DAY 1.pptx...............................

grade1files11 2 views 10 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

ppt


Slide Content

FILIPINO 2 UNANG ARAW

Mga Kasanayang Pampagkatuto 1 Pagtukoy sa mga Salitang Magkakatugma Matutukoy ang mga salitang may parehong tunog sa dulo (isa hanggang tatlong pantig). 2 Pagkilala sa mga Tunog ng Salita Matutukoy ang mga patinig at katinig na bumubuo sa bawat salita. 3 Pagtukoy sa mga Pantig Matutukoy ang mga pantig sa salita (isa hanggang tatlong pantig). 4 Paggamit ng High Frequency Words Magagamit ang mga madalas gamiting salita tungkol sa sarili at paaralan.

Mga Layunin ng Aralin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Makilala ang mga Salitang Magkatugma Matukoy ang mga Tunog ng Salita Mahati ang mga Salita sa Pantig Magamit ang High Frequency Words

Nilalaman / Paksa Pangunahing Paksa: Tulang Pambata Katinig at Patinig Pagpapantig High Frequency Words (Sarili at Paaralan)

Panimulang Gawain: Hulaan Natin! Maghanda ng mga larawan ng mga bagay at tao sa paaralan (aklat, lapis, papel, pisara). Hulaan ninyo ang salitang tinutukoy ko. Babanggitin ko ang mga tunog na bumubuo sa bawat salita. Handa na ba kayo? Pagkatapos hulaan, isulat ang mga salita sa pisara at ipaliwanag na ito ay mga karaniwang makikita sa paaralan.

Pag-unawa sa mga Susing-Salita Bago magbasa, talakayin ang kahulugan ng mga salitang: sabik, biyaya, diwa, pagdamay. Sabik: Sabik na sabik si Lino na makita ang kanyang ina kaya naman ang laki ng ngiti niya nang makita ito. Biyaya: Maraming biyaya ang dumating sa pamilya ni Aling Elsa tulad ng pagkain at mga damit noong Pasko. Pagdamay: Naramdaman namin ang pagdamay ng aming mga kapitbahay noong Bagyong Ondoy. Tinulungan nila kami na makalikas. Diwa: Ang aming mga diwa ay gising na gising habang nakikinig sa mensahe ng aming guro. Gamitin ang context clues upang matukoy ang kahulugan.

Pagbasa: "Pag-aaral ay Mahalaga" Basahin ang tulang pambata, maaaring gumamit ng hand movements. Sa paaralan ako ay sabik pumunta, Maraming kaalaman doon makukuha. Mga guro ay laging handang magturo, Iba't ibang aralin at paksa sa isip ay mabubuo. Malaking biyaya ang makapag-aral, Sa paaralan din ay natututo ng tamang ugali. Pakikipagkapwa at pakikipagtulungan ang palaging gawi. Pagdamay sa kapuwa at sa mga kasama sa paaralan, Hindi nakakalimutan sa oras ng pangangailangan.

Pagpapaunlad ng Kaalaman: Mga Tanong Talakayin ang mga sumusunod na tanong batay sa tula: Anu-ano ang mga uri ng paghahanda na dapat ginagawa ng mga mag-aaral? Anu-ano ang mga mahahalagang natutunan sa paaralan? Sang-ayon ba kayo na isang biyaya ang pagpasok sa paaralan? Bakit? Pagkatapos, ipaliwanag ang mga salitang magkakatugma (magturo-mabubuo, ugali-gawi) at ipatukoy ang iba pang tugma sa tula.

Pagpapalalim: Bahagi ng Salita Ang salitang aklat ay may dalawang pantig: ak/lat . Ito ay binubuo ng apat na tunog: /a/ /k/ /l/ /a/ /t/ . Patinig Ang titik a ay isang patinig, tulad ng e, i, o, u . Walang pagpigil sa bibig habang binibigkas. Katinig Ang mga titik k, l, t ay mga katinig. May pagpigil sa bibig, ngipin, o iba pang bahagi habang binibigkas.

Paglalapat at Paglalahat Punan ang patlang ng angkop na salita: Ang mga patinig ay kinabibilangan ng mga titik ____ . Ang mga katinig ay kinabibilangan ng mga titik ____ . Ang mga salitang magkatugma ay may parehong ____ . Pagtataya: Magbigay ng maikling pagsasanay (hal. Tama o Mali) ukol sa mga tinalakay na konsepto.
Tags