Banghay-Aralin sa Filipino 2
I. Layunin
A. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
B. Natutukoy kung ang isang pangyayari ay sanhi o bunga.
C. Nakapagbibigay ng pangungusap na may sanhi at bunga.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, video, Spin The Wheel App
C. Sanggunian: LEARNER’S MATERIAL FILIPINO (Ikatlong Markahan) pahina 16-19
MELC pahina 125
Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang importansya ng kahandaan sa sakuna at
pandemya. Pagiging Mabuti sa kapwa.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ating balikan ang ating nakaraang aralin.
-Ano ang tawag natin sa panghalip na humahalili sa ngalan ng tao?
-Magbigay ng halimbawa nito.
2. Pagganyak
Pakinggan ang tula. Pagkatapos tumawag ng bata na bibigkas ng tula.
Iwasan ang Kalaban
(Sinulat ni Gng. Irish B. Zonio)
Ngayon sa komunidad ay may pandemya
Na dulot ng virus na nakakahawa,
Kaya tayo ay nasa bahay tuwina
Upang sakit na ito ay ‘di makuha.
Virus na kalaban ating iiwasan
‘Di nakikita pero nararamdaman,
Kaya naman para hindi na mahawa
Face mask at alcohol laging dala-dala.
Sagutin ang mga tanong.
❖ Ano ang dahilan ng pandemya sa komunidad?
❖ Ano naman ang naging epekto ng pandemyang ito?
❖ Ano ang dapat gawin para hindi tayo mahawa ng virus?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang kuwentong “Si Juan na Laging Palaaway” sa modyul sa Filipino (PIVOT 4A-Ikatlong Markahan) pahina
17.
Si Juan na Laging Palaaway
Downloaded by Jayson’sVlog (
[email protected])