CUF-VE-G10-FEB.23-2024 - Copy.pptx CATCH UP FRIDAY

MagnoliaSiaodelPilar 0 views 19 slides Oct 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

EDUKASYON SA PAGABABAGO


Slide Content

catch-up fridays Values Education 10 Community Awareness: Cooperation

Paksa: Pakikipagtulungan at Pakikipag-ugnayan tungo sa Kaunlaran ng Pamayanan

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: a.) nakauunawa sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagsunod sa mga patakaran, ordinansa, at batas tungo sa kaunlaran ng pamayanan; b.) napahahalagahan ang esensiya ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan upang mapagtagumpayan ang pagkamit ng layuning ipinatutupad ng pamayanang kinabibilangan; c.) nakalilikha ng sariling awitin na nagpapamalas ng diwa ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan at ang bunga nito tungo sa pangkalahatang kaunlaran.

Gawain: Two Truths and a Lie

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bibigyan ng dalawang (2) minuto ang mga mag-aaral upang makapag-isip at maisulat sa malinis na papel ang tatlong patakaran at regulasyon na kanilang sinusunod sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

Panuto: Kinakailangan na dalawa sa mga ito ay totoo o mga katotohanan tungkol sa gawaing kanilang isinasabuhay, habang ang ikatlong pahayag ay hindi totoo ngunit dapat maging isang kapani-paniwalang katotohanan.

Ano sa ibinahagi ng iyong kamag-aral ang katotohanan na nagpapakita ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnyan niya sa kanilang pamayanan? Ano naman ang maituturing na likhang isip lamang o hindi niya ginagawa ? Ano ang nagiging epekto nito sa pag-unlad ng pamayanan ?

Paano nakakaapekto ang hindi pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng bawat indibidwal sa pagsunod sa mga patakaran, ordinansa, at batas na ipinatutupad sa kanilang pamayanan? Bakit mahalagang maipamalas sa tuwi-tuwina ng mamamayan ang pakikipagtulungan niya sa mga patakaran , ordinansa at batas ng pamayanang kanyang kinabibilangan ?

Ibahagi sa klase ang iyong sariling ideya o opinyon kung paanong ang mga natutuhan mong pakikipagtulungan at pakikipag-ugnyan sa paaralan ay magtataguyod ng iyong pagiging disiplinadong mamamayan na kaisa sa pagkakamit ng kaunlaran ng pamayanang iyong kinabibilangan.

Gawain: “Kilos Ko, Kilos Natin: Pagsasanay sa Pakikipagtulungan at Ugnayan ng Pamayanan” (hango sa apple-banana-orange energizer)

Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng bilog at ilalagay ang kanilang mga kamay sa balikat ng taong nasa harap nila. Ang bawat miyembro ay kinakailangang kumilos nang sabay-sabay upang mapanatiling buo ang bilog.

Ang guro ang magsisilbing pinuno at ang bawat pangkat na binubuo ng mga mag-aaral naman ang magsisilbing tagasunod sa utos na ibibigay ng guro. Samakatuwid, ang pinuno ang mangunguna tungo sa mga layunin at ang mga tagasunod ay may mahalagang papel sa pagtutok at pagsusumikap para sa pangkalahatang tagumpay ng grupo.

Ang guro/pinuno ay ipaliliwanag sa mga mag-aaral na may tatlong (3) salita siyang sasambitin sa klase na kinakailangang sundin ng mga mag-aaral. Narito ang mga sumusunod na salita at ang kaukulang kilos na dapat gawin ng mga mag-aaral: ➢Ang "LIDER" ay nangangahulugang lahat ay sabayang lulundag pasulong. ➢Ang "TAGASUNOD" ay nangangahulugang lahat ay sabayang lulundag paurong. ➢Ang "KOOPERASYON" ay nangangahulugang lahat ay sabayang lumundag at iikot ng 180-degree upang ilagay ang kanilang mga kamay sa balikat ng taong nasa likod.

Mga Yugto: ▪ Easy round: Ang guro ay magbibigay ng mga utos nang mabagal. Halimbawa, "lider!... tagasunod!... kooperasyon!... lider!" na may ilang segundo sa pagitan ng mga utos. ▪ Average round: Ang guro ay magkokombina ng dalawang utos. Halimbawa, "lider-tagasunod!... kooperasyon-lider!" ▪ Difficult round: Ang guro ay magkokombina ng tatlo o higit pang utos.

GAWAIN: “HARMONY IN LYRICS”

Magtutulungan upang makalikha ng isang orihinal na awitin ayon sa kanilang pinagsama-samang karanasan patungkol sa pagiging mabuting mamayan bunsod sa kanilang pakikipagtulungan sa mga ipinatutupad na patakaran, ordinansa, at batas. Ano ang gintong-aral na iyong napulot sa gawain na ito ?

Gawain: “Kamay ng Pagtupad: Pangakong Aktibidad para sa Komunidad”

Sa isang makulay na papel ay iguhit o i-‘trace’ ang sariling kamay. Pagkatapos ay isulat ang pangako o ‘commitment’ na handang isabuhay bilang isang mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa komunidad na kinabibilangan at pakikipagtulungan sa bawat miyembro nito. Maging malikhain sa paggawa at idikit ito sa isang malinis na papel. Magbahagi ng pagninilay/repleksyon patungkol sa kahalagahan ng tunay na pakikipagtulungan at pagkakaroon ng magandang ugnayan sa bawat miyembro ng lipunan tungo sa pangkalahatang kaunlaran.

MARAMING SALAMAT!
Tags