Tungkol saan ang ating talakayan kahapon ? Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng lipunang iyong ginagalawan ? Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin ?
Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain dahil dito tayo ay gagamit ng isang rubriks atin itong kilatisin kung angkop sa inyong gagawin .
KRAYTIRYA 3 2 1 Husay sa Pagganap Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita nang mataas na kahusayan sa pagganap . 1-2 kasapi sa pangkat ay nagpakita ng katamtamang husay sa pagganap . 3-4 na kasapi sa pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap . Angkop / Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon . Naipakita nang maayos ngunit may pagaalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon . Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon . Partisipasyon ng mga miyembro ng pangkat Lahat ng miyembro ng pangkat ay nakiisa sa pangkatang gawain . 2-3 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain . 4-5 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain .
Pangkatin ang mag- aaral sa apat at ibigay ang mga alituntunin na dapat nilang sundin . Mga alituntunin : 1 . Pumili ng tatayong lider ng grupo . 2. Bumunot ng sitwasyon o eksenang isasadula . 3. Ang bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto para sa preparasyon at karagdagang tatlong minuto sa presentasyon .
Narito ang tema para sa presentasyon : “ Pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mahabagin / maawain ”
Pangkat Gawain 1 Batang nagugutom dahil wala ang magulang 2 Lola na hindi makatawid sa kalsada dahil mabagal lumakad at Malabo ang paningin 3 Gurong maraming dala-dalang gamit na nagkandahulog hulog 4 Nadisgrasyang babae na nakamotor dahil sa biglaang pagdaan ng asong tumatakbo
Talakayin ang ginawa o presentasyon ng bawat grupo .
Kung sa inyo ito nangyari sa tunay na buhay , ipapakita / gagawin o igagalang ba ninyo ang pagpapahalagang pagkamahabagin ? Paano ?
Sagutin nang pasalaysay Magtala ng limang (5) gawain o sitwasyon na maaaring ipakita ang pagkamahabagin ./ paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa
Para sa takdang aralin sumulat ng 3-5 pangungusap kung bakit mahalaga ang pagiging mahabagin .