Pambansang Kaunlaran tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya.
Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran 1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa. 2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura. 3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater. 4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas ng pamumuhay ng mga tao. 5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa. 6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan. 7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.
Feliciano R. Fajardo Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat tulad halimbawa ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan at marami pang iba.
Michael P. Todaro at Stephene C. Smith Ang pag-unlad bilang pagtamo ng patuloy na pagtaas ng income per capita nang sa gayon ay mapabibilis ang pagdami ng awtput ng bawat bansa kaysa sa bilis ng pag-unlad ng populasyon. ang pagsulong ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Mga Salik sa Pag-unlad at Pagsulong 1. Likas na Yaman 2. Yamang-Tao 3. Kapital 4. Teknolohiya at Inobasyon
Mga Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran 1. MAABILIDAD 1.1 Bumuo o sumali sa kooperatiba 1.2 Pagnenegosyo 2. MAKABANSA 2.1 Pakikilahok sa pamamahala ng bansa 2.2 Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Mga Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran 3. MAALAM 3.1 Tamang pagboto 3.2 Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad