PANIMULA Sa alinmang wika , mahalaga ang mga tunog . Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita . Bukod sa pagkilatis sa tunog , may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin,intensiyon , at saloobin ng nagsasalita .
PONEMANG SUPRASEGMENTAL Pantulong sa ponemang segmental. Ito ang tawag sa makabuluhang tunog na nagbubuklod sa mga katinig at patinig, maging sa mga diptonggo at klaster. Sa pakikipagtalastasan , matutukoy natin ang kahulugan , layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin , haba , tono o intonasyon , at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita .
DIIN tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas . * maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik . *Mga halimbawa ng salita : BU:hay = bu:HAY = LA:mang = la:MANG = kapalaran ng tao humihinga pa natatangi nakahihigit;nangunguna
HABA * ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i , o, u ) ng bawat pantig . * maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba . * mga halimbawa ng salita : bu.kas = bukas = nangangahulugang susunod na araw hindi sarado
TONO Ang pagtaas o pagbaba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa . 3 2 pon ka 1 ha 3 2 ha ka 1 pon Pag- aalinlangan / nagtatanong Pagpapahayag / sigurado 213 231
Ayon naman kina Otanes at Schacter ( 1972 ) ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels: ang mataas ( 3 ) , katamtaman , ( 2 ) at mababa ( 1 ) .
ANTALA Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating kausap Ito ay inihuhudyat ng kuwit (,), tuldok (.), tutuldok (:), tuldok-kuwit (;).
Hal. Doktor Juan Miguel Manuel ang buo kong pangalan . Doktor , Juan Miguel Manuel ang buo kong pangalan . Doktor Juan, Miguel Manuel ang buo kong pangalan .
Hindi ako ang may kasalanan . Kahulugan : Iginigiit ng tagapagsalita na wala siyang kasalanan . Hindi, ako ang may kasalanan . Kahulugan : Inaamin ng tagapagsalita na siya ang may kasalanan .
PAGSASANAY Pagyamanin ang kasanayan sa paggamit ng ponemang suprasegmental batay sa mga sumusunod na gawain . Isulat ang mga kasagutan sa isang buong papel .
PAGSASANAY 1: DIIN Maghanap ng limang (5) halimbawang salitang magkatulad ang baybay (spelling) ngunit magkaiba ang kahulugan . Lagyan ng tamang diin batay sa isinasaad na kahulugan nito at gamitin sa isang pangungusap ang dalawang salita na magkaiba ang kahulugan . Hal. 1. A:so- alagang hayop a:SO- usok Nahimatay ang aking alagang A:so dahil nakalanghap ng a:SO. 2. BU:kas - susunod na araw Bu:KAS - hindi sarado Hanggang BU:kas ng umaga pala bu:KAS ang paresan ni Diwata.
PAGSASANAY 3: HABA Maghanap ng limang (5) halimbawang salitang magkatulad ang baybay (spelling) ngunit magkaiba ang kahulugan . Lagyan ng tamang haba batay sa isinasaad na kahulugan nito at gamitin sa isang pangungusap ang dalawang salita na magkaiba ang kahulugan . HAL. 1. Pi.to- bagay na hinihipan Pito – bilang Hinipan ng guro ang pi.to pagkatapos niyang magbilang hanggang pito . 2. La.mang-natatangi Lamang – nangunguna , nakahihigit Siya la.mang ang lamang sa kanilang magkakapatid dahil siya lang ang nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral .
PAGSASANAY 4: ANTALA Tukuyin ang kahulugan ng bawat pahayag batay sa hinto o antala na ipinapahiwatig sa bawat pangungusap . Kopyahin ang pangungusap bago sagutan . Hindi, ako ang kaibigan niya . Hindi ako ang kaibigan niya . Hindi maganda . Hindi, maganda . Hindi, doktor ang tatay ko.