jermainedayneangeles
29 views
27 slides
Aug 27, 2025
Slide 1 of 27
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
About This Presentation
This contains Aralin 1.5 of Filipino 9
Size: 3.3 MB
Language: none
Added: Aug 27, 2025
Slides: 27 pages
Slide Content
ARALIN 1.5ARALIN 1.5 Dula mula sa
PilipinasINIULAT NG PANGKAT 1 (ISA)
ANO ANG DULA?
Ito ay isang uri ng panitikan na itinatanghal
sa entablado o sa harap ng mga
manonood.
Ayon kay ARISTOTLE, ito ay masining na
panggagaya o paglalarawan sa mga
kaganapan sa buhay ng tao — sa wika, sa
kilos, at sa damdamin.
“AMA NG DULA NG
PILIPINAS” Si Severino Reyes ay kilala bilang Ama ng
Dulang Tagalog. Siya ang sumulat ng tanyag
na dula na Walang Sugat at lumikha ng mga
kuwentong pambata bilang Lola Basyang. Sa
kanyang mga likha, itinaguyod niya ang
pagmamahal sa bayan at kulturang Pilipino.
LAYUNIN NG DULA:
b.) Magbigay-
buhay ang mga
tauhan sa kuwento
at maitanghal sa
entablado.
a.) Magbigay
libang sa mga
manonood.
LAYUNIN NG DULA:
c.) Maitanghal ang mga kuwentong maaaring
nagmula sa imahinasyon ng manunulat o mga
kuwento mula sa realidad ng buhay.
d.) Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan na itinatampok ang mga isyung
panlipunan.
TATLONG BAHAGI NG DULA:
1. Yugto
Ang ipinanghahati sa dula. Naglaladlad ng pangmukhang tabing
upang makapagpahinga ang mga nagsiganap gayundin ang
mga manonood.
2. Tanghal
Ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangan na magbago ng
itsura ang tanghalan.
3. Tagpo
Ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang
gumaganap sa dula.
MGA URI NG DULA 1. Trahedya
– Isang anyo ng dula na tumatalakay sa
mabibigat na suliranin ng pangunahing tauhan na
karaniwang humahantong sa malungkot o madilim
na wakas. Ang mga tauhan ay kadalasang
dumaranas ng matinding emosyon gaya ng
pagdurusa, kamatayan, o kabiguan
MGA URI NG DULA 2. Komedya
– Isang masaya at magaan na dula na
layuning magpatawa at magbigay-aliw sa
mga manonood. Karaniwan itong may mga
tauhang nakakatawa o kakaiba ang ugali, at
kadalasan ay nagtatapos sa masayang
wakas.
MGA URI NG DULA: 3. Melodrama
– Isang uri ng dula na nagpapakita ng matinding
emosyon tulad ng labis na kaligayahan,
kalungkutan, o kapighatian. Madalas itong may
mga kontrabida, bayani, at mga tagpong
nakakaiyak. Ang layunin nito ay pukawin ang
damdamin ng mga manonood.
MGA URI NG DULA:
4. Parsa
– Ang pangunahing layunin ng dulang
ito ay magpatawa sa pamamagitan
ng mga kawili-wiling pangyayari at
mga pananalitang lubhang katawa-
tawa.
MGA URI NG DULA:
5. Saynete
– Ang pinakapaksa ng uring ito ay
ang mga pangkaraniwang ugali.
Tulad ng parsa, Ang dulang ito ay
may layuning magpatawa.
MGA URI NG DULA:
6. Tragikomedya
– Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian
gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may
mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsiling tagapagpatawa, subalit sa huli’y
nagiging malungkot na dahil nasasawi o
namamatay ang ilang mga tauhan.
1. Simula
• Tawag din: Eksposisyon
• Nilalaman:
Dito ipinapakilala ang tagpuan, mga tauhan, at ang
paunang suliranin na bubuo sa kwento.
Nagbibigay impormasyon tungkol sa sitwasyon ng
kwento.
• Layunin: Tapusin ang kwento nang may aral o epekto sa
manonood.
MGA SANGKAP (PARTE) NG DULA:
2. Gitna - Sa bahaging ito, makikita ang mga sandaling puno
ng aksyon, ang mga tunggalian, at ang pinakamataas na
punto ng kwento.
• Tawag din: Kasukdulan
• Nilalaman:
Sulyap sa Suliranin - Bawat dula ay may sentrong
problema na nagbibigay saysay sa kwento. Makikita ito sa
simula o gitna, at maaaring may higit sa isa.
MGA SANGKAP (PARTE) NG DULA:
Saglit na Kasiglahan - Panandaliang pagtakas o paglayo ng mga
tauhan mula sa kanilang mga suliranin upang magbigay ng
pansamantalang ginhawa.
Kasukdulan - Ito ang pinakamahalagang bahagi kung saan
nasusubok ang katatagan ng tauhan at nagkakaroon ng tensyon.
