na may kakayahang mamagitan sa daigdig ng mga espiritu na may sariling gabay at kakayahang makapanggamot , manghula at makabatid ng hinaharap o pangyayari

https://www.studocu.com/ph/document/de-la-salle-university-dasmarinas/mga-babasahin-hinggil-sa-kasaysayan-ng-pilipinas/taccad-bsa35-pag-aalsa/37155326 Bancao Pag- aalsa ni (1621-1622), isang datu mula sa Carigara , Leyte. Ito ay pag- aalsa laban sa pagpupumilit ng mga Espanyol na mapabago ang pananalig ng mga mamamayan sa kanilang lugar .

Itneg Pag- aaklas ng mga (1625-1627) na pinamunuan ni Miguel Lanab at Akabahan . Sila ay nagmula sa tribo ng Mandaya ng Capinatan , hilagang-kanluran ng Cagayan. Pareho silang bininyagang Katoliko ngunit labag ito sa kanilang kagustuhan . https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1949612078619389&id=1922575111323086&set=a.1929308323983098

PPT Link:

https://en.wikipedia.org/wiki/Gomburza Noong 1872 ang tatlong pari na sina Father Mariano Gomez, Father Jose Burgos, at Father Jacinto Zamora ay hinatulan ng kamatayan dahil sa kanilang ipinaglaban ; ang pagkakapantay -pantay ng lahat sa harap ng Simbahan . Nagsilbi itong mitsa para sa mga pag- aaklas ng mga Pilipino laban sa pang- aabuso ng mga Espanyol.

Bagama't dati nang nagkaroon ng ganitong mga pag- aalsa , ito ang naghudyat ng simula ng PAGKAKAISA ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. Sa pagkakataong ito, nahati ang hanay ng mga Pilipinong nagsulong ng PAGBABAGO.

Ang isang grupo ay ang mga REPORMISTA na naniwalang kaya pang mabago ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamamagitan ng MAPAYAPANG PARAAN. Ang isa namang grupo ay ang mga REBOLUSYONARYO na naglayong wakasan ang paghahari ng Espanya sa Pilipinas gamit ang DAHAS KUNG KINAKAILANGAN.

Ang isa sa pinakatanyag na repormista ay si Jose Rizal. Malaki ang kanyang naiambag upang mamulat ang ng mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat na aklat , nobela , mga tula , at artikulo . Ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo ay dalawa sa pinakatanyag niyang nobela na naglantad ng kabulukan ng sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol at ang malawakang pang- aabuso at pang- aapi sa mga Pilipino. https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal

Kasama ni Jose Rizal sina Graciano Lopez Jaena na tagapaglathala ng La Solidaridad , si Marcelo H. Del Pilar at si Mariano Ponce. https://www.elaput.org/jaena01.htm

Habang masigasig na isinulong ng mga propagandista ang kanilang mga layunin sa Espanya, nabuo naman ang hanay ng mga rebolusyonaryo sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Buo ang pananalig ni Bonifacio na hindi na sapat ang pakikiusap , pagninikluhod , at pagsusumamo para sa pagbabago . https://en.wikipedia.org/wiki/Andr%C3%A9s_Bonifacio

Itinatag ni Andres Bonifacio ang KATIPUNAN ( Kataas-taasan , Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong 1892, isang lihim na samahang naglayong patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas upang maitatag ang kasarinlan sa pamamagitan ng isang rebolusyon at makabuo ng isang republika . Naglathala ito ng sariling pahayagan , ang KALAYAAN upang palaganapin ang mithiin ng samahan . https://en.wikipedia.org/wiki/Katipunan#/media/File:Katipuneros.jpg

https://bravofilipino.com/8-things-didnt-know-andres-bonifacio/ Natuklasan ang samahan nang hindi inaasahan , at napilitan silang ilunsad ang rebolusyon noong 1896. Sa kasagsagan ng rebolusyon nahati sa dalawang paksiyon ang mga rebolusyonaryo . Sa isang panig ay ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez at sa kabilang panig naman ay ang Magdalo na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Emilio Aguinaldo. Noong 1897 sa Tejeros Convention, binuwag ang Katipunan at nagtatag ang mga rebolusyonaryo ng isang republika at nahirang si Emilio Aguinaldo bilang pangulo .

Bagama't lokal at hiwa-hiwalay ang mga pag-aalsang ito, malinaw na naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang paglaban sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol.

Hindi man naging matagumpay ang mga pag-aalsang ito ay nagkaroon ito ng mahalagang bahagi sa paghubog ng kasaysayan ng bansa, at higit sa lahat sa diwa ng pakikipaglaban na hindi naglaon ay nagpaningas ng higit sa malawakan at matagumpay na kilusan para sa noong ika-19 at ika-20 siglo. kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas

Bayaning Pilipino, Ipinagmamalaki Ko Namuno sa pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa Kastila Gumamit ng sagisag na Plaridel Sumulat ng nobelang Noli at El Fili Ama ng himagsikan Utak ng rebolusyon Piliin ang letra ng tamang sagot. Andres Bonifacio Apolinario Mabini Francisco Dagohoy Jose Rizal Marcelo H. del Pilar C E D A B

Bakit hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol? Ano sa palagay mo ang naging kahalagahan ng mga pag-aalsang ito sa kasaysayan ng kasarinlan ng Pilipinas? Pagnilayan : 1 2

SALAMAT PO! ~Ma’am Eve