ALAMAT Ang Alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol. Karaniwang kathang-isip o maaari naming hango sa tunay na pangyayari . Maari ring tungkol sa mga pangyayaring di kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng isang pangalan ng lugar , bagay at iba pa
Mababakas sa Alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng Alamat ang manlibang . Sa tulong ng bawat bahagi ng Alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura , tradisyon , kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino
MGA ELEMENTO NG ALAMAT
ELEMENTO NG ALAMAT: 1. Tauhan – nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa. Maaaring bida , kontrabida o suportang tauhan
ELEMENTO NG ALAMAT: 2. Tagpuan – nakasaad ang lugar na pinayayarihan ng mga aksyon insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kwento .
ELEMENTO NG ALAMAT: 3. Gitna – ito ay may tatlong bahagi : kasiglahan , tunggalian at kasukdulan . Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga nasasankot sa suliranin
GITNA Tunggalian – nagsasaad ng pakikipagtunggalian o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglaban Kasukdulan – pinakamadulang bahagi kung saan nakatuon sa pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglaban
URI NG TUNGGALIAN Tao laban sa tao - ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan . Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena o mabuting tao laban sa masamang tao . Tao laban sa sarili – ang kalaban ng pangunahing tauhan ay kanyang sarili .
URI NG TUNGGALIAN 3. Tao laban sa kalikasan – ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan . Kadalasan ay tumutukoy sa mga kalamidad . 4. Tao laban sa Lipunan – ang pangunahing tauhan ay nakikipagbanggan sa Lipunan. Umiiral ito kapag lumihis ang tauhan sa pamantayang itinakda ng lipunan .
ELEMENTO NG ALAMAT:
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod : 1. Si ______________ ay isang ________________ na lider at _____________ na ama. Handang siyang magsakripisyo para sa kaniyang anak . 2. Batay sa nabasa magbigay ng tatlong salita na puwedeng ilarawan sa lugar na Bohol.
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod : 3. Isulat ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa nabasang alamat gamit ang arrow ladder.
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod : 4. Magbigay ng mga situwasyon mula sa alamat na nabasa na maglalarawan sa sumusunod na tunggalian sa kuwento . TUNGGALIAN MGA PANGYAYARI SA ALAMAT Tao laban sa tao Tao laban sa sarili Tao laban sa lipunan Tao laban sa kalikasan