dagli-241013090033-880c67fc.pptxdagli-241013090033-880c67fc.pptx

laranangeva7 1 views 44 slides Oct 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 44
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44

About This Presentation

Grade 10 Lesson


Slide Content

Pagsusuri sa Kasiningan ng Akda DAGLI AKO PO’Y PITONG TAONG GULANG

Basahin ang teksto “PROPOSAL FAIL” ni Juan Bautista

“You’re proposing without a ring?” nakatingin ang mga kaibigan kay Toti at sa nobya nitong si Marie. Nakaabang ang lahat sa mga susunod na mangyayari . Nagtatakang niyuko ni Toti ang singsing sa kanyang palad habang nakaluhod . At muli niyang tiningala ang nobya .

“Alam ko singsing yan . Pero bakit walang bato ?” Katahimikan . “Hindi naman sa ano, pero lagi ka kasing nagmamadali Toti . Magsi -six years pa lang tayo. Ang buong akala ko naman e nag- iipon ka kaya sobrang tipid mo.” “ Pasensya ka na, Marie.” “Then I’m sorry too. It’s a no.”

Makalipas ang tatlong araw. “Kuneng, kamusta na ang kaibigan mo? Malungkot ba?” si Marie. “Hindi naman ayos lang siya. Bakit?” “E kasi nga napahiya siya nung Sabado ‘di ba? Para namang wala ka ron.”

“A. Ayos lang si Toti. Mamaya pupunta ko ron tutulungan ko siyang mag-ayos.” “Mag-ayos?” “Oo. Tapos na kasi yung pinagawa niyang bahay.” “Bumili siya ng bahay namin?” “Bahay niya lang. Feelingerang ‘to.”

Maligayang Pasko ni Eros S. Atalia

Maligayang Pasko ni Eros S. Atalia Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven. Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon , hotdog at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas , ubas , kahel at peras . Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice

Inilagay na niya sa mesa ang morcon , lechon manok, embutido , paella at pinasingaw na sugpo . Naglagay siya ng tatlong pinggan , baso , kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot . Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam . Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan . Habang naglalakad , sinilip niya ang laman ng supot .

May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena. Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

Ano ang nakita ninyong katangian ng dalawang Dagli na inyong nabasa ?

4 Pic 1 Word CHILD LABOR

Magbigay ng mga salitang maaaring iugnay sa salitang child labor gamit ang grapikong pantulong .

Ano ang DAGLI? Isang anyo ng maikling kuwento at ang sitwasyon ay may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad , gahol sa banghay at pawang mga paglalarawan lamang (Arrogante, 2007). Samakatuwid , ito’y isang salaysay na lantaran at walang-timping nangangaral , namumuna , nanunudyo o kaya’y nangangaral .

Ano ang DAGLI? Napagkakamalang flash fiction o sudden fiction sa Ingles Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang magkaroon ng dagli sa Pilipinas noong (1990s) bago pa man magkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990

Ano ang DAGLI? Sa kasalukuyan , kinikilala si Eros Atalia bilang isang mahusay na manunulat ng dagli na naglathala ng kaniyang aklat na pinamagatang “Wag lang Di Makaraos (100 Dagli , mga Kuwentong Pasaway , Paaway at Pamatay ) noong 2011.

Paraan ng Pagsulat ng Dagli ( Eros Atalia ) Magbigay tuon lamang sa isa (tauhan, banghay , tunggalian, diyalogo , paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo Magsimula lagi sa aksiyon

Paraan ng Pagsulat ng Dagli ( Eros Atalia ) 3. Sikaping may twist o punchline sa dulo 4. Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento 5. Gawing double blade ang pamagat .

Tingnan ang mga larawan

Sagutin ang mga sumusunod : 1. Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na kausapin sila, ano ang sasabihin ninyo sa kanila? 2. Ano kaya ang pangunahing dahilan sa kanilang pagtatrabaho sa murang edad ?

Ako Po’y Pitong Taong Gulang Mula sa Isla ng Carribean

bidyo

Ako Po’y Pitong Taong Gulang Hello! Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla ng Caribbean. Ako po’y pitong taong gulang . Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumising po ako ng alas- singko ng umaga . Umigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang aking pinaglilingkuran .

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki . Sumunod po, tumulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain , kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan , walisan ang bakuran , labhan ang mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina .

Hinugasan ko po ang mga paa ng aking among babae . Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain , mas mabuti naman po ito kaysa giniling na mais na giniling ko kahapon . Gula- gulanit po ang aking mga damit at wala akong sapatos . Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking amo na ipaligo ang tubig na inigib ko para sa pamilya

Kagabi po ay sa labas ako natulog , kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag- aral . Maging maayos po sana ang araw ninyo . Amelia.

Sagutin ang mga sumusunod : 1. Paano sinimulan ng nagsasalita sa akda ang kaniyang salaysay ? 2. Paano isinalaysay ni Amelia ang kaniyang pang-araw-araw na gawain ?

Sagutin ang mga sumusunod : 3. Aling bahagi ng kuwento ang naglalarawan ng twist ng akda? 4. Ipaliwanag ang double blade ng pamagat ng akdang , “Ako Po’y Pitong Taong Gulang .” 5. Saan nakatuon ang akdang binasa ? Ipaliwanag .

Bilang isang kabataan , paano kaya natin matutulungan ang mga kagaya ni Amelia? Sagutin ito sa kalahating bahagi ng papel . Tiyaking makabubuo ng 4-7 pangungusap .

PANGKATANG GAWAIN PT#3

GAWAIN 1. Suriin ang tauhan, tagpuan, at mga pangyayari sa binasang akda sa tulong ng grapikong representasyon.

SALITANG NAGLALAHAD NG DAMDAMIN -galit na galit -galit -nakakalungkot

PT#3 SUMULAT NG ISANG DAGLI Tungkol sa di- karaniwang pangyayari sa paligid o kaya naman ay di- pangkaraniwang ginawa ng isang tao . Isulat ito sa short bond paper.

SALITANG NAGLALAHAD NG PAGSASALAYSAY -hindi umano -noong bata pa ako -nasaksihan -nakita ko -apat na taon pa lang ako

SALITANG NAGLALAHAD NG PANGYAYARI -noon -sumunod -ngayon pong araw na ito -kagabi po -pagkatapos po -kung minsan po
Tags