🧭 Online Class Rules / Mga Alituntunin sa Online Class 🖥 ️ Bago ang Klase Pumasok sa oras. Mag-login 5–10 minuto bago magsimula ang klase. Ihanda ang mga kagamitan. Siguraduhing may notebook, ballpen, at module bago magsimula. Ayusin ang lugar ng pag-aaral. Dapat tahimik, maliwanag, at walang distraksyon. Gumamit ng tamang pangalan. Gamitin ang tunay na pangalan sa iyong account o profile
🎧 Habang Nasa Klase I-on ang camera kung pinahihintulutan ng guro. (Kung may problema sa koneksyon, ipaalam.) I-mute ang mikropono kapag hindi nagsasalita upang maiwasan ang ingay. Makinig nang mabuti at huwag makipag-chat o maglaro habang nagkaklase. Itataas ang kamay (raise hand) bago magsalita o magtanong. Maging magalang sa guro at kaklase sa pagsasalita . Sumunod sa mga tagubilin ng guro sa mga gawain .
Maikling Balik-Aral Paano mo bibigyan ng solusyon ang bawat suliranin o hamon na makikita sa larawan:
Unawain ang bawat pahayag Tinatapon ko sa tamang tapunan ang aking mga basura dahil alam kong ang basurang itinapon ko kung saan-saan ay babalik din sa akin.
Unawain ang bawat pahayag Nakikiisa ako sa mga programa laban sa walang habas na pagputol ng mga puno.
Unawain ang bawat pahayag Ipinagbibigay-alam ko sa kinauukulan ang bilang ng plaka ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok na nagdudulot ng polusyon sa hangin.
Unawain ang bawat pahayag Lagi kong tinitingnan kung nakasarang maigi ang gripo ng tubig kung hindi ito ginagamit.
Unawain ang bawat pahayag Nakikinig ako nang husto sa aking guro kapag tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.
Maunlad na komunidad
Maunlad na komunidad
Maunlad na komunidad
Maunlad na komunidad
Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Pagtugon sa mga mithiin ng tao nang may pasaalang alang sa kakayahan ng sususnod pang henerasyon na makamit din ang kanilang pangangailangan.
Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Sa taong 1972 napagtanto ng United Nation Conference on Human Environment ang posibleng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran.
Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development) Naglitawan ang mga panawagan na magkaroon ng isang alternatibong sa harap para sa lumalalang krisis ng ating kalikasan. Sa kasalukuyan, hindi maitatanggi ang mgasuliranin sa kalikasan na may direkta at hindi direktang epekto sapamumuhay ng mga tao.
Bukod sa pagkasira ng kalikasan, malaki rin ang pinagbago ng pamumuhay ng mga tao. Ang likas-kayang pag-unlad o sustainable development ay ang pag-unlad na nakakamit sa kalikasan. May tatlonng uri ang likas kayang pag-unlad ito ay: tao/lipunan, kalikasan, at ekonomiya.
Likas-kayang pag-unlad sa Kalikasan Ang likas-kayang pag-unlad ay galing sa hilaw na materyales , Malaki ang epekto nito sa mga tao at ating kalikasan kaya nararapat lamang ito na pangalagaan.
Likas-kayang pag-unlad sa Ekonomiya Nakatuon sa pagkamahal ng kita nang walang pakundangan na nagdudulot sa masamang epekto ng kalikasan at sa tao.
Likas-kayang pag-unlad sa Tao/Lipunan Nakatutulong naman ang maayos na disenyo ng mga pamayanan at pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran, at mahalagang may maayos na pamamahala upang Maganda ang daloy ng negosyo.
Konsumerismo marami mga Pilipino ang may ugaling ganito na kahit hindi naman kailangan bilhin ay binibili parin para makapagsabayan sa mga uso ngayon kahit lagpas na sa kanilang kinikita. Ito ay suliranin ng mga tao na dapat kontrolin.
Kahirapan mga hamon na dapat tutukan ng pansin o aksyon. Dahil sa kahirapan maraming mga mamayang Pilipino ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil mas pinili nila ang pagtatrabaho para matugunan ang kanilang pangangailan araw-araw.
Gawain Magsulat 2 na mga dahilan ng kahirapan at paano natin ito masulusyunan.
Mga Sustainable Development Goal ng United nations Layunin I - Sugpuin ang lahat ng anyo ng kahirapan sa buong daigdig.
Mga Sustainable Development Goal ng United nations Layuin II - Wakasan ang kagutuman, makamit ang seguridad sa pagkain at maayos na nutrisyon, at isulong likas kayang-kayang agrikultura.
Layunin III - Tiyakin ang wastong kalusugan at maayos na pamumuhay.
Layunin IV - Tiyakin ang inklusibo at patas na pagkakataon sa de-kalidad na edukasyon at isulong ang panghabambuhay na pagkatuto para sa lahat .
Layunin V - Makamit ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at itaguyod ang pag-unlad ng kababaihan
Layunin VI - Tiyakin ang likas-kayang pangangasiwa sa suplay ng tubig at kalinisan para sa lahat.
Layunin VII- Tiyakin ang abot-kaya, maaasahan, likas-kaya, at modernong enerhiya para sa lahat.
Layunin VIII-Itaguyod ang pangmatagalan, inklusibo, at likas-kayang paglago ng ekonomiya at produktibo at disenteng trabaho para sa lahat.
Layunin IX -Magtayo ng matitibay na impraestruktura at isulong ang pagunlad ng industriya at inobasyon.
Layunin X -Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa loob at sa pagitan ng mga bansa.
Non-sustainable Energy Resources Ito ay mga likas-kayang hindi napapalitan at nauubos agad, dadaan ang taon-taon upang mapalitan at magamit sa susunod na henerasyon. Halimbawa nito ay mga coal, fossil fuels, natural gas, ginto, natural gas, at aluminum.
RENEWABLE ENERGY 1. WIND ENERGY 2. SOLAR ENERGY 3. HYDROPOWER ENERGY 4. BIOMASS 5. GEOTHERMAL ENERGY
NON-RENEWABLE ENERGY 1. NUCLEAR ENERGY 2. COAL 3. NATURAL GAS 4. FOSSIL FUEL 5. OIL
Malaki rin ang papel ng edukasyon sa pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad. Una, mahalagang maunawaan ng mga mamamayan ang responsabilidad ng iba’t ibang institusyon sa pagtataguyod ng likas kayang pag-unlad.
Kabilang din dito ang responsabilidad ng bawat isa upang magtagumpay ang mga proyektong inilatag ng pamahalaan. Makatutulong ang maayos at malalim na kaalaman ng kabataan upang sila ay maging produktibong kasapi ng bansa na magtataguyod sa kaunlaran nito.
Pagsusulit Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________? A.Environmental Sustainment B.Sustainable Development C.Environmental Development
2. Tungkulin ng pamahalaan na magsulong ng mga programang mangangalaga sa kapaligiran para sa kapakanan ng mga mamamayan lalo na ng mga susunod na henerasyon. Tama Mali
3. Hindi mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga usapin at gawaing pang kalikasan upang mabago ang ating paraan ng paggamit ng likas na yaman. Tama Mali
4. Mapangalagaan natin ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagsasagawa o pagsasabuhay ng 4Rs: reuse, reduce, recycle, at restore. TAMA MALI
5. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________. A. Environmental Development B. Sustainable Development C. Environmental Sustainment D. Sustainable Environment
6.Ano ang tawag sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman upang mapanatili ito para sa susunod na henerasyon? A.Pagsasamantala ng yaman B.Pagpapabaya sa yaman C.Pagkasira ng kalikasan D.Likas-kayang pag-unlad
7. Ano ang isa sa mga pangunahing layunin ng likas-kayang pag-unlad? A. Pagkasira ng mga anyong tubig B. Pagtaas ng polusyon C. Pagbawas ng kahirapan D. Pagkasira ng mga puno
8. Alin ang pinakamahusay na paraan upang mapanatili ang mga likas na yaman? A.Sirain ang kanilang mga tahanan B. Pangalagaan at gamitin nang responsable C. Huwag pansinin ang mga ito D. Gamitin ng labis-labis
9. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran? A. Pagtaas ng basura B. Mas malusog na pamumuhay C. Pagkasira ng mga hayop D. Mas maraming sakit
10. Bakit mahalaga ang pag-recycle ng mga materyales? A. Upang maging mahirap ang mga tao B. Para masira ang kalikasan C. Upang mabawasan ang basura at mapanatili ang yaman ng kalikasan D. Para mas maraming bagay ang itapon
11. Anong isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng basura sa mga komunidad? A. Maling pamamahala ng mga basurang domestik B. Pagkakaroon ng maraming puno C. Pagsasaka sa mga kabundukan D. Mataas na antas ng edukasyon
12. Ano ang isang halimbawa ng siyentipikong solusyon sa hamon ng likas-kayang pag-unlad? A. Paggamit ng renewable energy sources B. Pagkain ng fast food C. Paggamit ng plastik na bote D. Pagbibili ng mga gamit na hindi kailangan
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi hamon sa likas-kayang pag-unlad? A. Mabilis na pagdami ng populasyon B. Pagkasira ng kalikasan C. Kawalan ng trabaho D. Pagpapabuti ng kalusugan ng mga tao
14. Ano ang isa sa mga pangunahing prinsipyo ng likas-kayang pag-unlad? A. Ang pagbibigay-priyoridad sa kalikasan at tao B. Ang pag-aaksaya ng mga yaman C. Ang wala nang pagpapahalaga sa kalikasan D. Ang pag-unlad sa anumang paraan
15. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran? A. Pagtaas ng basura B. Mas malusog na pamumuhay C. Pagkasira ng mga hayop D.Mas maraming sakit
16. Ang pagtitipid ng kuryente ay isang halimbawa ng _______. A. pag-aaksaya ng likas na yaman B. pangangalaga sa kalikasan C. pagpapabaya sa lipunan D. pag-unlad ng industriya
17. Alin sa mga sumusunod ang hindi likas-kayang gawain? A. Paggamit ng solar energy B. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar C. Pagmimina nang walang reforestation D. Pagtitipid ng tubig
18. Ang tatlong haligi ng likas-kayang pag-unlad ay ekonomiya, lipunan, at _______. A. pamahalaan B. kapayapaan C. kalikasan D. teknolohiya
19. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng likas-kayang paggamit ng yaman? A. Pagtapon ng basura sa ilog B. Pagputol ng puno nang walang tanim na kapalit C. Pagtatanim ng bagong puno matapos magputol D. Pagsunog ng kagubatan para sa sakahan
20. Bakit mahalaga ang likas-kayang pag-unlad? A. Upang masira ang kalikasan B. Upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng tao at kalikasan C. Upang mas madaming maputol na puno D. Upang magkaroon ng basura