AP7 MATATAG Q2 Week 6 Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Pranses sa Vietnam.pptx

dumpjmkramson 17 views 40 slides Aug 31, 2025
Slide 1
Slide 1 of 40
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40

About This Presentation

KBHBHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH


Slide Content

Vietnam Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Pranses sa ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 2 - WEEK 6

Ang pag- aalsa ng mga Thakin sa Burma ay pinamunuan ng mga estudyante mula unibersidad . Marami sa kanila ang nakapag-aral din sa Europa at unti-unting pinuna ang mga kalabisan ng pamahalaang kolonyal . Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga British sa Burma at Pagtugon ng mga Burmese sa mga Pamamaraang ito

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Bago dumating ang mga British, lahat ng batang lalaki sa Burma ay kinakailangang dumaan sa sangha upang maging NO VI C E ( baguhan ) na monghe at mabigyan ng edukasyon . 1.

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Ang British RE SID ENT ay kinatawan ng pamahalaan ng Britain sa Burma. 2.

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Ang mga miyembro ng Dobama Asiayone ("We Burmans Association") ay tinatawag na THAKINS (masters), na karaniwang ginagamit lamang bilang paggalang sa mga British. 3.

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Naging opisyal na kolonya ng Britain ang Burma noong Enero 1, 1886, matapos ang tatlong madugong Digmaang ANGLO-BURMESE. 4.

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan Isang inspirasyon sa mga Burmese ang mapayapang pag- aalsa ng mga Indian sa pamumuno ni MAHATMA GANDHI. 5.

Aral ng Nakaraan , Ating Balikan NOVICE RESIDENT THAKINS ANGLO-BURMESE MAHATMA GANDHI V I E T N A M VIETNAM Hạ Long Bay Golden Bridge

Picture Reveal Natatandaan nyo ba sya? Pumili ng bilang. 1 3 5 7 9 2 4 6 8 Gia Long https://madmonarchist.blogspot.com/2017/02/monarch-profile-emperor-gia-long-of.html

Itinatag ni Nguyen Anh, na tinatawag ding Gia Long ang Dinastiyang Nguyen. https://madmonarchist.blogspot.com/2017/02/monarch-profile-emperor-gia-long-of.html Gia Long

Sa pamumuno niya , napalitan ang pangalan ng bansa mula sa katawagang kaharian ng “Annam”, napalitan ito ng Nam-Viet o pinagsamang “Annam” at “Viet” (o Yue, sinaunang katawagan para sa Vietnam) Gia Long https://madmonarchist.blogspot.com/2017/02/monarch-profile-emperor-gia-long-of.html

Upang maiwasan naman ang pagkalito sa nauna nang “ Nanyue ” sa kasaysayan , minabuti ng emperador ng Tsina na ipagpalit na lamang ang mga pangalan at tawagin ang bansa bilang “Vietnam” na sumisimbolo sa pagkakaisa ng hilaga at katimugang bahagi ng bansa sa ilalim ng dinastiyang Nguyen.

Nagsimulang lumabo ang magandang pakikipag -ugnayan ng Vietnam sa France nang mamatay si Gia Long. Humalili sa kanya si Minh Mang na isang konserbatibong tagasuporta ng Confucianismo . Noong 1826, tinapos ni Minh Mang ang anumang diplomatikong relasyon sa pagitan ng dalawang kaharian .

Kung kaya, noong 1833, isang pag- aalsa laban kay Minh Mang ang isinagawa ng oposisyon at sinuportahan naman ng mga Katolikong Vietnamese at misyonerong Pranses . Ngunit natalo rin ang mga rebelde noong 1835 at nagsimula ang maraming pag- uusig laban sa mga Katoliko .