- Tunggalian - Maaaring maganap ang tunggalian sa pagitan ng
mga tauhan, tauhan laban sa kapaligiran, o sa loob ng sarili ng
tauhan. Maaaring magkaroon ng maraming tunggalian sa isang
dula.
MGA SANGKAP (PARTE) NG DULA:
MGA SANGKAP (PARTE) NG DULA:
3. Wakas - Dito naman matutunghayan ang pagbawas ng
tensyon at ang paglutas ng mga suliranin.
• Tawag din: Katapusan
• Nilalaman:
Kakalasan – unti-unting pagresolba ng problema.
Katapusan – nagwawakas ang kwento. maaaring masaya
(komedya) o malungkot (trahedya).
• Layunin: Tapusin ang kwento nang may aral o epekto sa
manonood.
MGA ELEMENTO NG DULA 1. Iskrip - Pinakakaluluwa ng dula; lahat ay nakabatay dito.
Walang dula kung walang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor - Mga aktor na nagbibigay-buhay
sa tauhan, nagsasalita, at nagpapakita ng damdamin;
sila ang pinapanood.
3. Tanghalan - Tumutukoy sa anumang lugar kung saan
isinasagawa ang pagtatanghal ng isang dula. Maaari
itong maging isang entablado sa kalsada, isang silid-
aralan, o anumang espasyo na pinipili para sa palabas.
MGA ELEMENTO NG DULA 4. Tagadirehe o Direktor - Ang direktor ang nagdidirekta sa
iskrip, tagpuan, kasuotan, at pagganap ng mga tauhan ayon
sa kanyang interpretasyon.
5. Manonood - Hindi maituturing na isang tunay na dula ang
isang pagtatanghal kung walang mga manonood na
nakakasaksi rito; ang diwa ng dula ay nasa pagganap nito,
kaya't upang tawaging dula, kailangang may mga
tagapanood o manonood na naroroon.
BUOD NG TIYO SIMON:
DULA - PILIPINAS NI N.P.S TORIBIO Si Boy ay batang pinipilit ng kanyang Ina na
magsimba, ngunit ayaw niya dahil mas gusto niyang
makinig sa mga kwento ng kanyang Tiyo Simon—
isang lalaking may kapansanan at dating hindi
relihiyoso. Nag-alala ang Ina dahil baka matulad si
Boy kay Tiyo Simon na dati ay hindi nagsisimba.
BUOD NG TIYO SIMON:
DULA - PILIPINAS NI N.P.S TORIBIO Ngunit nang dumating si Tiyo Simon, inamin nitong
totoo—dati siyang walang paniniwala, ngunit nang
siya’y masaktan at makaranas ng kahirapan,
natutunan niyang manalig sa Diyos sa sarili niyang
paraan. Sa dulo, sinabi niya kay Boy na ang
pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa
pagsimba kundi sa paniniwala sa puso. Dahil dito,
pumayag si Boy na sumama sa simbahan.
GRAMATIKA/RETORIKA: 1. Dati’y nagtulungan ang mga tao dahil sa sakuna.
2. Nagtutulungan ang mga tao upang lumikas para
sa paparating na bagyo.
3. Kung hindi tayo magtutulungan, maaaring marami
ang malagay sa panganib.
4. Katutulong pa lamang namin sa aming kapitbahay
ng magsimula bumuhos ang malakas na ulan.
GRAMATIKA/RETORIKA: Pandiwang Panaganong Paturol
(Aspekto ng Pandiwa)
Ang panagano ng pandiwa ay tumutukoy sa iba't ibang
anyo ng pandiwa ayon sa panahon. Ang panaganong
pandiwang paturol ay tumutukoy sa panagano ng wika
kung saan nagbabago ang anyo ng wika batay sa
aspekto nito gaya ng perpektibo, imperpektibo, at
kontemplatibo.
GRAMATIKA/RETORIKA: Pandiwang Panaganong Paturol
(Aspekto ng Pandiwa)
1.Perpektibo (Pangnagdaan) - ginagamit kung
nagdaan na ang ginawa.
Halimbawa:
Pinanood ko nung isang araw ang bagong
pelikula ng paborito kong artista.
GRAMATIKA/RETORIKA: Pandiwang Panaganong Paturol
(Aspekto ng Pandiwa)
2. Imperpektibo (Pangkasalukuyan) - ginagamit
kapag ginagawa na sa kasalukuyan.
Halimbawa:
Pinanonood ko ang bagong pelikula kasama
ang aking kaibigan.
GRAMATIKA/RETORIKA: Pandiwang Panaganong Paturol
(Aspekto ng Pandiwa)
3. Kontemplatibo (Panghinaharap) - ginagamit kung
mangyayari sa hinaharap o gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Panonoorin namin ng aking nanay ang Batang
Quiapo mamayang gabi.
GRAMATIKA/RETORIKA: Pandiwang Panaganong Paturol
(Aspekto ng Pandiwa)
4. Aspektong Katatapos - nagagamit tuwing
katatapos lamang ng kilos.
Halimbawa:
Kapapanood pa lamang namin niyan kaninang
hapon.