Elemento ng Akdang Tuluyan.pptx grade 8 2nd quarter
AngelicaMagdaraogBon
374 views
12 slides
Aug 29, 2025
Slide 1 of 12
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
About This Presentation
ito ay ppt na naglalaman ng mga elemento ng aldang tuluyan
Size: 61.99 KB
Language: none
Added: Aug 29, 2025
Slides: 12 pages
Slide Content
Elemento ng Akdang Tuluyan
TAUHAN - Ang nagbibigay-buhay sa akda . Ang tauhan ay maaaring maging Mabuti o masama . Ayon sa Manwal sa Pagsusulat ng Maikling Kuwento , ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan ay ang mga sumusunod : Pangunahing Tauhan – Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda . Sa pangunahing tauhan umiikot ang kuwento , mula sa simula hanggang sa wakas.
b. ) Katunggaling Tauhan – Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan . Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda . c. ) Pantulong na Tauhan – Ang pantulong na tauhan gaya ng ipinahihiwatig na katawagan ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan . Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang-llob o sumusuporta sa tauhan .
d. ) Ang May- akda - Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagama’t ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan , sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor .
BANGHAY – Sa banghay makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari . Ang isang akdang tuluyan ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari , kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumusunod : Ano ang nangyari ? Bakit ito nangyari ? Ano ang nagging wakas? Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na galaw ng mga pangyayari . Naririto ang karaniwang balangkas ng isang maikling kuwento : - Simula (Beginning) – Karaniwang dito ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuan sa akda .
Pagtutunggali (Conflict) – Dito ipinakikilala ng pangunahing tauhan ang mga problema o suliranin sa akda . Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring kapwa tauhan o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya . Kasukdulan (Climax) – Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik . Sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang malalaman na kung nagatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin
Kakalasan (Disentangle) – Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwentong siyang magbibigay-diin sa wakas. Wakas (Ending) – Ang kinalabasan o resolusyon ng paglalaban ng mga tauhan sa akda .
ANG SARSUWELA SA PANAHON NG MGA AMERIKANO SARSUWELA - Ito ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig , poot, paghihiganti , kasakiman , kalupitan , at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika .
Ayon sa kasaysayan , ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit dito – patula at pasalita . Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan , bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin . Samantala , ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan .
Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto . Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa -tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya . Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin , lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes sa kanyang dulang Walang Sugat ; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon , Ngayon at Bukas na mababasa sa susunod na aralin ; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto ; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng Katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa.
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya , puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro . Sa kasakuluyan , ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang Kristiyanismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa .