Araling Panlipunan Module for grade 10 PPT.pptx

JazzeraMustapha 546 views 16 slides Jul 04, 2024
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

Araling Panlipunan for grade 10


Slide Content

Ika-apat na markahan modyul 2 Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan

Larawang-suri

Mga Katanungan: Ano-ano ang ipinakikita ng larawan? Bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino, ginagawa mo ba ang mga ito? sa papaanong paraan mo ipinapakita ang iyong pagiging isang mabuting mamamayang Pilipino?

Kahulugan ng pagkamamamayan tandaan na ang pagkamamamayan ay hindi na lamang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado , bagkus , maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan .

Kahulugan ng pagkamamamayan Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat .

Kahulugan ng pagkamamamayan aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito .

Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan igigiit ng isang mamamayan ang kanyang mga karapatan para sa ikabubuti ng lipunan . Kanyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kanyang mga hinaing at saloobin .

Ano ba ang iyong mga tungkulin? Ikaw ba ay tagasunod? O tagasuri lamang? Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado .

Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari ba nating matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan?

ANG RESPONSABLING MAMAMAYAN AY DAPAT: < Yeban (2004)> MAKABAYAN MAY PAGMAMAHAL SA KAPWA MAY RESPETO SA KARAPATANG PANTAO MAY PAGPUPUNYAGI SA MGA BAYANI MAY KARAPATAN AT TUNGKULIN MAY DISIPLINA SA SARILI MAY KRITIKAL AT MALIKHAING PAG-IISIP

12 Gawain MAAARING Makatulong sa SA ATING Bansa : 1. Sumunod sa batas trapiko 2. Humingi ng resibo kapag bumibili 3. Tangkilikin ang sariling produkto 4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa 5. Igalang ang mga lingkod bayan 6. Itapon nang wasto ang basura ATTY. ALEX LACSON

12 Gawain MAAARING Makatulong sa SA ATING Bansa : 7. Suportahan ang simbahan 8. Gampanan ang tungkulin tuwing eleksiyon 9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran 10. Magbayad ng tamang buwis 11. Tulungan ang mga batang kabilang sa maralitang angkan 1 2 . Maging mabuting magulang sa mga anak ATTY. ALEX LACSON

i. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa malinis na papel ang inyong sagot. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa lumawak na pananaw nito? Ano naman ang mga pagkakatulad ng ligal at lumawak na pananaw ng pagkamamamayan? Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunAN?

II. PHOTO ESSAY PANUTO: GUMUHIT NG LARAWAN SA BONDPAPER O SA KWADERNO O GUMUPIT NG LARAWAN SA ISANG MAGAZINES , O NEWSPAPER NA NAGPAPAKITA NG LUMAWAK NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN. PAGKATAPOS IDIKIT SA BONDPAPER ANG GINUPIT NA LARAWAN AT LAGYAN NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL DITO.

TAKDANG - ARALIN Panuto: SA ISANG MALINIS NA PAPEL, ISULAT ANG MGA KARAPATANG PANTAO

Salamat!