Demo PUP Kasaysayan pantayong pananaw para sa mga Pilipino

guintoraymart 9 views 15 slides Sep 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 15
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15

About This Presentation

education


Slide Content

Re-view of Philippine History & Heritage Pambungad sa Pag- aaral ng KASAYSAYAN Raymart B. Guinto Guro

HISTORY vs. KASAYSAYAN

HISTORY vs. KASAYSAYAN Mula sa Kanluraning konsepto “Study of past events” ayon sa diksiyonaryo Nakatuon sa   pag-uulat  at  pag-uusisa  ng nakaraan Batay sa   obhetibong pagsusuri  ng mga ebidensya at tala Layunin :  maitala at maipaliwanag  ang mga pangyayari sa nakaraan Mula sa Pilipinong pananaw ayon kay  Dr. Zeus Salazar “ Salaysay hinggil sa nakaraan … na may saysay para sa sariling lipunan at kultura ” Nakatuon sa   pangyayaring may Kahulugan , Katuturan , at Kabuluhan Nakaugat sa   kultural at pambansang identidad Layunin :  magbigay ng kahulugan   sa nakaraan batay sa pananaw ng sariling komunidad

Ano ang Kasaysayan ? Ang kronolohikal na pagsasalaysay ng mga kaganapang mahalaga sa tao . Ang pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari na may kaugnayan sa pag-unlad ng buhay ng tao .

Ano ang saysay ng Kasaysayan ? Kasaysayan  – hindi lang tala, ulat , o pagsasalaysay ng nakaraan Saysay at Identidad  – nagbibigay kahulugan sa tao , grupo , bayan, o bansa Sining at Agham  – may sinusunod na pilosopiya at metodolohiya Disiplina  – sistematikong pag-aaral at pananaliksik sa mahahalagang pangyayari Pag- aaral ng Kulturang Pilipino  – mahalagang matutunan ang pananaliksik at pagpapakahulugang pangkasaysayan Layunin  – makabuo ng kritikal na pananaliksik sa kasaysayang lokal at pamana ng pook o bayan

Bakit mahalagang pag-aralan ang Kasaysayan ? Sa pag-aaral ng kasaysayan , nakikinabang ang tao sa mga karanasan ng mga tao sa nakalipas na panahon . “Those who do not remember the past are condemned to repeat it.” Karl Marx

Mga Susing Konsepto Kasaysayan  – ayon kay  Dr. Zeus Salazar , Isang  salaysay hinggil sa nakaraan  o anumang paksa na   may saysay  para sa sariling lipunan at kultura Nakatuon sa   pangyayaring at kaganapang may Kahulugan , Katuturan , at Kabuluhan  ( Pantayong Pananaw : Ugat at Kabuluhan ) Sa mga ninuno , makikita ito sa   epiko  at  heneaolohiya Naiiba sa   historia / history  ng mga dayuhan na nakatuon sa   pag-uulat  at  pag-uusisa  ng nakaraan History  → “study of past events” ayon sa Kanluraning diksiyonaryo Nagtagpo ang  Pilipinong Kasaysayan  at  Kanluraning History   noong ika-16 dantaon , pagdating ng mga Kastila Patunay ng pamamayani ng “ saysay ” sa kasaysayan : ekspresyon na   “ walang katorya-torya ”  ( mula sa   historia )

Mga Susing Konsepto Historiograpiya  – Tumutukoy sa   pagsusulat ng kasaysayan Saklaw ang  pilosopiya  at  pamamaraan   sa pananaliksik Kabilang ang  paghahanap at pagsusuri ( kritika )  ng mga batis o sanggunian Pagbibigay interpretasyon   sa mga datos Pagbuo ng naratibo  o teksto ng kasaysayan batay sa masusing pananaliksik Mga salaysay na may saysay na isinasalaysay …

Ang Pag-aaral ng Kasaysayan Ang pag-aaral ng kasaysayan ay binubuo ng tatlong bahagi :

Pinagkukunan ng Datos sa Pag-aaral ng Kasaysayan Primaryang Datos - mga relics, labi , manuskripto at dokumento na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan .

Pinagkukunan ng Datos sa Pag-aaral ng Kasaysayan Sekondaryang Datos – mga unang pag-aaral na ginawa ng tungkol sa paksang pinag-aaralan .

Mga Yugto ng Kasaysayan ng Pilipinas Panahong Protohistoriko (? – 1521) Pananakop ng mga Kastila (1521-1892) Panahon ng Himagsikan (1892-1902) Pananakop ng mga Amerikano (1902-1941; 1945-1946) Pananakop ng mga Hapon (1941-1945) Panahon ng Republika ng Pilipinas (1946-Kasalukuyan)

Gawain 1 Ano ang kaibahan ng Western concept na “History” sa Pilipinong konsepto ng “ Kasaysayan ”? Ano ang kaibahan ng primary at secondary source? Ano ang kaibahan ng external at internal criticism? Ano ang Pantayong Pananaw at ang kaibahan nito sa ibang pananaw ayon kay Zeus Salazar?

Gawain 2: Pagsusuri ng Batis Panoorin ang mga sumusunod na video na nagpapakita ng ilang halimbawa ng pagsusuri ng dokumento o batis: Xiao Time: Retraction ni Jose Rizal, totoo kaya?. https://youtu.be/IYzG6tbcYxk Xiao Time: Tulang Sa Aking Mga Kabata , si Dr. Jose Rizal nga ba ang sumulat ? https://youtu.be/87fZdVNdWOE Xiao Time: Ang Kodigo ni Kalantiaw . https://youtu.be/kFjr9_azT6s Bilang pagsubok at pagsasanay sa pamamaraang pangkasaysayan , pumili ng isang primaryang batis sa kasaysayan at suriin gamit ang sumusunod bilang gabay :

Gawain 2: Pagsusuri ng Batis   Pangalan ng Batis:   Uri ng Batis:   KONTEKSTO Sino ang may- akda ? Anong mga detalye tungkol sa may- akda ang masasabing may kaugnayan o kinalaman sa batis? Para kanino ang batis na ito ? Saan at kailan nailathala o nalikha ang batis na ito ? Ano ang kontekstong pangkaysayan ng lugar at panahon nang malikha o malathala ang batis na ito ?   NILALAMAN Anu- ano ang mga mahahalang kaisipan o mensaheng nais sabihin o patunayan ng batis? Anu- ano ang mga impormasyon , argumento o ebidensyang ibinibigay bilang patunay ?   PAG-UUGNAY AT PAGPAPAKAHULUGAN Iugnay ang mahahalagan impormasyon , kaisipan o mensahe na sinasabi ng dokumento sa iba pang mga batis. Ito ba ay sumasalungat o tumutugma ? Bakit? Ano ang kahalagahan ng batis na ito ?    
Tags