Edukasyon sa pagpapakatao Grade Five Aralin 1 Week 4.pptx

ANITAMANISCAN3 8 views 24 slides Oct 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5


Slide Content

EsP – Aralin 1 Week 4 (Days 1-5)

Unang Araw Layunin : Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral paggawa ng proyekto ( gamit ang anumang technology tools

Aralin 4 Bukas ang Isip Ko , Mag- aaral Ako !

Ano ang nais mo paglaki mo ? Ikaw ba ay isang batang nangangarap na maging isang matagumpay na tao balang araw , may malaking bahay at sariling sasakyan at nalilibot ang iba’t-ibang bahagi ng mundo ?

Suriin ang ipinahahayag ng mga nasa larawan . Alamin Natin

Mga tanong :   1. Ano ang mga pagkakaiba ng dalawang larawan ? 2. Ikaw bilang isang bata , aling larawan ang nais mong maging ikaw ? 3. Ano ba ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang batang katulad mo ? 4. Ano ang mga mabuting epekto ng edukasyon sa tao ?

CROSSROADS Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon . Isulat ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL na kaalaman . Paano mo maipakikita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng proyekto , paggawa ng takdang aralin at pagtuturo sa iba ?

Paggawa ng proyekto Paggawa ng takdang aralin Pagtuturo sa iba

Paggawa ng Proyekto Paggawa ng Takdang Aralin Pagtuturo sa Iba                             INITIAL NA KAALAMAN Paggawa ng Proyekto Paggawa ng Takdang Aralin Pagtuturo sa Iba

Pagtataya : Magbigay ng iba pang halimbawa ng mabuting naidudulot ng pag-aaral nang mabuti .

  Takdang Aralin : Ipagawa ito sa bawat pangkat BAITANG-BAITANG Sagutan ang bawat katanungan sa kahon sa loob ng pyramid. Iguhit ang larawan ng isang keyboard.   Saan ginagamit ang isang keyboard? Ano ang kahalagahan ng isang keybord sa isang mag- aaral na tulad mo ?

Isagawa Natin Ikalawang Araw Gawain 1   Balikan ang kwentong “ Ang Alamat ng Keyboard” sa Aralin 3.

  BUIIN MO AKO     Ako ay isang Keyboard………kaya lamang , nagkahiwa-hiwalay ang mga bahagi ng aking katawan …. maaari mo ba akong buiin ? Mga kagamitan : Mga letra,numero at iba pang bahagi ng keyboard Pandikit Folder o karton Mga aklat na maaaring pagkunan ng larawan ng isang keyboard.   Panuto : Hatiin sa apat na grupo ang klase . Magtalaga ng isang lider . Magpakita ng modelo ng keyboard sa klase . Bumuo ng isang keyboard gamit ang mga nakalaang kagamitan . Ipresenta ang awtput sa klase .

Gawain 2 Batay sa ibinigay na Takdang Aralin sa unang araw , talakayin ang kahalagahan ng isang keyboard sa isang mag- aaral . Lagyan ng marka ang mga mukha sa karatig na kahon .

Iguhit ang larawan ng isang keyboard.   Saan ginagamit ang isang keyboard? Ano ang kahalagahan ng isang keybord sa isang mag-aaral na tulad mo? BAITANG-BAITANG Sagutan ang bawat katanungan sa kahon sa loob ng pyramid.

Pagtataya : Ano ang kahalagahan ng paggawa ng takdang aralin ?

Ikatlong Araw Gawain 3   Round-Robing Hatiing muli sa naunang apat na grupo ang klase . Bumuo ng bilog ang bawat grupo . Lumapit sa guro ang 4 na lider ng bawat grupo at kunin ang mga metacards na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa keyboard. Gamit ang nagawang awtput sa unang Gawain, ituturo ng lider sa kamag-aral na kasunod niya ang mga impormasyon na nasa metacards . At pagkatapos ituturo naman ng mag- aaral sa kasunod niyang kamag-aral ang kanyang natutuhan . Uulitin ito hanggang maturuan ang buong miyembro ng grupo . Bilang awtput ng grupo , ang huling mag- aaral ay kukuha ng manila paper at pentel pen at isusulat nito ang kanyang natutuhan at nalaman base sa Gawain.

Isapuso Natin KAYA KO, KAYA MO, KAYA NATIN Basahin ang mga susmusunod na sitwasyon na nagsasaad ng mga hindi mabubuting saloobin sa pag-aaral . Iwasto ang mga sitwasyon batay sa inyong pang- unawa . Isusulat ito sa inyong kwaderno . 1. Pumasok sa paaralan si Alma na hindi naligo at madumi ang uniporme . Tanghali na kasi siyang nagising at mahuhuli na siya sa klase kung siya ay maliligo pa. Ikaapat na Araw

2. Maingay ang klase ni Mr. Cruz sa kadahilanang agaran siyang ipinatawag ng punongguro upang kausapin . Nag- iwan siya ng Gawain at inatasan si Julio na mangasiwa muna sa mga kamag-aral at magpatahimik . Subalit siya ang pasimuno sa pag-iingay .

3. Nagbigay ng takdang-aralin ang guro na si Bb. Raga tungkol sa pangangalap ng impormasyon sa malimit na pagbaha sa lugar nina Margo. Kinakailangan nilang kausapin ang mga taong may kaugnayan dito . Subalit tinatamad si Margo dahil may usapan sila ng kanyang mga kaibigan na pupunta sa parke .

4.Nagkaroon ng pangkatang Gawain sa klase ni Gng . Bala . Inatasan ng guro na maging lider ang isang kagrupo ni Tanya. Nawalan ng gana sa Gawain si Tanya dahil inaasahan nya na siya ang magiging lider dahil alam nya na mas magaling siya kesa sa kaklase . Kaya imbes na makiisa sa Gawain, hindi siya tumutulong at kinukwento pa niya ang katabi .

5. Inatasan siya ng kanilang guro na turuan ang isa nilang kaklase na nahihirapang maintindihan ang isang paksa sa Science. Tumalikod siya at bumulong , “ Bakit ako ang magtuturo ? Hindi naman ako ang guro….at isa pa ito … hindi nakikinig tapos magpapaturo … kainis ..”  

Tandaan Natin   Ang edukasyon ay sandata natin sa pagharap sa buhay . At bilang mag- aaral , mahalaga na malaman ninyo ang mga maaaring maging epekto ng mabubuti at di- mabubuting saloobin sa pag-aaral . Mahalagang malaman ninyo na sa araw-araw na pagpasok ninyo sa paaralan kayo ay hinuhubog at inihahanda sa isang magandang kinabukasan .    

Lagi ninyong pakatandaan na “ Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ”. Ikaw , bilang isang mag- aaral ay maaaring maging isang instrumento upang magkaroon ng pagbabago ng takbo sa inyong lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang bansa
Tags