Anim na misyonerong Pranses ang binitay mula 1836 at ilang patakaran para supilin ang Katolisismo sa Vietnam ang ipinatupad . Martyrdom of Saint Pierre Borie , 24 November 1838, in Tonkin, Vietnam. Vietnamese painting. Vietnamese Catholic martyrs Paul Mi, Pierre Duong, Pierre Truat , martyred on 18 December 1838

Nagamit ang pang- uusig sa mga Kristiyano bilang kadahilanan ng biglaang pagsakop ng mga Pranses . Noong 1857, bunsod na rin ng kagustuhan na mapalawig ang imperyong Pranses , nagpadala si Napoleon III ng puwersang-militar sa Vietnam upang sakupin ito.

Noong 1887, pormal nang naging bahagi ang Annam, Tonkin, at Cochinchina sa tinatawag na French Indochina, kasama ang Cambodia, Laos at Guangzhouwan ( Tsina ). https://historyworldsome.blogspot.com/2013/12/french-indochina.html

https://www.pacificatrocities.org/the-french-colonial-period.html Tulad ng mga British, binigyang-katwiran din ng mga Pranses ang kanilang pananakop bilang "civilizing mission." Ito ay tumutukoy sa katwirang – tungkulin ng mga Pranses na sakupin ang hindi mauunlad na rehiyon sa Asya at Africa, at ipalaganap ang mga makabagong ideyang politikal , repormang panlipunan , sistemang industriyal , at makabagong teknolohiya .

https://medium.com/southeast-asia/how-french-colonialism-shaped-and-influenced-vietnam-a-historical-overview-a469c378adfc Ngunit sa katotohanan , ang kolonyalismong Pranses ay nakatuon lamang sa produksiyon, pagtubo , at sapilitang paggamit ng lakas manggagawang Vietnamese na nagkaroon ng matinding epekto sa Vietnam.

Representative Colonial na pamahalaan ang ipinatupad ng mga Pranses sa Vietnam. Ang Indonchina ay ipinagkatiwala ng pamahalaang Pranses sa mga gobernador na Pranses . Ang mga gobernador at pangkat ng mga opisyal na ito ay may kalayaan at kapangyarihang magpasiya , dahilan upang lumaganap ang korupsiyon , suhulan , marahas na pakikitungo sa mga tao , at higit sa lahat, pagpapalawig ng sariling interes . Sa panahong ito , ang mga emperador ng dinastiyang Nguyen ay nanatiling tau- tauhang monarka lamang sa bansa . https://smartencyclopedia.org/2023/05/07/french-colonization-of-vietnam-impact-on-society-culture-and-independence-struggle/

Upang mabawasan ang pagsalungat at pakikipaglaban ng mga Vietnamese, isinakatuparan ng mga Pranses ang estratehiyang divide and rule. Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng pagkalat ng usapin laban sa isa’t isang pangkat na bumubuo sa rehiyon .

Nang panahong ito , ang rehiyon ay nahahati sa mga pays o mga lalawigan na binubuo ng Cochinchina sa timog ( lungsod ng Ho Chi Minh sa kasalukuyan ), Tonkin at Annam ( kasalukuyang mga bahagi ng Vietnam), Cambodia, at Laos na pinangasiwaan nang magkakahiwalay . https://historyworldsome.blogspot.com/2013/12/french-indochina.html

Find Me. Hanapin sa bilog ang tinutukoy ng bawat bilang. Tawag ng mga Pranses sa kanilang tungkuling sakupin ang hindi mauunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Nagpadala ng puwersang-militar sa Vietnam upang sakupin ito . Isinagawa ng mga Pranses ang estratehiyang ito sa Vietnam sa pamamagitan ng pagkalat ng usapin laban sa isa’t isang pangkat . Uri ng pamahalaan na ipinatupad ng mga Pranses sa Vietnam. Tawag sa mga lalawigan sa rehiyon sa panahon ng pananakop ng mga Pranses . Civilizing Mission Gia Long Napoleon III Divide and Rule Representative Colonial Pays

Pagsusuri Anong estratehiya ang ginamit ng mga Pranses sa pananakop sa Indochina? May pagkakaiba ba ito sa estratehiya ng mga British? May pagkakaiba ba ang pamamahala ng mga Pranses sa Cambodia at Vietnam?

