Magandang Buhay , Magandang Asal . Mabuting Tao, -Ma’am Ritchelle
Iwasang makipag-usap sa katabi , gumamit ng cellphone at tumayo -tayo sa oras ng klase . Mga Kasunduan : IGALANG ang bawat isa. Ihanda ang sarili sa aralin na pag-aaralan . Itaas ang kamay kung sasagot o magtatanong .
TAYAHIN # 1 I.Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap . Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapahayag KARAPATAN O TUNGKULIN.
_______1. Pagsunod sa mga alintuntunin sa komunidad o pamayanang ating kinabibilangan . KARAPATAN O TUNGKULIN
_______2. Pagsamba at malayang pagpapahayag ng pananampalataya KARAPATAN O TUNGKULIN
_______3. Pagpapayabong o pagpapaunlad ng mga kakayahan at talentong bigay sa atin ng Diyos. KARAPATAN O TUNGKULIN
_______4. Pag – aaruga at pagmamahal ng mga magulang sa mga anak. KARAPATAN O TUNGKULIN
_______5. Patas na proteksyon ng batas laban sa mga paglabag sa pagkatao ng isang indibidwal . KARAPATAN O TUNGKULIN
Panuto : Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at tukuyin kung anong paglabag sa karapatang pantao ang nilabag ng bawat pahayag . II.
_1. Noong panahon ng pandemya , tumaas ang porsyento ng mga kabataang naabuso sa loob ng kanilang mga tahanan .
2. Pinagbabawalan ang mga OFWs at mga mamamayan sa programa ng Balik Probinsya Program na bumalik sa kanilang mga tinitirhang probinsya dahil sa takot na mahawaan sila nito kahit sapat na ang kinakailangan test at quarantine measures na naganap .
3. Pagbibigay ng mahihirap o mabibigat na trabaho sa mga bata .
4.Pagpapatigil pasada sa mga jeepney drivers.
5. Pagsunog ng mga lugar sambahan dahil sa terorismo .
Mga layunin : 1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral (EsP9TT-IIB-6.1) 2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral. (EsP9TT-IIc-6.2) 3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas na Moral (Natural Law), na gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi makamit ang kabutihang panlahat . (EsP9TT-IId6.3)
Modyul 2 Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Balik-Aral Magbigay ng karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao .
Unang Gawain
Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga katanungan .
Sa isang panayam ng taga-ulat ng radyo sa himpilan ng pulisya.
Sa isang panayam ng taga-ulat ng radyo sa himpilan ng pulisya.
Sagutin mo : 1. Mula sa dayalogo , ano ang nahihinuha mong kahulugan ng konsensiya ? 2. Ano ang idinidikta ng konsensiya sa isip ng tao ? 3. Naniniwala ka bang “ Maiwasan man ang maling nagawa ngunit hindi ang konsensiya ”? Patunayan ang sagot mula sa sitwasyong nabasa .
Modyul 2 Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
I. Ano ang Likas na Batas Moral?
LIKAS NA BATAS MORAL Ang Likas na Batas Moral ay bigay ng Diyos sa tao upang maging gabay sa pagkilala sa mabuti at masama . Nakalapat ito sa konsensiya ng tao kung saan na ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao .
DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA LIKAS NA BATAS MORAL.
DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA LIKAS NA BATAS MORAL. 1. Batas ng Diyos (Eternal Law or Divine Law)- 2. Batas ng Kalikasan (Natural Law)-
DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA LIKAS NA BATAS MORAL. 1. Batas ng Diyos (Eternal Law or Divine Law Ito ay naglalaman ng lahat ng batas ng tao at ito ay nilikha upang maabot ng tao ang kaniyang kaganapan . ipinapakita ang kabutihang loob ng Diyos at ang lahat ng sangkap dito sa mundo ay sangkap ng Batas ng Diyos .
2. Batas ng Kalikasan (Natural Law) DALAWANG BATAS NA NAKA-UGAT SA LIKAS NA BATAS MORAL. Ito ang gumagabay sa tao upang mamuhay ng mabuti at tama dahil ang tao ay may kalikasang materyal at ispiritwal na siyang sangkap sa Likas na Batas Moral (Natural Moral Law).
MGA PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL
PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL. 1. Gawin ang mabuti , iwasan ang masama . 2. Kasama ng lahat ng may buhay , may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay . 3. Kasama ng mga hayop ( mga nilikhang may buhay at pandama ), likas sa tao ( nilikhang may kamalayan at kalayaan ) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak . 4. Bilang rasyonal na nilalang , may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan .
Ang Tama : Iba sa Mabuti Ang MABUTI ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili . pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad sa sarili at ng mga ugnayan . Ang isip at puso ang nagsisilbing gabay upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti . laging pakay at layon ng tao .
Ang Tama : Iba sa Mabuti Ang TAMA ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon , kasaysayan , lawak at sitwasyon pinakaangkop na gawin ng tao Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili .
TANDAAN: Ang mga pagpapahalagang tulad ng pagmamahalan , paggalang , katarungan , kapayapaan , pagkapamilya , pagpapahalaga sa buhay at marami pang iba ang nakapaloob sa Likas Batas Moral. Ang Batas Moral ang nagbibigay direksyon sa pantaong kilos upang makarating sa tamang patutunguhan . Hindi man malinaw na utos ang Likas Batas Moral sa kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t-ibang pagkakataon ngunit ito ay magsisilbing gabay upang makita ang halaga ng tao . Ganun din ang mga Konstitusyon at mga batas , naisatitik lamang dito kung ano man ang makakatulong sa pagpapayabong ng tao .
Ikalawang Markahan Tayahin # 2 Panuto : Tukuyin kung ang bawat pahayag.Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasabi ng katotohanan at MALI naman kung hindi .
TAMA o MALI Ginawa ang batas para sa tao at hindi ang tao para sa batas . 2. Ang batas ng tao ay ginawa ng tao upang protektahan ang mga may kapangyarihan .
TAMA o MALI 3. Ang pagsunod sa batas ay nagtataguyod ng karapatang pantao . 4. Layunin ng batas ang pagtatamo ng kabutihang panlahat . 5. Alam ng tao ang mabuti at masama at ang magiging epekto nito sa sarili .
TAMA o MALI 6. Ang Batas ng Diyos (Eternal Law or Divine Law ay ay naglalaman ng lahat ng batas ng tao at ito ay nilikha upang maabot ng tao an gang kaniyang kaganapan .
TAMA o MALI 7. Ang Likas Batas Moral ay magsisilbing gabay upang makita ang halaga ng tao .
TAMA o MALI 8. Ang tama ay pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad sa sarili at ng mga ugnayan . 9. Walang kakayahan ang tao na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti patungo sa mabuting paraan ng pagkilos .
TAMA o MALI 10. Tanging sa pagsunod natin sa ating magulang maipakikita ang paggalang sa kanila .
SUSI NG PAGWAWASTO Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama 6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Mali
Takdang-Aralin : Sagutan ang Tayahin ang Iyong Pag- unawa (p.75) at Pagsasabuhay -Gawain 6 (p.77). Isulat ang sagot sa isang buong papel . Huwag kalimutan lagyan ng pangalan , section at pahina .