BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 10 KWARTER 1 UNANG LINGGO Pangkat / Oras : GRADE 10 8:15-9:00 am Petsa : JULY 29, 2024 Pamagat : ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Pamantayang Pangnilalaman : Ang mag- aaral ay may pag - unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon namakapagpapabuti sa pamumuhay ng tao . Pamantayan sa Pagganap : Ang mag- aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuting pamumuhay ng tao . Mga Kasanayan sa Pagkatuto : Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu . (MELC 1)
I. LAYUNIN Sa loob ng 60 minuto ang mga mag- aaral ay inaasahang malilinang ang mga sumusunod ng may hindi bababa sa 75 bahagdan ng pagkatuto .
1. Nakapagsusuri ng kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu . 2.Nakagagawa ng talahanayan tungkol sa mahahalagang kontemporayong isyung panlipunan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ; at 3. Nakapagsasabi ng kanyang sariling kuro-kuro ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu .
II. NILALAMAN Paksa : ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU B.Sanggunian : K-12 Modyul ng Mag-aaral.Araling Panlipunan10:Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Unang Edisyon 2020. Unang Markahan Modyul, Week 1. Pp.1-11.(soft copy).; MELC- Week 1; BOW A.P GRADE 10 Halaw: https://www.google.com/imgres?imgurl C.Kagamitan : Learning Activity Sheets, Larawan, Laptop,LCD Projector
III. PAMAMARAAN Panimulang Gawain ( 5 minuto ) Panalangin Pagbati sa klase Pagtatala ng lumiban sa klase Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng larawan na nagpapakita ng Iba’t ibang isyu sa lipunan .
Panlinang na Gawain Paglalahad ( 10 minuto ) Ang guro ay magtatanong , kung ano ang kanilang masasabi sa larawan . I kokonek ng guro ang mga opinyon ng bawat mag aaral sa paksang tatalakayin . Pagtatalakay ( 20 minuto ) Ang guro ay magtatalakay ng mga sumusunod : Pangunahing Konsepto - Diagram
Ang guro ay magpapakita na mga halimbawa ng kontemporaryong isyung panlipunan,pangkalusugan,pangkapaligiran at pangkalakalan .
Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Pangkapaligiran Isyung Pangkalakalan Halalan Covid-19 Global Warming Online shopping Terorismo Kanser Earthquake Import/Export Rasismo Subrang katabaan Typhoon Hoarding Diskriminasyon HIV/Aids Polusyon Kooperatiba Makikita natin sa talahanayan sa ibaba ang halimbawa ng mga isyu na nakatapat ayon sa tamang uri na maaaring nangyari sa iyong komunidad.