Pranses Tugon ng mga Vietnamese sa Pamamahalang Kolonyal ng mga ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 2 - WEEK 6

Nagsimula ang mga kilusang laban sa kolonyal na pamahalaan sa umpisa pa lamang ng pananakop ng mga Pranses . Maraming Vietnamese ang tutol sa pamahalaang kolonyal at mga polisiya nito . Marami rin ang nagnanais na maibalik ang dating tradisyon at monarkiya ng Vietnam. https://hiddenlandtravel.com/nguyen-dynasty-last-monarch-vietnam/

Naganap ang ilang malalaking pakikipaglaban sa Annam noong 1885 sa pamumuno ni Phan Dinh Phung. https://en.wikipedia.org/wiki/Phan_%C4%90%C3%ACnh_Ph%C3%B9ng Ang kaniyang rebelyon ay natapos lamang sa araw ng kaniyang kamatayan noong 1895.

Ang Duy Tan Hoi, isang rebolusyonaryong organisasyon na itinatag ni Phan Boi Chau ay nagnais na tapusin ang kolonyal na pamahalaan ng France sa Vietnam, ngunit sinuportahan naman ang mga makabagong ideya at teknolohiya na mahalaga sa modernisasyon ng bansa . Pagdating ng ika-20 siglo , maraming kilusang nasyonalista na rin ang naging aktibo .

Sa tulong ng mga Hapon at impluwensiya ng rebolusyonaryong si Sun Yat Sen, maraming Vietnamese ang naipadala ng organisasyon sa ibang bansa upang magsanay . https://en.wikipedia.org/wiki/Sun_Yat-sen

Dahil dito , maraming kilusan ang nagsimula ng kani-kanilang protesta at paglaban sa mga Pranses . Isa na rito ang Vietnamese Nationalist Party (Vietnam Quoc Dan Dang) na naitatag noong 1927 at sinuportahan din ng Kuomintang (o Partidong Nasyonalista ) ng Tsina . Unti-unti , sinalakay ng mga grupong nasyonalista ang mga garison ng mga Pranses ngunit natalo rin sila ng mga mananakop .

Dahil sa pag-usbong ng mga organisasyon para sa pagsasarili ng Vietnam, nagsimulang maghigpit pa lalo ang mga Pranses at marami ang naipakulong . Pagdating ng 1930, nabuo ang Indochinese Communist Party, sa pamumuno ni Nguyen Ai Quoc o mas kilala bilang Ho Chi Minh. https://en.wikipedia.org/wiki/Ho_Chi_Minh

PPT Link:

Complete Me HO CHI MINH Sa tulong ng mga Hapon at impluwensiya ng rebolusyonaryong si __________ , maraming Vietnamese ang naipadala ng organisasyon sa ibang bansa upang magsanay . DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG 1.

Complete Me HO CHI MINH __________ o Partidong Nasyonalista ng Tsina . DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG 2.

Complete Me HO CHI MINH Ang __________ , isang rebolusyonaryong organisasyon na itinatag ni Phan Boi Chau ay nagnais na tapusin ang kolonyal na pamahalaan ng France. DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG 3.

Complete Me HO CHI MINH Naganap ang ilang malalaking pakikipaglaban sa Annam noong 1885 sa pamumuno ni __________ . DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG 4.

Complete Me HO CHI MINH Nabuo ang Indochinese Communist Party sa pamumuno ni Nguyen Ai Quoc o mas kilala bilang __________ . DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG 5.

HO CHI MINH DUY TAN HOI SUN YAT SEN KUOMINTANG PHAN DINH PHUNG H A N O I Kapital ng Vietnam

Pagsusuri Naging maganda ba ang pamamalakad ng mga Pranses sa Vietnam? Sa paanong paraan nagkatulad o nagkaiba ang pagtugon ng mga Cambodian at Vietnamese sa pamahalaang kolonyal ng mga Pranses ?

Salamat po! ~Ma’am Eve