Seatwork #2 (September 04, 2025) Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang bawat pahayag.
1. Ang kita ng mamimili ay isa sa mga salik na di-presyo na nakaaapekto sa demand.
2. Kapag dumami ang populasyon, karaniwang bumababa ang demand sa produkto.
3. Ang panlasa o kagustuhan ng mamimili ay maaaring magbago dahil sa uso at teknolohiya.
4. Normal goods ang tawag sa mga produktong dumadami ang demand dahil sa pagtaas ng kita.
5. Ang inaasahang pagbabago ng presyo sa hinaharap ay nakaaapekto rin sa demand ngayon.
6. Ang presyo ng mismong produkto ang pangunahing halimbawa ng salik na di-presyo ng demand.
7. Ang advertisement o patalastas ay nakakaimpluwensya sa demand ng mga mamimili.
8. Kapag bumaba ang kita ng tao, maaaring bumaba ang demand sa mga luxury goods.
9. Ang pagbabago sa klima o panahon ay maaaring makaapekto sa demand ng ilang produkto.
10. Kung dati ay tuyo ang binibili ng isang pamilya, ngunit nang tumaas ang kita nila ay mas madalas na silang bumili ng tilapia. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng inferior good.